PART 1
Nakahalumbaba si Mikaella habang nakatulala sa pag-ikot ng kamay ng orasan.
“It’s been thirty minutes,” bulong niya sa sarili habang tila sinasabayan ang bawat pagpatak ng kamay ng orasan. “Mukhang natagalan sila,” aniya pa sa sarili. Nagsimula na siyang i-tap ang daliri ng kabilang kamay sa mesa dala nang pagkainip. “Hindi pa ba sila lalabas?”
Nagsisimula nang magusot ang mukha niya nang biglang bumukas ang pinto ng opisina. Awtomatikong napatayo siya nang lumabas mula sa pinto ang isang pares ng babae at lalaki. Nakayakap ang babae sa braso ng lalaki. Kitang-kita pa niya ang pangingislap ng mga mata nito. Binalingan niya ang lalaki na kahit nakangiti ay walang kagan-gana ang mukha.
At alam niya ang ibig sabihin noon. He’s done with here. All he had to do was to finish everything and he’d be free again to do anything he wanted to.
Nagsimulang lumapit ang mga ito sa kaniya. Lihim niyang naunat ang suot na blazer habang pinipilit nagpapaskil ng ngiti.
“Sir,” magalang niyang bati niya sa lalaki.
“Miss Gonzales, nakahanda na ba ang cab?” seryosong baling nito sa kaniya. That’s Alkein Saavedra, a successful businessman, a billionaire, a womanizer, and apparently her boss and the current president of Saavedra’s Group of Companies.
“Yes, Sir. Naghihintay na po sa baba,” magalang niyang tugon.
Tumango ang lalaki bago binalingan nito ang babae. “I’ll send you out. Hindi na kita mahahatid sa condo mo dahil may meeting pa ako.”
“I understand, Alkein,” malambing na ani ng babae na halos maglambitin kay Sir Alkein. Hindi rin naman halatang para siyang basahang pakuskos sa kaniyang boss. Para ngang sinasadya pa nitong lumuwa ang dibdib at lumitaw ang mabibilog na hita sa suot na mini halter dress. “Pero kailan ulit tayo lalabas?”
Gustong mapaismid ni Mikaella sa tanong ng babae pero pinigil niya. ‘Asa ka naman na tatawagan ka pa niya!’ sigaw ng isip niya. Gusto niya talagang ipagsigawan iyon sa babae pero wala siyang balak sirain ang pangarap nitong tatawagan pa ito ng boss niya.
“Once I settled everything. Alam mo naman kung gaano ako ka-busy.” Bagama’t pinalambing ni Sir Alkein ang boses ay para itong tuod na nakatayo lang sa tabi ng babae. Wala na rito ang ginagawa ng babae. Wala ring emosyon ang mga mata nito. Manhid na lang talaga kung hindi mahahalata ng babae na tapos na ang oras nito kasama ang boss niya.
“I know naman,” mas lumandi ang boses ng dalaga na sinundan pa ng paghalik sa pisngi ng boss niya. Kating-kati na siyang mag-ikot ng mata kaso hindi niya pwedeng gawin sa harap ng amo.
“May ipagagawa pa po ba kayo, Sir?” singit niya sa paglalampungan ng dalawa. Marami siyang trabahong kailangan tapusin pero dahil palaging may extrang patrabaho ang magaling niyang boss, kinukulang siya ng oras.
“Alam mo na ang gagawin,” makahulugang anito sabay senyas sa opisinang nilabasan ng mga ito.
“Okay.” Binigyan niya ito ng munting tango at ngiti bago lumabas ng cubicle niya.
“You know, I know how to manage business. Bakit hindi mo na lang akong gawing secretary? Para naman hindi sumasakit ang mata mo diyan kapag nakikita mo iyang secretary mong parang matanda pa sa una,” dinig ni Mikaella na ungot ng babae. Palihim na ngumisi na lang siya habang naglalakad papasok sa loob ng pinto. “Tsaka para naman lagi tayong oras maglaro…”
Hindi na narinig ni Mikaella ang sagot ng kaniyang boss dahil sinara niya na ang pinto ng opisina. Wala rin naman siyang balak pakinggan dahil ilang beses niya nang narinig ang tanong na iyon at ang walang ganang sagot nito.
Sa loob ng limang buwang pagtatrabaho niya sa kompanya ay hindi na niya mabilang kung ilang babae na ba ang dinala nito sa opisina. Pinakamatagal niya ng kita sa mga babaing kasama nito ay dalawa hanggang tatlong ng beses. Ilang araw lang at meron na naman itong bago. At sa tuwing maririnig niya ang tanong na iyon mula sa mga babae, hindi niya mapigilang mapaismid.
In just five months, nakilala niya na ang boss. Alkein Saavedra might be a player, but he’s the kind of player that played neatly. He made sure that no other cat would play over him.
At iyon ang dahilan kung bakit gaya niya ang secretary nito.
Tumigil siya sa harap ng salaaming dingding. She was seeing a different kind of Mikaella.There was a woman in big and thick eyeglasses that almost covered her face. Her hair was in bun. And she’s wearing loose blazer and skirt.
Alkein loved to play with woman in alluring and sexy dresses, and it’s pretty obvious na hindi siya kabilang doon. Pero ayos lang kay Mikaella dahil para siyang isang dagang malayang naglalaro sa loob ng tirahan ng pusa.
Umalis siya sa harap ng salamin at ginawa ang kailangang gawin sa loob ng opisina. Una niyang nilapitan ang mesa ng boss na nasa gitna ng malaking opisina. Napailing na lang siya habang nakatitig sa nagkalat na mga papel sa sahig at ang mesang gulong-gulo. Muntik na ring mahulog sa mesa ang laptop nito at iba pang gamit.
