PART 4

1388 Words
HABANG daan ay tahimik lang si Mikaella. Tahimik rin ang boss niya. Nagtatanong ito minsan pero puro tungkol sa trabaho. Ganoon lang ang flow ng usapan nila hanggang sa makarating sila sa meeting place. Sa isang Italian Restaurant sila nakipagkita. Maayos niyang na-present ang lahat ng documents na ipinagawa sa kaniya ni Alkein. Dahil sanay na sanay na ang boss niya sa ganoong meet-up, ito halos ang nagdala ng usapan. “So, Mr. Saavedra, ngayong unti-unti ka nang pumapasok sa magic circle ng mga kilalang businessman, wala ka pa bang balak mag-asawa?” tanong ni Mr. Salvador. Owner ito ng isang company na nag-eexport at import ng mga de-kalidad na electrical materials. Kasama nito ang asawa na ayon dito ay kaagapay na simula pa noong nasa 20s pa sila. Now that they were in 50s, magkasama pa rin sila. Nilingon niya ang boss at hindi nakalingat sa kaniya ang bahagyang paglunok nito. “Water, Sir?” malambing niyang tanong kay Alkein sabay abot ng baso dito. May munting pagtatakang rumihestro sa mukha nito pero kaagad din itong malambing na ngumiti. “Thank you, Miss Gonzales.” Uminom ito bago binalingan ang mag-asawa na ngiting-ngiting nakatingin sa kanila. “Well, wala pa akong nakikitang babae na magiging kaagapay ko.” “Baka naman tingin ka nang tingin sa ibang babae kaya hindi mo makita na nasa malapit lang ang para sa’yo,” pagbibiro ni Mrs. Salvador sabay sulyap sa kaniya. “Pero bata pa naman ikaw kaya makakapag-isip ka pa… But just to say, find a woman na malaki ang pagmamahal sa kapwa at lalo’t higit sa pamilya. They are keepers.” May something sa sinabi ni Mrs. Salvador pero pinili niyang huwag nang pansinin. “How about you, Miss Gonzales?” baling ni Mr. Salvador sa kaniya. “May boyfriend ka na ba?” Ngumiti siya. “Wala pa po.” “Wow, sa ganda mong iyan!” bulalas ni Mrs. Salvador. Lihim siyang napatingin kay Alkein. Blangko ang mukha nitong nakatingin sa kaniya. “You know, alisin lang natin ang salaming iyan at konting laylay ng buhok mo, you’ll be more beautiful to look at,” dagdag pa ni Mrs. Gonzales. Hindi naman niya mapigilang hindi mahiya. Hindi niya akalaing makakarinig pa siya ng ganoong klaseng papuri. "Tama ako, ‘di ba, love?” baling nito sa asawa. Tumango naman si Mr. Salvador. “Believe her. Hindi nagkakamali ang mga mata niya.” “Well, thank you,” wika niya sabay abot ng baso ng tubig. Pakiramdam niya ay siya naman ang uhaw na uhaw. Nag-iinit ang pisngi niya sa ibinabatong papuri pero lalo’t higit sa kakaibang tingin na ipinupukol ni Alkein sa kaniya. Nang matapos ang meeting ay bumalik na sila sa opisina. “Kapag maaga mong natapos lahat ng mga iyan, pwede ka nang umuwi,” pahayag ni Alkein sa kaniya nang nasa office na nila silang dalawa. Tiningnan niya ang inabot nitong papel. Kailangan niya lang gumawa ng minute at report para sa natapos nilang meeting. Hindi pa kakain ng dalawang oras ang trabaho niyang iyon. Ang nakapagtataka lang ay may apat na oras pa siya bago umuwi. “Wala kang bawas kapag umuwi ka ng maaga ngayon,” dagdag pa ni Alkein nang hindi siya kumibo. “Isipin mo na lang ay pagbawi iyan sa lahat ng OT mo at sa na-closed nating deal kanina.” Pinagmasdan niya ang binata. Seryoso ang mukha nito habang abala sa ginagawa. Nagtataka man ay tumango na lang siya at nang matapos niya ang gagawin ay maaga ngang umuwi. KINABUKASAN ay maagang pumasok si Mikaella. Alam niyang nakakahalata na si Alkein kaya kailangan niyang bilisan ang pagkilos. Sinigurado ni Mikaella na nakasara ang pinto bago siya tuluyang pumasok sa opisina ng boss. Sa ilang beses niyang pagpasok doon, bagama’t buo ang tiwala nito sa kaniya ay limitado lang ang maaari niyang hawakan. Sa pagkakataong ito kailangan na niyang makahanap ng ebidensiya na may kinalaman si Alkein Saavedra kung bakit nagtatago ang kapatid niya. Inisa-isa niya ang mga gamit na nasa ibabaw ng table nito. Binuksan niya ang mga cabinet at drawer pero bigo siyang makakita ng kahit anong magpapatunay na kilala ni Alkein ang kaniyang