KANINA pa nakatulala si Alkein sa kawalan. Nasa balcony siya ng kaniyang bahay at umiinom ng alak. Mahigit isang linggo na rin simula nang mahuli sila ni Mikaella ng kaniyang mga magulang na naghahalikan sa opisina niya. Ilang araw na rin siyang kinukulit ng mga ito na ipaalam na sa mga magulang ni Mikaella ang relasyon nila bago sila mamanhikan. Hindi niya akalaing sa isang iglap ay napakaraming rebelasyon.
Una ay kakambal ni Mik-mik si Mikaella. Pangalawa, pumasok lang si Mikaella bilang sekretarya niya dahil ni Mik-mik, at patatlo ang pagpipilit ng mga magulang niya na makasal sila ni Mikaella. Ilang beses niya ng ipinaliwanag ang lahat sa mga magulang na hindi sila ni Mikaella pero hindi maniwala ang mga ito.
At ngayon, halos tatlong araw na ring hindi pumapasok si Mikaella. Tatlong araw na niyang hindi ito nakikita at nakakausap. Isa pang dahilan kaya gulong-gulo ang isip niya. Madalas itong laman ng isip niya. Hindi siya mapakali kapag hindi ito nakakausap at nasisilayan.
Inisang lagok niya ang natitirang laman ng shot glass. Eksaktong pagbaba niya ng baso ay tumunog ang cellphone niya. Nang tingnan niya ito ay pangalan ni Mik-mik ang nakarehistro.
“Hello?” bungad niya pagkatanggap ng tawag.
“Hi, Alkein. Naabala ba kita?” malambing na tanong ni Mik-mik.
“No. I’m free.”
“Mabuti naman. Ahmmm… Natanggap ko ang message mo. Nagkausap na kayo ni Mikay?” Kung hindi siya nagkakamali ay ang tinutukoy nito ay ang kakambal nitong si Mikaella.
“Yes. I’m sorry I have to tell her, but she wanted to see you.”
Ilang sandaling namayani sa kanila ang katahimikan bago ito nagsalita muli. “Wala kang dapat ihingi ng sorry, Alkein. Wala kang kasalanan.Tinulungan mo pa nga akong maayos ang gulo namin ni Lance. Hayaan mo, oras na makabalik kami ay makikipagkita ako kay Mikay para ayusin lahat. Ipapaliwanag kong hindi ka rin gaya ng iniisip nila.”
Isang bagay na minahal ni Alkein kay Mik-mik ay sa kabila ng lantarang pangbababae niya ay hindi siya hinusgahan nito ng masama. Nang tinakasan ni Lance ito, pakiramdam niya ay ang sama niya. Siya ang dahilan kaya nagkakilala ito at si Lance. At siya ay gaya din ni Lance. Takot sila sa commitment at nasisiyahan na lang sa mga fling. Pero pagkatapos ng lahat, sinubukan niyang magbago. Ang mahirap lang, dahil ang tingin ng tao sa kaniya ay babaero, tumigil na siyang sumubok magbago at pinangatawanan na lang ang sinasabi nila tungkol sa kaniya.
“Limang buwan kong kasama ang kapatid mo Mik-mik. Hindi ko siya masisisi kung anuman ang tingin niya sa akin.”
“Mabait at maunawain si Mikay… Maiintindihan din niya lahat.”
“It doesn’t matter. Ang mahalaga ay magkausap kayo. Makipagkita ka na sa kaniya at sa iyong pamilya. Kung totoo ang sinasabi mo tungkol sa kaniya, tatanggapin ka nila ulit.”
Dinig niya ang malalim na paghinga nito. “Gagawin ko iyan. Maraming salamat, Alkein.”
Pagkatapos magpaalaman ay pinatay na ni Alkein ang tawag. Sa pagkakataong iyon, isang email naman ang dumating sa kaniya. Sa pagbukas niya ng laman ng email ay kaagad nagtiim ang baga niya.
‘Hindi niya pwedeng ito!’
APAT na araw na simula ng huling pumasok si Mikaella. Kagabi ay nag-send lang siya ng resignation letter kay Alkein. Ngayon niya higit na nauunawaan ang kapatid na si Mik-mik kung bakit mas pinili nitong magtago kesa sabihin sa kanila ang problema. Buong akala ni Mikaella ay magiging kagaya pa rin ng dati ang samahan nila ni Alkein—boss niya ito at sekretarya siya nito.
Pero mali siya.
Inilantad na niya ang tunay na siya. Inalis ang salamin sa mata at ibinalik ang dating ayos ng pananamit. Pero hindi mababago noon ang katunayan na nahalikan niya na ang amo, nayakap, at ngayon ay pilit ipinakakasal sa kaniya.
‘Hindi naman siguro ako mahirap mahalin?’
Hindi rin niya makalimutan ang mga salita nitong iyon. Hindi naman nga ito mahirap mahalin dahil sa tunay lang ay parang nahuhulog na siya dito. Sa ilang araw pa niyang ipinasok bilang sekretarya nito ay wala na itong babaing dinala sa opisina. Mas focus ito sa trabaho. Ito rin ang nagsabi sa kaniya na kapag nakausap si Mik-mik ay sasabihin sa kaniya kaagad ang lahat.
“Ate! May naghahanap sa’yo!”
Nilingon ni Mikaella ang nakasarang pinto nang marinig ang sunod-sunod na katok at tawag ng bunsong kapatid.
“Bakit?” walang-ganang tanong niya.
“May lalaki pong naghahanap sa’yo,” tugon ng kapatid mula sa likod ng pinto.
Nagtataka man ay dali-dali siyang bumangon. Lumabas siya ng kwarto at pumunta sa salas. Pahikab-hikab pa siya habang naglalakad nang kaagad matilihan nang mapagsino ang bisitang naghahanap sa kaniya.
“Hi, Mikaella,” bati ng lalaking dumating.
“S-Sir Alkein?” gulat niyang bulalas pagkakita sa binata. May hawak itong malaking boquet tapos sa mesa nila ay may malaking bilao na may lamang prutas at isang lalagyan na may lamang makukulay na puto at kutsinta. “Anong ginagawa mo dito?” tanong pa niya nang makalapit dito.
“Mikay, tama ba ang ganiyang tanong?”
Hindi niya namalayang nandoon pala ang ama. “Hmmm, pa, si Sir Alkein po,boss ko po.”
“Nagpakilala na siya. Maiwan ko muna kayo para makapag-usap kayo,” paalam ng ama bago sila tuluyang iniwan.
“Anong ginagawa mo dito?” nag-aalalang tanong niya kay Alkein.
“Manliligaw,” maagap na sagot ni Alkein.
“Ahh, akala ko naman ay—ano manliligaw?” handa na siyang huminga nang maluwag pero nang ma-realize ang dahilan kung bakit ito naroon ay hindi niya napigilang mapabubulalas. “Manliligaw ka?”
“Paulit-ulit tayo?”
“Hindi ako nakikipagbiruan sa’yo.”
“Sino bang maysabi na nakikipagbiruan ako? Seryoso akong kaya narito ako ay para ligawan ka. Hindi naman pwede na ikakasal tayo pero hindi man lang kita niligawan.”
Pinagmasdan niya ito pero wala siyang nakikitang pagbibiro na nakalarawan sa mukha nito. “Ano bang sinasabi mo diyan?” halos pabulong na tanong niya sa takot na marinig ng mga magulang ang usapan nila.
“Nagpasiya na akong pumayag na magpakasal sa’yo pero bago iyon idaan natin sa maayos na proseso.” Iniabot nito ang bulaklak sa kaniya. “Hindi ako sanay sa ganito kaya ito lang ang nadala ko.”
Napilitan siyang abutin ang bulaklak. “Seryoso ka ba talaga?” bulong niya habang nakatitig sa bouquet. Nakakatanggap siya ng mga bulaklak noon pero ngayon lang siya nakatanggap ng ganoon kagarang ayos ng bulaklak. Iba’t ibang kulay ng tulips.
“Alam kong hindi ka kaagad maniniwala. Kilala mo ako pagdating sa mga babae kaya naman hindi ako mangangako na magbabago, sisikapin kong ipakita para maniwala at magtiwala ka sa akin.”
Napapatda siya sa sinabi ng binata. “Hindi ba masiyadong mabilis ang lahat?”
Ngumiti ito at sa kauna-unahang pagkakataon nakaramdam siya ng kakaibang saya lalo pa’t alam niyang para sa kaniya ang ngiting iyon. “Alam ko pero marami tayong panahon para kilalanin ang isa’t isa.”
“Alkein…”
“Playboy ako, Mikaella pero kapag nagbitaw ako ng salita, sinisikap kong tuparin.” Hindi niya lubos akalaing maririnig niya ang mga salitang iyon mula sa binata. “At gaya ng sinabi ko noon sa’yo, basta makausap ko si Mik-mik, makikita mo siya.” Hindi pa natatapos si Alkein magsalita ay dinig niya ang sunod-sunod na palahaw ng ina.
“Diyos ko po, Mik-mik, andito ka na! Mahal, andito na ang anak natin! Mikay! Misha ang kapatid ninyo.”
Wala pang ilang segundo ay nagtakbuhan na ang ama at kapatid niya. Hindi kaagad siya nakagalaw sa kinatatayuan.
“Papayag ka bang mahuli sa reunion ninyo?” may pagbibirong tanong ni Alkein sa kaniya.
“No way,” may nagbabanta man luha sa mga mata ay nagawa pa rin niyang ngumiti.
Napuno ang bahay ng sandaling iyakan at yakapan. Bagama’t malaki na ang tiyan ni Micah ay walang pag-aalinlangan na niyakap ito ng ama’t ina nila. Panay hingi ito ng tawad sa mga magulang nila pero tunay na ang hindi matitiis ng magulang ang kanilang anak. Bukas ang mga kamay na tinanggap ito.
Ilang sandali pa at ang kaninang iyakan ay napuno ng tawanan at kumustahan. Kasama ni Micah na dumating si Lance. Humingi rin ng tawad ito at pinilit magpaliwanag. Sa kaso ng mga magulang nila, wala nang hihigit sa isang anak na nawala pero bumalik.
“Inunahan mo na talaga ako, Mik-mik,” pagbibiro niya sa kakambal nang magkaroon sila ng pagkakataong magkausap.
Kasalukuyang abala ang mga ina niya at si Misha sa kusina sa paghahanda ng lutuin. Katulong naman ng ama nila sina Lance at Alkein na naghahanda ng paglulutuan sa likod-bahay. Daig pa ang pipyesta at nagbabalak maghanda ang mga magulang nila.
“Ikaw na ang susunod,” ganting-biro nito sabay siko sa kaniya.
“At sinong may sabi sa’yo?” ingos niya dito.
“Nagsabi na si Alkein kay papa na manliligaw daw sa’yo.”
Namimilog ang mga matang binalingan niya ito. “Hindi pa ah.”
“Binulungan ako ni papa. Kanina lang daw nagsabi.”
Hindi kaagad siya nakapagsalita. Hindi niya alam na iyon na ang pinag-uusapan ng mga ito kanina.
“Uyy, natulala na si Mikay. Nagba-blush ka!” natatawang saad ng kakambal na sinundan pa ng halakhak. Nailing na natatawa na lang siya. Masaya siyang makasama muli ang kakambal, na buo na muli ang pamilya nila.
Kapag masaya ka parang ang bilis lang ng araw. Apat na buwan na ang mabilis dumaan at ilang araw na lang ay isisilang na ang anak nina Mik-mik at Lance. Excited ang mga magulang nila pati na rin ang mga lolo’t lola. Sina Mikaella at Alkein, ganoon pa rin.
“Tatapusin natin ito ngayon!” giit ni Mikaella habang nakapamaywang.
“Hindi nga. Walang mag-oOT ngayon,” giit naman ni Alkein na tumayo na mula sa upuan at hinarap si Mikaella.
“Kailangang tapusin ito para maipasa na natin.”
“Kailangan nating umuwi ng maaga ngayon.”
“Gawin na natin para hindi na natin poproblemahin sa mga susunod na araw. Para kapag biglaang nanganak na si Mik-mik ay marami tayong oras,” pangangatwiran pa ni Mikaella. Napapailing na lang si Alkein dahil sa kakaibang mindset ng kasintahan.
Oo, isang buwan na rin silang magkasintahan. Hindi na rin ito umalis bilang secretary niya sa pagsang-ayon na rin ng mga magulang niya. Mas mabuti daw iyon at nang nababantayan siya. Pero kahit hindi siya nito bantayan, behave na siya. Isang babae na lang ang nagpapasaya at nagpapatibok ng puso niya, ang babaing gusto niyang makasama, mayakap, at mahalikan. At iyon ay si Mikaella Gonzales. Maari nga palang mangyari na sa isang babae na lang umikot ang buhay ng isang lalaki.
“Tama naman ako, ‘di ba?” hindi patatalong tanong nito.
“Oo na. Palagi naman kayong tamang mga babae,” kakamot-kamot sa ulong aniya. “Mag-text ka sa bahay na baka ma-late tayo ng konti.”
“Yep, boss.” Ngiting-ngiting anito sa kaniya. Isa na namang diskusyon ang naipanalo nito sa kaniya. Ayaw niya kasing pumayag na mag-OT ito at may dinner sa bahay nito ng seven pero ang katwiran may oras pa kaya tapusin na nila ang mga gagawin pa.
“Nanalo ka na. Baka naman pwedeng makapanalo na din ako,” nangingiting aniya sa sinamahan pa ng pagtaas-baba ng kilay.
“Anong panalo ka diyan?” kunwa’y irap nito sa kaniya.
“Heto!” wika niya tapos walang sabo-sabing hinila ito. Nakasandal ang bewang niya sa mesa. Sa paghila niya ay napayakap ito sa kaniya. Sinamantala niya ang gulat nito at ginawaran ng mabilis na halik sa labi.
“Alkein!” gulat na bulalas nito habang nakatingala sa kaniya, namumula ang magkabilang pisngi.
“Bakit ba?”
“Kung makahalik naman ito,” saway niya dito.
“Eh bakit ba?” may himig pagtatampong anito. “Kung ayaw mo ng halik, yakap na lang.”
Hindi na nakaangal si Mikaella ng yakapin siya nito ng mahigpit. Isang buwan pa lang silang magkasintahan ni Alkein pero simula nang pumunta ito sa bahay nila ay sinikap nitong ipakita at iparamdam na siya na lang ang babae para rito.
Ang goal niya noong una ay mapalapit rito para malaman kung nasaan ang kakambal niya pero hindi niya akalaing mahuhulog ang loob nila sa isa’t isa. Hindi niya akalaing mapagbabago niya ang puso ng lalaking iba ang tingin sa mga babae dati.
“Mahal na mahal kita, Mikaella Gonzales,” bulong ni Alkein sa punong-tenga niya. Dinig niya ang pagbuntonghininga nito, ang payapang paghinga nito. “Salamat sa pagdating mo sa buhay ko.”
“I love you, too, Alkein Saavedra,” anas niya at niyakap din ito nang mahigpit. Ilang segundo sila sa ganoong posisyon, tila pinakikinggan ang pintig ng puso ng isa’t isa bago siya nagdesisyong humiwalay dito. “So, work na?”
“Yes, my boss.”
Tinanguan nila ang isa’t isa at bumalik sa kani-kanilang trabaho. May ngiting tinapos nila ang mga kailangang gawin. Nang matapos ay sabay silang pumunta ng bahay.
Pagdating nina Mikaella at Alkein sa bahay ay punong-puno ng ilaw sa labas. May ayos ang hardin at ang bakuran. May mga nakalagay na mesa at silya para sa bisita. May mahabang mesa na puno ng masasarap na pagkain. Ngunit ang higit na nagpakabog sa dibdib ni Mikaella ay nang makita ang mga magulang niya, sina Misha, Micah at Lance katabi ang mga magulang ni Alkein at ang nag-iisang kapatid ni Alkein na si Aiza.
“Hon…” tawag niya kay Alkein. Walang tumugon kaya nilingon niya ito. Wala na ito sa tabi niya. Lumingon-lingon siya sa paligid. Wala sa loob niyang natutop ang bibig nan gang hilera ng pamilya niya at pamilya ni Alkein ay naglabas ng mga hugis pusong lobo at mga bulaklak.
“Babe…” Ang kaninang luha ni Mikaella ay nagsimula nang umagos nang makitang palapit si Alkein na may hawak na malaking boquet ng puting rosas. May hawak itong mic at buong pagmamahal na nakatinginsa kaniya. “I’m not perfect. Marami akong pagkakamaling nagawa sa buhay ko. Marami akong nasaktan before pero kahit ganoon tinanggap mo ako, ng pamilya mo. Wala mang kasiguruhan ang pagmamahal na iniaalok ko, you took the risk to love and accept me. Babe, my Mikaella Gonzales, you tame this heart to make it yours… Now are you willing to be my wife and hold this heart ‘till death do us part?”
Nanlalabo man ang mga mata gawa ng mga luha ay kitang-kita at dama niya ang labis na pagmamahal nito sa kaniya. Lumuhod ito sa harap niya at sabay na inilahad ang isang singsing. Kumikislap ang diyamante sa mga ilaw na nagmumula sa paligid. Nang ibalik niya sa mukha ng kasintahan ang tingin ay kita niya ang pag-aalala at takot doon nang hindi siya nagsasalita. “Batid kong masiyado pang maaga ito, babe, pero gusto ko—“
“Yes, Alkein, my love. I’m willing to be your wife!” bulalas niya at dinaluhong ng yakap ito.
Napuno ang paligid ng malakas na hiyawan at sigaw ng kagalakan. Hindi na alam ni Mikaella ang sumunod na nangyari maliban sa isuot ang singsing sa daliri niya, abutin niya ang bulaklak at muli siyang makulong sa malalakas nitong bisig.
Nakakatakot magmahal, but it’s always worth the risk. Kayang buuin ng pagmamahal ang pamilyang nagkahiwa-hiwalay at bigyan ng pagkakataon ang pusong akala ay hindi na matututong magmahal.
Sa gabing iyon, nagkatipon-tipon ang pamilya nina Mikaella at Alkein. Ngayon buo at masaya. Sampung buwan pagkaraan na magpropose si Alkein ay idinaos ang kasal nila ni Mikaella. Pinalipas nila ang taon bago nagpakasal. Buong akala ni Mikaella ay maaaring maglaho din ang pagmamahal na meron sila pero habang tumatagal ay tumitibay iyon.
Isang engrandeng kasal sa simbahan ang ginanap. Maid of honor ni Mikaella ang kakambal na si Mik-mik na seksing-seksi na para bang hindi galing sa panganganak. Best man ni Alkein ang best friend na si Lance na gaya niya ay natagpuan na din ang babaing nagpatino dito.
Tunay na ang pag-ibig ay makapangyarihan…
~~~~ THE END ~~~~