((Dorry)) “Buwisit na Nelson talaga ‘yon, oh!” Maktol ko nang magising ako na wala si Nelson sa tabi ko. Pero maya maya ay nanlaki naman ang mga mata ko nang makita ang kwartong kinaroroonan ko na malinis na. Wala na ang mga puting tela na tumatabon sa mga kagamitan. “Nilinis ba ‘to ni Nelson habang tulog ako?” Nagtataka man, kung bakit ganito na kalinis ang kwarto na parang pinamamahayan na ng ibang maligno no’ng pumasok kami rito kagabi, mas nangibabaw naman ang inis ko kay Nelson na iniwan ako, at hindi man lang ako ginising. May pa sabi-sabi pa ang sira-ulo na hindi ako iiwan, pero iniwan pala ako. Walang isang salita. “Ano na ang gagawin ko ngayon? Paano ako lalabas dito? Saan ako dadaan?” tanong ko sa sarili, kasabay ang pagtayo, at dahan-dahang lumapit sa bintana. Nag-aalanga

