PART 2

2861 Words
Hindi na halos mabilang ni Mikaella kung nakailang hikab na siya. Ilang minuto na lang at off na nila pero napakaraming trabahong itinambak sa kaniya kanina ng boss niya. Ultimo ang ibang oras ng break at lunch niya ay ginamit niya na sa pagtatrabaho pero hindi pa siya natatapos. Napapitlag si Mikaella nang tumunog ang intercom na sinundan ng boses ni Alkein. “Miss Gonzales, please come to the office now.” “Geez,” inis na ungol niya sabay tayo. Mabilis siyang pumasok sa opisina. Nadatnan niyang nakatungo si Alkein sa patas ng ma papel. Sa tingin niya ay wala pa itong balak umuwi. “Sir?” Nag-angat ito ng ulo. “Anong oras bukas ng meeting kina Mr. Salvador?” tanong nito. “By 10:00 in the morning, Sir.” Tumango-tango ito. “Nabasa at napag-aralan mo na ba ang sinabi ko sa’yo?” “Yes. Nakahanda na din po ako sa possible na mga tanong nina Mr. Salvador.” Sandaling katahimikan ang dumaan sa kanila. May pinagsusulat ito sa papel bago muling ibinalik sa kaniya ang atensiyon nito. “Good. Now, i-send mo muna ang email na nakalagay dito at pwede ka ng umuwi,” utos nito sabay aro ng papel sa kaniya. Hindi siya kumibo. Sinulyapan niya ang papel bago ang orasan. Limang minuto na lang at oras na ng labasan. Sinikap niyang matapos lahat nang itinambak nito kaninang trabaho sa kaniya dahil kailangan niyang umuwi ng maaga. “What are you waiting for, Miss Gonzales?” untag sa kaniya ng boss niya. “I need to go home on time today, Sir,” she said straightly. Bumalik sa kaniya ang tingin nito. “And what do mean by that?” “Sir, napakaraming kailangang e-ema—“ “Tumatanggi ka ba sa pinagagawa ko?” Bahagyang sumeryoso ang tingin nito sa kaniya. “Sir, look pero ilang araw na akong overtime. May mga dapat e-email na dapat kanina pa po ninyo binigay pero ngangayon ninyo lang pinagagawa sa akin?” “Are you saying na kasalanan ko lahat kung bakit nagigipit ka sa trabaho?“ “Hindi po iyan ang ibig sabihin ko. What I’m saying is my work for this day is done.” “Miss Gonzales, binabayaran ka ng company sa bawat OT mo.” “Pero hindi mababayaran ng company ang oras ko para sa pamilya ko,” diretsa niyang saad habang diretso din nakatingin sa mga mata nito. Hindi nakapagsalita si Alkein sa sinabi ni Mikaella. Ilang araw nang napapansin ng dalaga na iniipit nito ang trabaho niya. Ilang linggo na halos OT siya kahit hindi naman rush days. May mga gawaing umaga pa lang ay ipinapaalala niya na pero tila sinasadya nitong ipagawa sa kaniya ng hapon. Hindi sa nagrereklamo siya. It’s just pretty obvious na nananadya na ito. Akmang tatalikuran niya na ito, handa na siyang tanggapin kung magalit man ito at sesantihin siya nang maglaro sa balintataw niya ang nakangiting mukha ng kakambal. “Micah…” mahinang bulong niya sa isip. Bumalik ang tingin niya kay Sir Alkein. Nakakunot ang noo nito habang matiim ang tingin sa kaniya. Humakbang siya palapit at inabot ang papel. “Gagawin ko ito pero last na itong pa-OT mo,” kalmado niyang ani sabay talikod. Labag sa kalooban niya iyon. Lalabanan niya ito ng sagutan pero nang maalala ang dahilan kung bakit siya nagtatrabaho bilang secretary ni Alkein Saavedra, pinilit niyang ibaba ang pride. “I’m not done yet with you, Miss Gonzales,” malamig na pigil ni Alkein sa kaniya. “Well, I’m done with you,” inis niyang asik habang nagmamartsang lumabas ng opisina. Mali ang ginawa niya at siguradong nanganganib ang trabaho niya pero napipika na siya sa lalaking iyon. Baka hindi siya makapagpigil ay kung ano pang masabi niya. Padabog siyang naupo sa upuan at sinimulang gawin ang ipinagagawa nito. Binilisan niya ang pagta-type at pages-send pero inabot pa rin siya ng 45 minutes bago nakaalis. Late na siya. Siguradong magtatampo na nito ang papa niya. Ayaw na ayaw pa naman nitong wala sila sa kaarawan nito. “Oh Lordy,” bulong niya nang makita ang oras. Dali-dali siyang nag-ayos ng gamit at walang pasintabi na nagmamadaling lumabas ng cubicle. “And where are you going?” Natigilan siya nang nakaharap sa daraanan niya si Alkein. ‘Oh big gosh!’ “Uuwi na ako,” diretsa niyang sagot. “May hindi ka pa natatapos,” saad nito. “May hindi ka pinasa—“ “Di ikaw ang magpasa pero uuwi na ako,” malakas ang loob na putol niya sa mga sasabihin sana nito. Akmang lalagpasan niya na ito pero maagap nitong napigilan ang braso niya. “At sinong may sabi sa’yo na pwede ka nang umuwi?” seryoso ang mukha nito pero wala siyang makapang kahit anong takot. “Uuwi ako dahil karapatan ko ng umuwi.You can’t push me to stay just be—“ “Ipapaalala ko lang na secretary kita at may tungkulin kang manatili dito habang may trabaho pang natitira.” “Well, Mr. Alkein Saavedra, ipapaalala ko rin sa’yo na hindi natatapos at nauubos ang trabaho kaya hindi mo ako pwedeng pigilang umuwi. Especially not this time.” “Uulitin ko, Miss Gonzales. You are my secretary.” “Kung iyon ang pinanghahawakan mo, pwes ngayon pa lang ay nagre-resign na ako. Simula sa mga oras na ito ay hindi mo na ako secretary,” inis niyang giit dito. “You can’t just do that,” nanghahamong anas ng lalaki. “Pwede kong gawin iyan,” matapang niyang turan. “Sinabi ng hindi.” “Bahala ka diyan,” irap niya dito. Akmang aalis na siya pero hinuli muli nito ang braso niya. “Breach of contract ang gagawin.” “Forced labor naman ang sa’yo.” Hindi nakalingat sa kaniya ang paghigit nito ng hininga. Hindi maiikailang nauubusan na ito ng pasensiya sa kaniya. “Miss Gonzales—“ “Bahala ka diyan!” aniya at pilit pumiksi. Nabitawan nito ang braso niya pero nahuli naman nito ang sling ng bag niya. Napigilan siya nito pero nakipaghilahan naman ito sa kaniya. “Bitiw! Ano ba!” sigaw niya dito. “You can’t go!“ “Hindi mo ako mapipigilan!” malakas niyang wika at pilit hinila ang bag. Nakipaghilahan din ito sa kaniya. Para silang mga bata na nag-aagawan sa bag niya. Ang kaninang bukas niya ng bag ay mas lalong bumukas at sa isang paghila pa nito ay sumabog lahat ng laman niyon sa sahig. “Tingnan mo ang ginawa mo!” bulalas niya sabay turo sa mga gamit niyang nagkalat sahig. Magsasalita pa sana si Sir Alkein pero muli lang nitong itinikom ang bibig. Nawala ang kaseryosohan ng mukha at napalitan ng ngisi. Dala nang pagtataka ay tiningnan niya ang bahaging tinitingnan nito. Gayon na lang ang pamimilog ng mga mata niya nang makita ang ziplock bag na naglalaman ng black lace underwear. ‘Hindi!’ “Nagkakamali ka nang iniisip!” mabilis niyang sabi bago nagmamadaling pinulot lahat ng laman ng bag niyang natapon kasama na ang lace underwear. “Hindi ko akalain na nagsusuot ka ng ganiyan,” makahulugang anas ni Alkein habang nakatingin sa sekretaryang hindi magkandatuto sa pagliligpit ng gamit na natapon sa sahig, Walang-wala talaga sa hitsura nito ang magsusuot ng ganoong klaseng pang-ilalim. “Hindi! Hindi!” sunod-sunod na anito habang isinasara ang bag. “Hindi sa akin ito!” pangangatwiran nito. Halatang naeeskandalo na ito dahil sa mga nangyayari. Namumula ang pisngi nito at pinagpapawisan ito ng malapot. Halos tumabingi na rin ang malaking salamin nito sa mata na halos matakpan ang mukha nito. Nawala na din sa ayos ang buhok nitong palaging hapit na hapit sa pagkaka-bun. At sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nasisiyahan siyang tingnan at pagmasdan ang dalaga. “Paano ako maniniwala na hindi sa’yo iyan kung nasa loob ng bag mo?” “Hindi nga sa akin ito! Hindi naman ako nagsusuot ng ganito!” mariing katwiran nito sabay ayos ng salamin. Humalukipkip siya. Alkein was enjoying the show. Hindi man maganda sa mata ang itsura at pananamit ng secretary niya, nasisiyahan siya na makitang nawawala ang pagiging finesse nito, pagiging seryoso, at pormal. He liked working with her. Madali itong matuto. Confident at dedicated sa trabaho. Wala pa siyang pinagawa dito na nagmintis. Pero minsan ay boring din. “Hindi nga sa akin ito!” malakas na pakli ng dalaga. “You can deny it, Miss Gonzales. Pero papaniwalaan ko ang nakita ko.” “Hmmpp! Bahala ka diyan!” Hindi na ibinalik na ng dalaga ang plastic sa bag. Hawak na nito iyon at ikinukumpas-kumpas pa sa ere. Pinipigilan na lang niyang matawa habang pinapanood ang secretary niyang daig pa ang a-attend ng misa sa suot pero may hawak na ganoong klaseng panloob. “Hindi ako nakikipabiruan sa’yo!” baling nito ng hindi niya mapigilan ang matawa. Malapit nang mainis si Mikaella. No. Naiinis na siya. Hindi siya natutuwa sa kakaibang ngiti sa mga labi ni Alkein. Lubos talaga ang pagsisisi niya kung bakit naisipan pang itago ang underwear na iyon. Ano nga bang mapapala niya kung itatago iyon? Wala namang basta maniniwala na sa babae ni Alkein ang panloob na nasa kaniya. Worst thing, mapasama pa siya. “Mukha ba akong nakikipagbiruan?” tanong ni Alkein. Nanahimik siya habang matalim ang tingin dito. “Geez! Bahala ka diyan!” inis niyang saad bago tinunton kung nasaan ang basurahan at padaskol na itinapon iyon. “Sa palagay mo ba, kapag naitapon mo iyan ay maaalis na noon ang iniwan mong imahe sa isip ko?” Nilingon niya ang lalaki. Nakangisi na ito habang makahulugang nakatingin sa kaniya. “Whatever,” mataray niyang saad. Dahil sa reaksyon niya lalong lumapad ang pagkakangisi nito. “Despite what you wear, it’s glad to know you have some sense of fashion inside you.” That was his last meaningful drop before he turned toward the door of his office. Napanganga siya sa sinabi nito. Gusto niya itong batuhin pero sapat na ang gulong nangyari ngayong maghapon. Hindi pa siya nakakabawi sa pagkabigla ay nilingon siya muli nito. “Pwede ka ng umuwi. Don’t worry, palalagpasin ko ang nakita ko ngayon. Makakapasok ka bukas ng walang iniisip.” Malumanay ang pagkakasabi nito pero dama niyang nakakaloko ang himig nito. “I—“ “Ingat sa pag-uwi, Miss Gonzales,” nakangising saad ng boss niya sabay