“Ano kayang klaseng laro ang ginawa nila ngayon?” bulong niya habang nagsisimulang linisin ang mga papel. Nang mapatas niya ang mga papel at ang mga gamit ay isinunod naman niya ang couch sa receiving area. Nagkalat ang mga throw pillows sa sahig na para bang may mga batang naglaro doon ng batuhan. Nakagewang din ang posisyon ng mga couch at kahit ang center table. Nahuhumindig ang balahibo niya sa mga naiisip na posibleng ginawa ng dalawa sa loob.
Isa-isa din niyang inayos iyon at pinatas. Nasa huling couch na siya nang may mapansin siyang kulay itim na nakasingit sa pagitan ng sandalan at mismong upuan. Dahil ang goal niya talaga ay alisin lahat ng posibleng palatandaan ng paglalaro ng boss ay kinuha niya iyon. Nahirapan siya noong una pero nang tuluyan niyang makuha ay napangiwi siya.
“Oh gosh!” hindi niya napigilang bulalas habang nakatingin sa hawak na lace underwear. “May nagsusuot ba talaga ng ganito?” Halos maghesterikal na bulong niya. Kahit hindi kaniya iyon ay hindi niya mapigilan ang maeskandalo. Babae siya at kahit nagsusuot din siya ng undies ay hindi naman gaya ng nakita niyana parang kahit isuot ay wala namang itatago. “Seriously?” bulong pa niya at maarteng binitbit ang underwear. Gamit ang hintuturo at ang hinlalaki ay hinawakan niya iyon sa napakaliit na bahagi lang. Pakiramdam niya ay may nakakahawang sakit ang underwear na iyon. “Padadagdagan ko talaga ang sahod ko sa kaniya,” asik pa niya habang naglalakad patungo sa maliit na kitchenette ng office. Kumuha siya ng ziplock bag at inilagay doon ang underwear.
“Kung nandito ka, anong suot noong babaing umalis…” Hindi niya na itinuloy ang sasabihin. Hindi niya na kailangang sabihin pa. “At ano namang gagawin ko sa’yo?” bulong niya habang nakatingin doon. Sandali siyang nag-isip bago kumislap ang isang ideya sa isip niya. “May mapagagamitan na ako sa’yo,” makahulugang aniya at dali-daling itinago ang nakuhang underwear.
Ipinagpatuloy niya ang pagliligpit hanggang sa maayos at disenteng ng tingnan ang opisina.
“Your done?”
Hindi namalayan ni Mikaella ang pagpasok ng boss. “Yes, Sir,” pormal na aniya sabay ayos ng malaking salamin sa mata.
“Sige. You may now leave,” balewalang anito sabay senyas sa kaniyang lumabas na. “Idadagdag ko na lang sa sahod mo ang bayad para makabili ka ng maayos-ayos na damit,” dugtong nito sabay sulyap sa damit niya.
“Wala po akong nakikitang mali sa suot ko,” wika niya habang pinipigilan ang sariling magtaas ng kilay at tarayan ang boss.
“Pwes ako marami,” makahulugang anito sabay harap sa kaniya. Sumandal ito sa gilid ng mesa at humalukipkip habang pinag-aaralan siya mula ulo hanggang paa.
Ikiniling niya ang ulo. “Perhaps you’re just imagining things, Sir.”
Tumaas ang sulok ng labi ng lalaki. “Well, I got a creative imagination,” anas nito sabay tingin sa kaniya mula sa itim niyang sapatos patungo sa mukha niya. “Pwede nating gamitin one of these days.”
Hindi alam ni Mikaella ang mararamdaman. Normal na mainis siya sa lalaking kaharap. She didn’t hold grudge. It just happened that this man in front of her made her held one. But the way he looked at her made her felt funny.
“Sir Alkein, nakasulat sa hand book ng policy ng company na angkop lang sa dress code ang suot ko unless na lang po pinabago ninyo.”
Hindi sumagot ang binata. Ilang sandali siyang pinagmasdan nito bago ito nagsalita. “Okay. You may leave,” kibit-balikat nito sabay talikod sa kaniya.
“Yes, Sir.” Tumalikod na rin siya at lumabas ng opisina. Nang makalabas at maisara ang pinto ay inis siyang napapapadyak, inikutan ito ng mata at pinandilatan pa. Childish man tingnan pero naiinis talaga siya sa lalaki. Mapatunayan niya lang lahat ng kalokohan nito at ang ginawa nito, humanda talaga ito.
HINDI ALAM ni Alkein kung matatawa siya o ano habang nakatingin sa monitor. Her nerd and weird secretary was stomping her foot while rolling her eyes. She even stuck her tongue towards his office. And those gestures were obviously for him.
Sumandal siya sa swivel chair habang pinapanood ang secretary na magtungo sa cubicle nito at maupo sa harap ng computer. Limang buwan niya na itong secretary pagkatapos nitong ma-hired dahil sa kagustuhan ng kaniyang ama. Hindi talaga siya ang nag-hired dito kundi ang ama. They knew him and how he acted around women kaya hindi nakapagtataka na ganitong klase ng secretary ang hinanap ng ama para sa kaniya. But then, since that woman came, he was feeling something. May something sa babae na hindi niya maintindihan.
At iyon ang aalamin niya.
Hindi siya makakapayag na sa lungga niya ay may ibang naglalaro nang hindi niya alam.