kapatid. Halos nabuklat na niya lahat. Malapit na rin siyang mawalan ng pag-asa. Isang drawer na lang ang hindi niya nabubuksan kada punta niya doon. Palagi iyong may lock kaya naman nagsigurado na siya ngayon. Kinuha niya ang hinandang pin at iyon ang ipinasok sa padlock. Ilang beses niyang pinag-aralan kung paano gawin iyon. Hindi madali pero natutunan naman niya. Ilang beses niyang hinugot, ipinasok at iniikot ang pin bago tuluyang bumukas ang padlock. “Yes!” mahinang usal niya. Dali-dali niyang binuksan ang drawer. Isang patas ng mga larawan ang bumulaga sa kaniya. Isa sa mga larawan ay kagaya ng larawang na-screenshot niya noon sa story ng kakambal. Sa kanan ni Micah ay isang lalaki habang sa kaliwa nito ay si Alkein na may kaakbay ding babae. Pare-parehong nakangiti ang mga ito. Binuklat niya ang iba pang larawan at halos panghinaan siya ng tuhod nang makita ang larawan ng kakambal na nakasuot ng simpleng damit pangkasal habang sa magkabilang tabi nito ay ang lalaki sa screenshot at si Alkein. Binuklat niya ang iba pang larawan at halos larawan iyon nina Alkein, Micah, at ng hindi niya nakikilalang lalaki. Sa kahuli-hulihan ng larawan ay may isang sulat. Akmang bubuksan niya iyon bumukas ang pinto ng opisina. “What’s the meaning of this?” Muntik nang maptalon si Mikaella nang marinig ang madagundong na boses ni Alkein. Nang tumuwid siya ng pagkakatayo ay naroon na ang lalaki. Madilim ang anyo nito habang naglalakad palapit sa kinatatayuan niya. “Sinong nagbigay sa’yo ng karapatang pakialaman ang mga gamit ko?” Hindi kaagad siya nakapagsalita. Nahahati ang loob niya ng pag-aalala sa nakikitang galit nito pero mas matimbang sa kaniya na malaman ang katotohanan kung nasaan ang kapatid niya na base sa larawan ay alam ng lalaking nasa harap niya. Hindi siya pwedeng magkamali. Kilala ni Alkein ang kakambal niya at hindi malabong alam nito kung nasaan si Micah. Or worst, pinakasalan ito ni Micah not knowing kung anong klaseng lalaki ito. O kaya ba nagtatago ang kakambal niya dahil alam nitong napakasal ito sa isang lalaking parang nagpapalit lang ng damit kung magpalit ng babae? “Give me those!” galit na utos ni Alkein sa kaniya. “No!” sigaw niya habang nanginginig sa inis at sama ng loob. Kilala niya si Micah. Kung siya ay palaban, napakamagpakumbaba ni Micah. Gusto palagi nito ng harmony. Mananahimik na lang ito sa isang tabi at hihintaying maayos ang lahat. Kaya nga ganoon na lang ang pag-aalala niya dito nang hindi na ito umuuwi. Alam niyang may hindi tama. “Wala kang karapatan sa mga larawan na iyan!” Akmang aagawin ni Alkein sa kaniya ang larawan pero mabilis siyang umiwas dito. Matangkad ito at mabilis pero dahil mas maliit siya ay maagap siyang nakalayo. “Hindi ko ito ibibigay sa’yo!” “That’s mine!” “I don’t care! Ang mahalaga sa akin ngayon ay malaman kung sino ang babaing nasa picture na ito at bakit kasama mo siya?” Bahagyang tumigil si Alkein. Namaywang ito habang matalim pa rin ang tingin sa kaniya. “You don’t care kung sinuman ang babaing iyan.” “Sino siya at bakit kasama mo siya?” ulitniya sa tanong. Desidido siyang malaman. “Mahalaga ang babaing iyan kaya wala kang pakialam,” halatang nauubos na ang pasensiya nito sa kaniya. Hindi alam ni Mikaella kung bakit bigla tila may kirot sa dibdib niya. pero hindi niya pinansin iyon. Lakas-loob siyang lumapit kay Alkein habang hawak ang solong larawan ng kakambal niya. “Sabihin mo sa akin, bakit nakadamit pangkasal siya?” “Uulitin ko, wala kang pakialam. Ibigay mo sa akin iyan.” Akmang aagawin muli sa kaniya ni Alkein ang mga larawan pero iniiwas niya iyon. “May pakialam ako!” “You don’t ca—“ “May pakialam ako dahil kapatid at kakambal ko ang babaing nasa larawan na iyan.” Hindi nakalingat sa kaniya ang gulat na rumehistro sa mukha nito. “Now tell me, ikaw ba ang pinakasalan niya? Kaya ba nagtatago si Micah ay dahil hindi mo kayang ilabas sa lahat na nagpakasal ka ng kagaya niya, ng kagaya lang namin?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD