Natitilihang nakatulala si Alkein sa kaniya. “What?” hindi makapaniwalang tanong nito.
“Itinatago mo si Micah, ano?” paratang niya dito.
“Wait, Mikaella. Let me explain first.” Naging kalmado na si Alkein pero hindi siya.
“So? Totoo? Kaya mo ba itinatago siya ay para hindi makarating sa kaniya na papapalit-palit ng babae. O baka na—“
“I said stop it!” putol ni Alkein sa mga sasabihin sana niya. Akmang magsasalita pa sana siya pero hindi niya inaasahan ang sunod na kilos ng binata. Mabilis nitong nahawakan ang bewang niya at nahapit siya palapit sa katawan nito. Sa isang iglap ay yakap na siya nito habang ang labi nito ay nasa mga labi niya. Namilog ang mga mata niya sa gulat pero nang magsimulang gumalaw ang mga labi nito ay daig pa niya ang nakatikim ng alak. Nakaka-addict, nakakalasing na kahit alam niyang hindi tama ay parang gusto pa niyang tikman.
Naipikit niya ang mga mata. Dama niyang dumiin ang kamay nitong nasa likod ng ulo niya dahilan para lumalim ang paghalik nito sa kaniya. Kusa namang gumalaw ang mga kamay niyang unang humawak sa matigas na dibdib nito. Noong una ay nanunulak siya pero ngayon ay humahapit na din iyon hanggang sa maipulupot niya ang braso sa batok nito at hapitin ito palapit.
“Shut it, babe, but you can kiss,” anas ni Alkein nang bahgayang maghiwalay ang mga labi nila. Akmang magsasalita pa siya ng makarinig sila ng malakas na paglagapak ng mabibigat na bagay.
Sabay silang napalingon sa pinanggalingan ng ingay. Napahiwalay sila sa isa’t isa nang makita ang mga magulang ni Alkein na nasa may pinto.
“Mom! Dad!” gulat na bulalas ni Alkein.
“Jusmiyo, Alkein. Anong ibig sabihin nito?” nahihintakutang usal ng ina nito.
“Magpapaliwanag po ka—“
“It’s okay, Miss Gonzales. You finished first what you’re doing,” putol ng ama nito sa mga sasabihin niya sana. “Fixed yourselves.” Binalingan nito ang anak. “Mamaya ay babalik ako tayo mag-uusap.” May ultimatum ang tinig ng ama ni Alkein. Nakilala niya na ito noon kaya alam niya kung gaano ito ka-firm sa mga salitang binibitiwan.
Wala na silang nagawa kundi ang sundan ng tingin ang mag-asawa na lumabas ng opisina. Isang nakakabinging katahimikan ang saglit na namayani sa kanila bago kumilos si Alkein.
“This is ridiculous,” anas ni Alkein sabay suklay ng buhok gamit ang mga daliri.
“Kasalanan mo ito!” turo ni Mikaella sa binata.
Tiningnan siya nito. “Paanong naging kasalanan ko?”
“Ikaw ang humalik sa akin. Kung hindi mo ako hinalikan hindi sana tayo aabutan ng mommy at daddy na ganoon.”
“Kung tumahimik ka kaagad hindi sana kita hahalikan.”
“Wow!” pagak siyang tumawa. “At talagang kasalanan ko pa? Wala ba akong karapatang magtanong tungkol sa kapatid ko.”
Sandali itong tumahimik. “Sana kumalma ka muna. But then, lapatid mo ba talaga si Mik-mik?”
Tinaasan niya ito ng kilay. “’Wag mo siyang tawaging Mik-Mik.”
“Para na siyang pamilya sa akin.”
Humalukipkip siya. “So totoo bang ikaw ang pinakaslan niya?”
“Hell no!” maagap nitong saad sa kaniya.
“At sa palagay mo ay maniniwala ako sa’yo.” Nagdududa niyang wika.
“Hindi ko hinihiling na maniwala ka pero hindi ako ang pinakasalan diyan ni Mik-mik.” Inabot nito ang larawan na ngayon ay nasa sahig na. “Si Lance ang pinakasalan niya.”
“Sino?”
Itinuro nito ang lalaking nasa kanan ni Micah. “Iyan si Lance,bestfriend ko. Nakilala niya si Mik-mik dito sa kompaniya. Dito siya nagtatrabaho that time. Ka-close ni Micah ang dati kong secretary kaya naman may pagkakataon na nagkakasama kami. She’s a very nice woman. So sweet and timid.” May nagbago sa kislap ng mga mata nito. Ngumiti ito. “Pero muntik ko ng sirain iyon nang ipakilala ko si Lance sa kaniya.”
“Anong ibig mong sabihin?”
“You know me at hindi nalalayo ang ugali namin ni Lance. Ang pinagkaiba lang, nakita ko si Mik-mik bilang isang kapatid habang nagustuhan naman siya ni Lance. I thought magandang impluwensiya si Mik-mik para sa kaniya pero mali pala ako. Huli na ng malaman kong nabuntis ni Lance si Mik-mik at tinakbuhan niya ito.”
Pakiramdam niya ay nanghina ang tuhod niya. Akmang hahawak siya sa mesa pero mabilis siyang hinapit ni Alkein sa bewang. “Tutal andito na ito, pag-usapan natin ng maayos ang dapat pag-usapan.” Iginaya siya nito paupo sa couch.
“Kaya pala nagtago si Micah…” mahinang turan niya, hindi makapaniwala sa mga narinig.
“Yes. Wala ako sa lugar na magsabi nito sa’yo pero malaki ang kasalanan ko kay Mik-mik.” Sumandal ito sa couch at huminga ng malalim. “Takot na takot siya nang magpunta sa akin para humingi ng tulong. Hindi niya alam ang gagawin. Natatakot siyang mapag-usapan at humarap sa inyo kaya ang ginawa namin ay itago siya muna habang inaayos ko ang problema.”
“Itinago? Sira ka ba? Alalang-alala kami noon.” Nungkang kaysarap tuktukan ng lalaking ito.
“Alam naman namin pero hindi mo masisisi si Mik-mik. She was afraid.”
Sa kabilang banda ay nauunawaan din naman niya ang naging desisyon ng kakambal. “Nasaan na siya?”
“She’s married and living with Lance. Fortunately, naayos ang lahat. Nakapag-isip isip si Lance at nangakong pananagutan si Mik-mik. They held a civil wedding. I don’t know their plans pero hanggang ngayon ay natatakot pa rin si Mik-mik na harapin kayo.”
“Masasamahan mo ba ako sa kaniya?” maagap niyang tanong dito. Kailangan niyang makita ang kakambal, makausap ito at sabihing kahit anong mangyari kapatid niya pa rin ito.
Sandali siyang tiningnan nito. “Now I know kung bakit parang may kakaiba sa’yo. Fraternal twins kayo ni Mik-mik, pero may pagkakapareho pa rin kayo. Sasamahan kita kung sasagutin mo muna ang tanong ko.”
“Ano iyon?”
“Kaya ka ba nagtrabaho dito ay dahil niya?”
Hindi kaagad siya nakapagsalita pero dahil obvious naman ang sagot ay kinuha niya ang cellphone sa bulsa. Binuksan niya ang gallery. “Kasama ka sa last story ni Mik-mik kaya malakas ang paniniwala kong alam mo kung nasaan siya. My first goal is to ask you pero nang makita ko kung gaano ka kadalas magpalit ng babae, alam kong mahihirapan ako.”
“Kaya ba minanmanan mo ako? Nagtiyaga kang pinaglilinis kita ng mga gulong iniwan dito sa opisina at kaya itinago mo ang lace underwear na nasa couch?”
“Anong?” Gumapang na naman ang init sa buong mukha niya nang maalala iyon.
“I told you. Fraternal twins kayo ni Mik-mik pero parehas kayong hindi magaling magtago. I felt that you’re up to something. Hindi ko alam pero ramdam ko kaya nagsigurado na ako. I monitored your every move.”
Napakurap na lang siya dahil sa nalaman.
Hindi pa halos nada-digest ni Mikaella ang nalaman tungkol sa kakambal ay nahaharap na naman siya sa mainit na sitwasyon. Hindi pa sila tapos mag-usap ni Alkein ay bumalik ang mga magulang ng binata. At hindi niya inaasahan ang ibinungad ng mga ito sa kanila.
“Magpapakasal kayong dalawa!” iyon kaagad ang salubong ng ama nito.
“Daddy?” Hindi makapaniwalang nilingon ni Alkein ang ama.
Magkatabing nakaupo sa couch ang mommy at daddy niya. Si Mikaella ay katapat ng mga ito. Hindi rin ito makapaniwala sa mga sinabi ng magulang niya. Nagtatanong ang mga mata nitong nilingon siya.
“Seryoso kami ng daddy mo. Sa lalong madaling panahon ay mamamanhikan tayo sa kanila para ayusin ang kasal.”
“Wait lang po, Mrs. Saavedra,” naiilang na sabat ni Mikaella. “Magpapa—“
“Hindi, iha. Wag kang mag-alala, pananagutan ka nitong si Alkein.”
Namimilog ang matang nagkatinginan sina Mikaella at Alkein. Sinenyasan ni Mikaella itong magpaliwanag.
“Look, daddy and mommy. Mali po kayo ng iniisip,” pagpapaliwanag ni Alkein.
“Mali?” hindi makapaniwalang tanong ng ina nito. “Kita naming magkahalikan kayo. Anong mali doon? Sa dinami-rami ng babae mo, Alkein, hindi na ako makakapayag na parang damit lang kung magpalit ka. This time, pananagutan mo kung anong namamagitan sa inyo ni Miss Saavedra.”
“Tama ang iyong ina. Ngayon kailangan mong magpakalalaki at panagutan kung anumang meron sa inyo ni Miss—“ tumikhim ito bago nagpatuloy, “nitong si Mikaella.”
Sinubukan nilang magpaliwanag pero ang ending ay hindi nakinig sa kanila ang mga magulang ng binata.
“Ayusin mo ito, Alkein!” tarantang aniya nang makaalis ang mga magulang nito. Hindi siya magkaintindihan at mapakali.
“Hindi mo kilala ang mga magulang ko. Kapag sinabi nila gagawin nila.”
“Anong gusto mong gawin? Ikasal tayo?” Hindi nagsalita si Alkein bagkus tiningnan siya. “Anong tingin iyan?” medyo kinakabahang tanong niya.
“I’m just thinking,” tahimik na saad nito.
“Anong pinagsasabi mong I’m thinking? Hindi tayo pwedeng magpakasal!”
“At bakit hindi?”
“Basta!” naiilang na aniya. Grabe naman kasi. Ano ba naman itong napasok niya? Pakiramdam niya ay sasabog ang utak niya.
“Hindi na ako bata at ganoon ka din, why don’t we try to settle down?”
“What? Naririnig mo ba ang sinasabi mo?” mulagat niyang tanong dito.
“Yes.”
“Nasisiraan ka na ba? Hindi mo ako mahal at hindi nam—“
“Hindi naman siguro ako mahirap mahalin,” may kakaibang ngiting saad ni Alkein habang unti-unting humahakbang palapit sa kaniya.
“Aba! Ano sa palagay mo iyang pinagsasasabi mo?” malapit na si Mikaella na maeskandalo sa pinagsasasabi nitong si Alkein. Napaurong siya mula sa pagkakaupo sa couch nang mas lumapit pa sa kaniya ang binata.
“Seryoso ako sa sinasabi ko,” pahayag nito habang mas lalong lumalapit. Nang wala na siyang maurungan ay nasukol na siya nito.
“A-Alkein?”
“That’s it,” mahinang wika nito nang makulong na siya sa pagitan ng dalawang braso nito. Ngumiti ito habang nakatingin sa mukha niya. “You know, hindi mo na kailangan pa ito,” anas nito habang dahan-dahang inaalis ang salamin niya sa mata. “Hindi mo na kailangang magpanggap.”
“Hindi ako nagpapanggap,” pilit pinatatag ang tinig na sabi niya.
“Hindi ba pagpapanggap na itago ang magandang mukhang iyan sa likod ng makapal at malaking salaaming ito?” nanunudyo nitong tanong hanggang sa tuluyang maalis ang salamin niya.
“I-ibalik mo iyan!”
“No.” Hindi pa nakakabawi si Mikaella ay bigla na lang ibinato ni Alkein ang salamin sa malayo.
“A-ano ka ba?” Sinubukan niyang manulak pero dahil mas mabigat at mas malakas ito sa kaniya ay wala ring silbi.
“See? Mas maganda ka…”
Inirapan niya ito. “Kung iniisip mong kagaya ako ng mga baba—“
“You’re too far different from them, Mikaella…”
Natigilan siya nang marinig na banggitin nito ang pangalan niya. May kakaiba sa pagkakabanggit nito ng pangalan niya. Idagdag pang tila siya nahihipnotismo sa mga titig nito. Matagal niya nang inamin sa sarili na gwapo ang boss pero dahil sa ilang beses nitong pagdadala ng mga babae sa opisina at ang duda niyang malaki ang kinalaman nito sa pagtatago ng kakambal, nabahiran na ang dapat ay paghanga niya dito.
“Hindi ako nakikipagbolahan, Sir Alkein.”
“And so am I.”
“Kung ganoon ay uma—“
“Susmaryosep! Ayaw ninyong magpakasal tapos ganiyan naman kayo!”
Dagling naghiwalay muli sina Mikaella at Alkein nang pumasok ang magulang ng huli.
“Mommy! Daddy! Bakit ba pasok kayo nang pasok?” Hindi magkandatuto sa pagtayo si Alkein habang siya ay inaayos ang nagulong damit.
“Aba? Malamang pinto iyan kaya papasok kami. Hindi ba kami ng mommy mo ang dapat ,magtanong kung bakit hindi ninyo man lang naisipang mag-lock ng pinto kung ayaw ninyong maabala?” pamimilosopo ng tatay ni Alkein.
Pakiramdam ni Mikaella ay gusto niya nang maglaho na lang bigla.
“Isa pa, ke aga-aga naman niyan. Hindi ba pwedeng umuwi muna kayo sa bahay?” singit naman ng ina nito.
“Ma’am—“
“No, iha,” putol ng mommy ni Alkein sa mga sasabihin niya. “Magsanay ka na ng mommy.”
“Pero po…”
“No more buts, Mikaella. Magiging parte ka na ng pamilya namin,” pagpupursige ng daddy ni Alkein.
Nilingon niya si Alkein pero ang mokong ay nag-iwas lang ng tingin. Halata ngang wala itong balak baguhin ang imahe na nabuo sa isip ng mga magulang nito. humanda talaga ito sa kaniya. Habang tumatagal ay dumarami ang atraso nito sa kaniya.