pasok sa loob ng opisina. “Nakakainis ka talaga!” Humahangos na dumating si Mikaella sa bahay nila. Hindi na magkamayaw ang tao sa loob at labas ng bahay nila. “Oh Mikaella, andiyan ka na pala. OT na naman ba?” bungad sa kaniya ng Tiya Marcing, kapatid ng kaniyang ama. “Opo eh.” Kakamot-kamot sa ulo na aniya. “Talagang nagpapayaman kayong kambal ah. Siya, ikaw ay pumasok na sa loob at hindi na maipinta ang mukha ng iyong ama.” Hindi niya pinansin ang komento nito at binigyan na lang ng munting ngiti. Dumiretso siya sa kusina kung nasaan ang ama’t ina pati ang bunsong kapatid na si Misha. “Pa!” Para iisang taong nilingon siya ng pamilya. “Ayy akala ko ay hindi ka na darating na bata ka!” bulalas ng ina pagkakita sa kaniya. “Sorry po at late ako,” hinging-paumanhin niya sabay mano sa ama’t ina. “Happy Birthday, papa. Sorry at late na naman ako.” Niyakap niya ang ama. “Naiinitindihan ko namang abala ka sa trabaho. Pero ang mahalaga ay nandito ka.” Bahagyang nagliwanag ang mukha ng ama nang humiwalay siya. “Kaso hindi nga lang tayo kumpleto.” Ngumiti man ang ama ay dama niya ang lungkot sa tinig nito. At alam niya ang dahilan kung bakit. “Pa, nagsabi naman si Micah na hindi siya makakapunta. Hindi nga ba’t nagpadala siya ng napakalaking regalo para sa inyo at marami sa mga hinanda natin ay gali—“ “Alam mo, Mikay na hindi malaking handaan ang gusto ko,” putol ng ama sa mga sasabihin niya sana. Binalingan niya ang ina. Nagkibit-balikat na lang ito. Sa hitsura nito ay kanina pa ito nagpapaliwanag sa ama niya. Ganoon din ang hitsura ng bunsong kapatid. “Siya, alang ka-birthday ninyo tama na ang pagmamaktol. Nakakahaba ng nguso kapag nakasimangot,” pampalubag-loob niya sa ama. “Fifty-five pa lang po kayo, gusto ninyo na po bang magmukhang 70 years old dahil ganiyan kayo?” “Kahit nakasimangot ako’y bata pa akong tingnan,” pagmamayabang ng ama. “Talaga?” paghahamon niya dito. “Sample nga po, papa! Cha-cha muna kayo ni mama sa labas,” singit naman ni Misha na siniko siya. “Oo nga, noh!” susog niya kay Misha. “Ma, Cha-cha at Rumba daw!” “Ay magtigil kayong mga bata kayo!” bulalas ng ina nila na nagsimula nang tumalikod. Kunwa’y abala ito sa pagliligpit sa lababo. “Sus, tara na, aking giliw!” Napahalakhak sila nang tumayo na ang ama nila at nilapitan ang kanilang ina. “Ating patutugtugin ‘yung Ang Huling Elbimbo,” pagyayakag nito at ipinulupot ang braso sa bewang ng asawa. “Ikaw, Marciano ay magtigil diyan at ako’y may ginagawa.” Sinubukang bumitaw ng kanilang ina dito pero wala na itong nagawa ng nakayakap nitong iginaya ang ina nila palabas ng kusina. Ilang sandali pa ay napuno na ng halakhakan ang salas na nasundan ng pagtunog ng Ang Huling Elbimbo. Natatawa na lang silang nagkatinginan ni Misha. “Si papa talaga,” nailing na saad ni Misha. “Nakakatuwa sila.” “Sinabi mo pa, Ate Mikay. Wala pa ring kupas ang pagiging sweet.” “Uhuh…” Nakangiting tumango siya. Bata pa sila ay sweet na talaga ang papa nila sa mama. May pagkakataon man na nagkakaroon ng hindi pagkakaintindihan pero palagi ding nagkakayos kaagad. Madalas niyang marinig mula sa ina na ang ama na nila ang pinakapasensyoso, pinakamapagmahal, at maunawaing lalaking nakilala nito. At bilang babae, nangangarap siyang makakilala ng kagaya ng ama. Napakag-labi siya nang bigla-bigla ay sumalit sa isip niya ang gwapong mukha ng boss. Awtomatikong naglaho ang ngiti niya at napalitan ng pagkairita. Malabong maging kagaya ng ama niya ang katulad ni Alkein Saavedra na malala pa sa pagpapalit ng damit kung magpalit ng babae. “Mabuti pa, Ate Mikay ay magpalit ka muna ng damit tapos kumain ka na.” Natigil siya sa pag-iisip. Nilingon niya ang nakababatang kapatid. “Tumawag ba ang Ate Micah mo?” Sinulyapan siya nito. “Kanina. Binati po si papa pero hindi pa rin niya sabihin kung nasaan siya.” Tumango siya. “Sige. Magpapalit muna ako ng damit.” “Okay, ate.” Nanlalambot na pumunta muna siya sa silid niya. Dati nilang silid iyon ni Micah, ang fraternal twins niya. Sabay lumaki, nag-aral, nagtapos at sa halos lahat ng bagay. Hindi man nabigay lahat ng gusto nila, natuto silang maging mapagbigay sa isa’t isa, unawain ang isa’t isa, at unahin ang pamilya. Nang tumuntong sila ng eighteen, pinaghiwalay na sila ng silid. That time ay limang taon na si Misha. Magkahiwalay man ay palagi pa ring magkasama. Nang magkatrabaho sila ay naging madalang na silang magkasama pero andoon pa rin ang nakagisnan na tulungan sa isa’t isa. Hanggang last year, limang buwan pagkatapos ng 25th birthday nila ay lumipat nang pinagtatrabahuhan si Micah. Unti-unti, madalang na itong umuuwi sa bahay. Ang katwiran nito ay madalas OT sa trabaho. Madalas kasama ng boss nito sa mga business trip. O kaya ay pagod na itong magbiyahe kaya sa mga kasamahan na lang nakikitulog. Ang minsan na iyon ay naging madalas hanggang umabot na ito ng buwan na hindi umuuwi sa kanila. Pilit itong pinauwi ng ama. Sinabihang magpalit ng trabaho pero naging pursigido si Micah na manatili sa pinagtatrabahuhan. Sinubukan niyang hanapin ito para pauwiin pero nalaman niya na lang na nag-resign ito sa dating pinapasukan. nang kontakin niya ito nagsabi itong pagbigyan muna ito. Gusto nitong ayusin ang sarili, ang buhay nito. Hindi malinaw sa kanila kung nasaan ito pero ang ipinagpapasalamat na lang niya tumatawag naman ito paminsan-minsan. Nagpapadala ito sa kanilang mama at papa ng gastusin. Mas malaki pa sa binibigay dati pero hindi niyon matatawaran ang pag-aalala kung nasaan ang kakambal. Labis din ang pag-aalala ng mama at papa nila dito. “Micah…” bulong niya habang nakatingin sa larawan nito. Kuha nila ito nang mag-graduate sila noong college. Wala silang pagkakahawig kaya naman walang maniwala sa kanila na kambal sila. Umaasa siya na kahit hindi man sila hawig, kahit papaano mararamdaman niya kung ano na bang nangyayari dito at nararamdaman nitong nag-aalala siya. Kinuha niya ang cellphone. Binuksan niya ang gallery. Nag-scroll siya hanggang marating ang larawan ng apat na tao. Dalawang babae at dalawang lalaki. Hindi niya kilala ang isang babae at lalaki, pero ang isang babae ay si Micah at ang isa ay ang kaniyang boss—si Alkein Saavedra. Nasa gitna ang dalawa habang magkaakbay. Iyon ang huling story ni Micah bago tuluyang hindi na umuwi sa bahay nila. Ang tanong—anong koneksyon nila sa isa’t isa? Iyon ang gusto niyang alamin kaya siya nagdesisyong pumasok bilang secretary ng babaerong boss niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD