Maaga pa ring nagising si Mikaella kahit na halos umaga na siya nakatulog. Malalim na ang gabi ay pulos kwentuhan, halakhakan, at kainan pa ang bahay nila. Hinayaan niya na lang at bahagyang nakalimot ang ama na hindi man lang nag-abalang magpakita si Micah. Sa tinagal-tagal, ngayon lang sila hindi nakompleto sa kaarawan ng ama.
“Aga mo pa ring nagising.”
Muntik nang mapatalon si Mikaella nang mabungaran ang ina na nasa kusina. Abala ito sa pagtitimpla ng kape.
“Hi, mama. Ang aga ninyo pong nagising,” pupungas-pungas na bati niya.
“Alam mo namang sanay akong gumising ng maaga. Mamaya na lang siguro ako babawi ng tulog.”
“Opo nga,” pagsang-ayon niya habang paupo.
“Ipagtitimpla kitang kape. Nagluluto ako ng pancake, kumain ka at magbaon.”
“Salamat, mama,” anas niya. Sa totoo ay nag-iisip siya kung papasok ngayong araw o paninindigan na magre-resign na siya. Pero kung hindi siya magpapakita ay tiyak na magmumukha lang siyang katawa-tawa sa boss niyang babaero.
Naiiritang naihilamos niya ang palad sa mukha. Naghahalo ang inis niya para kay Alkein at sa sarili dahil sa lace underwear na nakita nito sa bag niya.
Bakit nga ba kasi naisip niya pang itago iyon?
Kapag sinabi niya naman ang dahilan kung bakit kinuha niya ang panloob tiyak na magdududa ito. Maalin sa isipin nitong tibo siya o malaman nito ang dahilan kung bakit nasa kompaniya siya nito.
Kailangan niya na talagang kumilos.
“Mikay…”
Napatuwid siya ng upo. “Ma?”
Masuyo nitong iniabot sa kaniya ang mug na may lamang umuusuk na kape. “Magkape ka muna. Makakatulong iyan para medyo magising ang diwa mo.”
“Thanks, ma.”
Binigyan siya nito ng ngiti at bumalik na sa pagluluto ng pancake. Nang makapagluto ito ay inabutan siya ng dalawa pagkatapos lagyan ng maraming maple syrup. “Kumain ka lang. Marami pa rito.”
Tumango siya at nagpatuloy sa pagkain. Nang matapos siya ay nilinis ang pinagkainan. Akmang ilalagay na niya ang mug na ginamit sa lagayan nang maagaw ang atensiyon niya ng kulay yellow na mug. Sa paligid nito ay naka-engraved ang pangalang ‘Mik-mik.’ May lungkot na ngumiti siya bago ipinatong ang dilaw na mug niyang may nakalagay namang ‘Mikay.’
“Mabuti at dumating ka, Miss Gonzales.”
Hindi pa lumalapat ang pang-upo ni Mikaella sa upuan ay ang nakakainis ng tinig ni Alkein ang narinig niya. Prente siyang umupo bago nagtaas ng tingin. “Good morning too, Sir Saavedra,” magalang pero mariin niyang bati dito.
Tumaas ang sulok ng labi nito. “Good to see you, Miss Gonzales. Please be ready. Lalabas tayo mamaya.”
Bahagyang natilihan siya sa huling sinabi nito kaya napaangat siya ng tingin. “Lalabas tayo mamaya?” ulit niya sa sinabi nito.
Humakbang ito palapit sa kaniya. Hindi inaasahan ni Mikaella ang susunod nitong kilos kaya naman halos mapatalon siya sa pagkakaupo nang bigla na lang nitong itukod ang dalawang kamay sa mesa niya at ibaba nito ang ulo para magkapantay ang mukha nila. “Yes, Miss Gonzales. Tayo… Mamaya…” Binigyang diin pa nito ang huling dalawang salita habang diretsang nakatingin sa kaniya.
Inarkuhan niya ito ng kilay at bahagyang inayos ang salamin sa mata. “A-at bakit?” Hindi mapigilan niyang mautal.
Tumaas ang sulok ng labi nito. “Nakalimutan mo na ba ang pinag-usapan natin kahapon?” nakakalokong tanong nito.
Nagsalubong ang kilay niya. “A-anong pinag-usapan kahapon?”
Nagbaba ito ng tingin, ngumiti bago muling ibinalik sa mukha niya. “May meeting tayo kay Mr. Salvador, remember? Maaga tayong aalis kaya mag-ready ka na.”
Napakurap siya sa sagot nito.
“Bakit, Miss Gonzales? May iba ka bang iniisip na paglabas?” nakaklokong tanong nito.
‘Gosh!’ Mabilis gumapang ang init sa mukha ni Mikaella ng mapagtantong may pupuntahan nga pala sila. ‘Ano bang iniisip niya? Pero ang mokong na ito ay pinaglalaruan siya!’
“Hindi ko na kailangang mag-ready. Ito na ang ayos ko,” mabilis niyang wika upang pagtakpan ang pagkapahiyang nararamdaman.
Naiiling na tiningnan siya nito. “Fine,” he said. Pinasadahan muna nito ang mukha niya ng isang tingin bago ito lumayo sa kaniya. “Anyway, pakidala pala ng kape sa loob. I want another cup before we go.” Pagkasabi noon ay tumalikod na ito para pumasok sa loob ng opisina.
Wala sa loob na napahawak siya sa dibdib. Pakiramdam niya ay nagririgodon ang puso niya. Aminado siyang iba talaga ang karisma ng boss. Isang ngiti lang nito ay mapapasunod na nito ang mga babae pero hindi niya akalaing sa isang ngiti nito ay pati siya ay maaapektuhan.
Marahas niyang ipinilig ang ulo. “Shut it, Mikaella. Nandito ka para sa kapatid mo, hindi ang lumandi!” mahina pero mariing aniya sa sarili habang mahinang tinatampal-tampal ang pisngi.
May kakaibang ngiting naglalaro sa mukha ni Alkein habang nakatingin sa monitor kung saan naroon ang secretary. Marahas ang pag-iling nito at bahagya ang pagtapik sa mukha. Sa ilang buwan niyang kasama ito ay pinahahanga siya na hindi ito apektado sa kaniya. Madalas pormal lang ito at palaging naglalagay ng distansiya sa pagitan nila. Isa iyon sa dahilan kaya pumayag siyang maging secretary ito kahit hindi gaanong kaaya-aya sa paninging tingnan. Para sa kaniya, ang trabaho ay trabaho lang.
Ngunit may pagkakataong labis siyang pinahahanga ng kakaibang will nito. She could get into his face and tell whatever she wanted to. Kagaya na lang kahapon. Kung sa ibang pagkakataon ay baka nairita na siya pero hindi ngayon.
Nang magsimula na ang dalaga sa ginagawa ay sinara niya na ang tab. Nagbukas siya ng isa pang tab. Ilang sandali pa at nasa harap na niya ang files tungkol sa dalaga.
“Mikaella B. Gonzales,” mahinang basa niya sa pangalan nito. Pamilyar ang pangalan nito. May nararamdaman siyang kakaiba pero hindi niya mapagtanto kung ano iyon. Ilang ulit niyang binasa ang info nito pero wala talaga siyang maalalang kahit ano. Natigil siya sa pag-iisip nang isang mahinang katok ang pumailanlang.
“Get in.”
“Sir, your coffee,” bungad ng kaniyang secretary. Pinagmasdan niya ito at para bang wala lang iyong nangyari kanina. Diretso ang tingin nito na gaya lang ng dati.
Habang nagalakd ito palapit sa kaniya ay hindi niya mapigilan ang hindi ito pagmasdan. She had a natural tan skin. Her hair was light brown and it suited her ivory long sleeve with small ruffles in front. Her top was tucked in her black pencil-cut skirt. Sa isang tingin lang alam niyang makurba ang katawan nito kahit pa madalas ay loose ang isinusuot nito.
Ibinalik niya ang tingin sa mukha nito. Wala itong gasinong freckles. Kung aalisin marahil ang salamin nito at aayusan ito… Hindi na masama.
“You told me to prepare your coffee. Here.” Ibinaba nito ang tasa sa mesa niya. May kakaiba sa tinig nito.
“Thank you.” Inabot na niya ang kape. Handa na siyang sumimsim nang mapansin na hindi umaalis sa harapan niya ang dalaga. “What?”
“Baka may ipagagawa pa po kayo?” Nakangiti ito pero nakaarko ang isang kilay nito.
“Wala na. You may leave.”
“Okay.” Binigyan siya nito ng ngiti or more likely ay isang ngisi bago ito tumalikod.
Nang makatalikod na ito ay sumimsim na siya ng kape. Hindi pa niya tuluyang naiinom iyon ay halos mabuga niya na ang nainom. “What the heck is this?” Tiningnan niya ang sekretarya niyang patuloy lang sa paglalakad. “Miss Gonzales!”
Humarap ito sa kaniya. May munting ngiti sa labi. “Yes, Sir?” malambing na tanong nito.
‘Sinadya niya ito!’
“Anong klase kape ito?”
“Kape, Sir.”
“Bakit walang lasa?”
Bahagyang ikiniling nito ang ulo. “Sabi po ninyo ay kape lang, wala po kayong sinabi na lalagyan ng asukal.”
“Darn! It’s common sense.”
“Really? Fine. I’ll remember that.” Those were her last drop before she left.
May ngiting tagumpay na bumalik si Mikaella sa cubicle niya. “Now, we’re quits.” Anong akala ng lalaking iyon? Pwede itong maglaro at siya ay hindi. No way! Not in her way.
Ibinalik niya ang atensiyon sa trabaho. Tinapos niya lahat ng pinagagawa nito. Halatang bumabawi ito dahil tinambakan siya nito nang tinambakan ng kung ano-anong gawain. Pagdating ng nine o’clock ay naghanda na siya. Hindi na siya nag-abala pang pumunta ng restroom para mag-ayos. Inalis niya muna ang salamin at sinipat ang mukha sa salamin. Hindi naman talaga malabo ang mata niya. That’s for anti-radiation and for props. Nag-retouch siya ng kilay, nagpahid ng konting face powder bago naglagay ng lip tint. Ngumiti siya nang matapos.
Ibabalik na niya ang mga ginamit sa pouch nang matigil sa ere ang kamay niya. Nakaharap ang posisyon niya sa harap ng pinto ng opisina ng boss niya. At ngayon, nakatayo roon ang boss habang nakatitig sa kaniya. Hindi niya alam na pinapanood siya nito.
“That’s quite a view,” may ngiting anito bago humakbang palapit sa kaniya. “Mukhang tapos ka nang mag-ayos,” dugtong pa nito sabay kuha ng salamin niya. Napalunok siya nang pag-aralan nito iyon. “Ibalik na natin ito.” Nanigas ang katawan niya nang isuot nito ang salamin sa mata niya. “Kahit hindi mo naman kailangan sa ngayon.”
Hindi siya kaagad nakakibo. Ilang sandali siyang nakatigil doon habang pinagmamasdan ang boss na naglalakad palayo.