Kabanata 2

1432 Words
Sandaling umawang ang labi ko. Pero maya maya ay mapakla akong tumawa. Totoo ba ‘tong nakikita ko? Namamalik-mata ba ako? Kung totoo nga itong nakikita ko, ang lupit naman maglaro ng tadhana! “Why her?” tanong ko sa sarili, habang pinasadahan siya ng tingin, mula sa kulay pink nitong buhok, pababa sa suot nitong stiletto. “Purple tie?” Mabagal ang bigkas ng salitang ‘yon, mula sa babae na hanggang ngayon ay hindi pa rin magawang isara ang bibig at nakatutok pa rin ang daliri sa purple tie ko. Kung alam ko lang na siya pala ang babae na papakasalan ko, hindi na ako nagsuot ng purple tie. Sana sinunod ko na lang ang sinabi ni Jac na umatras na lang. Wala sana ako sa sitwasyon na ‘to ngayon. At sana, hindi bumalik sa alaala ko ang mga nangyari noon. Ang tagal ko nang nakalimutan ‘yon. Ang tagal ko nang nag-move on. Bakit naman ganito? Bakit ba ako pinaglalaruan ng ganito? “Pink hair!” Pahapyaw na tawa naman ang kasabay ng sinabi kong ‘yon, at saka ay namulsa at paulit-ulit na bumuntong-hininga. Bumagsak kasi ang Balikat niya. Ang gulat na nakikita ko sa mukha niya kanina ay napalitan ng dismaya. Gaya ko, siguro ay na-confirm na rin niya na hindi siya namamalikmata. Totoo ang nakikita niya at hindi guni-guni lang. “Bakit ikaw?” tanong niya, at ngayon ay hindi na ako nilubayan ng tingin. Gaya ng ginawa ko sa kanya kanina, pinasadahan niya rin ako ng tingin, mula ulo hanggang paa. Saka niya tinampal ang noo ng paulit-ulit, habang nakaturo pa rin sa akin ang Isang daliri niya. “Ang dami namang lalaki sa mundo, bakit ikaw pa?” Tawa at paulit-ulit na iling lang ang sagot ko. Iyon nga din ang tanong ko sa sarili ko. Alam ko, katulad ko ay nagulat din siya. Pero mas matindi ang pagkagulat na nararamdaman ko, dahil ang tao na ayaw ko na sanang makita at maalala, ay nandito sa harapan ko, at siya pa ang babaeng papakasalan ko. Kung alam ko lang na siya ang babae na hinihintay ko—ang babae na magiging asawa ko. Sana hindi na ako pumayag, at hindi bumalik dito sa bansa. “Oh, God! Bakit ikaw?” Sa wakas ay nagawa na rin niyang bawiin ang daliri niya na kanina pa nakatutok sa purple tie ko, at saka ay paulit-ulit na napasabunot sa kulay pink nitong buhok na hindi ko alam kung tunay o hindi. Ako naman ay hindi matigil ang pag-iling. Sa dami ba naman kasing babae sa mundo, bakit si Dorry pa—bakit siya pa ang ipinagkasundo sa akin? Wala naman sanang kaso kung anong klase, o anong hitsura ng babae na papakasalan ko. Hindi naman ako mapili. Ang akin ay matupad ko lang ang huling kahilingan ng Lolo ko. Kaya lang, bakit sa babae pa na paulit-ulit na winasak ang puso ko noon? Siya lang naman kasi ang dahilan kung bakit ayaw ko nang magmahal. Siya ang dahilan kung bakit naging bato itong puso ko, at siya rin ang dahilan kung bakit ayaw kong pumasok sa seryosong relasyon. Pero sa kanya rin pala ako matatali. Sa kanya rin pala ako makakasal. “Nelson De Vedra and Dorothy Castillo.” Sabay kaming napalingon sa babae na nasa bungad ng opisina. “Dorothy Castillo, Dorry...” Napangiti ako habang bigkas ang pangalan nito. Nakakatawa! Matagal kaming naging magkaibigan at magkasamang tumira sa isla. Umabot pa sa punto na minahal ko nga siya. Pero totoong pangalan niya ay hindi ko alam. “Nelson, bakit ikaw?” tanong na naman nito, habang ginulo-gulo ang buhok at sinabayan pa ng mahinang sabunot. Dismayang-dismaya ang mukha nito. Tingin ko nga lahat ng parte ng katawan niya ay tumututol dito sa kasal namin. Pahapyaw akong tumawa. “Pareho lang tayo ng tanong, Dorry. Bakit ikaw? Bakit ikaw pa?!” madiin kong sabi habang hindi na ito nilubayan ng tingin. Hitsura kasi nito ay parang maiiyak, na parang galit, pero may pag-aalala naman. “Itutuloy pa ba natin ‘to?” tanong ko na buntong-hininga lang ang sagot niya. Pero hinarap naman ang babae na kanina pa naghihintay sa amin sa bungad ng pinto. “Miss, please give us a minute. Mag-uusap lang kami sandali,” sabi nito sa babae na tumango-tango naman at pumasok na sa loob. “Sa totoo lang, hindi ko alam. Hindi ko na alam. Hindi na ako sigurado, Nelson!” Mapakla na naman akong tumawa. “Hindi mo na alam? Hindi ka na sigurado? Bakit, Dorry? Dahil ba ako ang magiging asawa mo? Kaya ngayon, biglang hindi ka na sigurado? Kung ibang lalaki ba ang kaharap mo ngayon, sure na sure ka nang ituloy ang kasalang ‘to?” Hindi siya umimik. Tumitig na lang sa akin at napakunot noo pa. “Kung iba nga sigurong lalaki ang kaharap mo ngayon, kanina pa tapos ang kasal na ‘to, hindi ba, Dorry?” Tumalim ang tingin nito. Pero maya maya ay mapait na ngumiti. “Hindi ko alam kung ano ang pinupunto mo, Nelson. Pagkakaalam ko kasi, pareho lang naman tayong napipilitan na um-oo sa arrange marriage na ‘to.” Madiin ang bawat bigkas niya ng mga salitang ‘yon. “Kung ano man ang dahilan mo, wala akong pakialam. Basta ako, alam ko kung bakit ako nandito at kung bakit ako pumayag na magpakasal sa lalaking hindi ko naman kilala.” “Hindi kilala…” mahinang bigkas ko sa masakit na salitang ‘yon. Parang malakas na sampal ang tumama sa pisngi ko. Pero tama naman siya. Hindi nga naman namin kilala ang isa’t-isa. Hindi niya ako kilala. Oo, at matagal kaming nanirahan sa isang isla. Pero no’ng mga panahong ‘yon, pareho kaming wala sa mga sarili namin. Parehong may dalang mabigat na bagahe. Ibang Nelson ang nakilala niya noon—Nelson na isang simpleng tao. Simpleng mamamayang naninirahan sa isla, kasama ang mga taong itinuturing akong pamilya, kahit hindi nila ako ka ano-ano. Isang mahirap at walang maipagmamalaki sa buhay. Kaya nga siguro, tinanggihan niya ang pagmamahal ko. Kaya siguro, hindi niya ako binigyan ng pagkakataon na patunayan ang nararamdaman ko. Mayaman nga kasi siya. At ang akala nila, ay isa lang akong bangkero na walang mararating sa buhay at mananatiling bangkero habang-buhay. “Ang tanong ko lang naman, Dorry, itutuloy pa ba natin ‘to? Gusto mo pa bang ituloy ang kasalang ‘to? Sabi mo nga kanina, pareho lang naman tayong napipilitan na um-oo sa arrange marriage na ‘to.” Mapakla siyang tumawa at humalukipkip. “Mukha ka na ngang tao ngayon, pero ang hina pa rin ng utak mo! Kung ayokong ituloy, e ‘di sana, kanina pa ako umalis!” Napangiti ako. “Ako pa ngayon ang mahina ang utak? Utak mo nga ang magulo! Sabi mo, hindi mo na alam; hindi ka na sigurado?” “Oo, hindi na nga ako sigurado. But I never said na aatras ako. I have to do this, Nelson. I need to do this. Hindi ako pwedeng umatras. Kaya kahit tumututol pa ang buong sistema ko na matali sa’yo, itutuloy ko pa rin ‘to!” Madiin ang bawat bigkas niya ng mga salitang ‘yon. Hindi ko alam kung nagtapang-tapangan lang siya. Hindi ko alam kung sinasabi niya lang ang lahat ng ‘yon, para hindi siya magmukhang naduduwag na matali sa akin. O, talagang desidido siya na ituloy nga ang kasalan na pareho naming hindi gusto. “Are you sure you want to do this?” tanong ko ulit. “Oo nga sabi, e! Kulit!” Tumitirik-tirik ang mga mata niya habang sinasabi ‘yon. Pahapyaw na naman akong tumawa. “Hindi ka kaya aatras kapag nasa loob na tayo?” Makahulugang tingin ang ipinukol ko sa kanya na sinabayan ng kakaibang ngiti. Hindi siya sumagot. Pero mabagal namang naglakad palapit sa akin. “Sinabi ko na kanina pa, I have to do this! I have my reasons, kung bakit ako pumayag sa arrange marriage na ‘to. Kaya ‘wag ka nang maraming satsat. Let’s get inside at magpakasal.” Tumango-tango ako, at tipid na ngumiti. "Okay, then, let’s do this!” Pagbukas ng pinto ang kasabay ng sinabi kong ‘yon. Mabagal naman itong naglakad papasok, habang ang matalim na tingin ay nakatutok pa rin sa akin. “Mayor, we’re ready,” sabi ko sabay hapit sa baywang ni Dorry na umawang ang labi dahil sa ginawa ko. “Make sure you won’t regret tying the knot with me!” bulong ko pa na nagpapabilog sa mga mata niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD