Alex's Pov
Seryoso lamang si Primo buong b'yahe papunta sa bahay nila hanggang makarating na kami roon. Paghinto na paghinto ng sasakyan n'ya sa may driveway ay sinubukan ko na kaagad alisin ang lock ng seatbelt.
I seriously know how to unbuckle seatbelts, I've been doing it for years. Hindi ko alam kung wala bang lakas ang kamay ko para maialis nang maayos ang pagkakalock ng seatbelt o natatanga na naman ba 'ko.
Primitivo looked at me and sighed after he realized my struggle. Parang timang na nginitian ko s'ya sandali saka ko itinuon ang aking atensyon sa muling pagsubok na alisin ang lock ng seatbelt.
Malalim itong bumuntong hininga. Halatang naiinis na s'ya sa 'kin kaya naman nagsimula na 'kong kabahan.
"Ako na nga," sabi nito. Kinalas n'ya ang sariling seatbelt sa katawan ng walang kahirap-hirap saka n'ya ko nilingon. He leaned closer to me a bit. Napahawak ako sa laylayan ng blouse na suot ko't wala sa sariling pinigilan ang aking paghinga.
I only fantasize seeing that handsome face of him this close and now that it's happening. Lord, I change my mind. P'wede n'yo na po pala akong kunin dahil natupad na ang life goal ko na makita si Primo nang ganito kalapit.
This is nerve-wrecking, underwear-dropping and super duper ultra mega heart attack! I cannot...
"Alex," he said my name in a humming way. Unti-unti akong napaangat nang tingin sa kaniya at sunod-sunod na napalunok nang maramdaman ko ang mainit at mabangong hiningang niyang tumatama sa 'king mukha dahil sa distansya naming dalawa.
He lean a little bit closer to me again. Nanlaki ang aking mata at sa labis na pagwawala ng aking puso ay parang nasira n'ya na ata ang aking ribcage.
How to calm? Kalma, Alex. Kunware dalagang Pilipina ka pero kung hahalikan ako rito ni Primo ayos na ayos lang naman. 21st century na at hindi masama kung makikipaghalikan ako sa asawa ko— sige na nga mapapangasawa na lang.
"Ignorance can be educated, crazy can be medicated but there's no cure for stupidity." Lumayo na s'ya sa 'kin para buksan ang pinto ng kotse sa may side n'ya at lumabas.
He glances at me again after he stepped outside of his car. Napangiwi na lamang ako sa labis na kaseryosohan ng mukha n'ya. Daig n'ya pa ang palaging high blood at baklang principal sa dati kong school kung magmaldito s'ya.
Porket hindi lang natanggal 'yong seatbelt tanga agad? Ang harsh mo future husband pasalamat ka't mehel kete!
"Naawa ako para sa mga braincells mo," anito.
"Huh?"
"Mamatay kasi silang hindi mo nagagamit," dagdag n'ya at tuluyan nang sinarado ang pinto ng sasakyan. Leaving me inside of his car, he walks inside their house like a ramp model.
Tsaka na lang ako magagalit sa kaniya. Ang gwapo n'ya kasing tingnan ngayon.
"Maligo ka na tapos susunod na lang ako sa 'yo sa kwarto mo," anas ni Primo. Natigil ako sa gagawin kong pag-akyat sa hagdan para makapunta sa kwarto. He is just standing casually in the foyer with a glass of cold water in his hand when I turned at him.
Napalunok ako at nagsimula nang mamuo ang malalamig na pawis sa buo kong katawan.
"Bakit ganiyan ka makatingin?" he commented. I licked my lower lip and look at him nervously. Hindi ko na maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon.
Oo nga't gusto ko si Primo pero kasi hindi pa 'ko handang ipaubaya sa kaniya ang sarili ko. Wala pa nga kaming isang linggo na magkakilala at wala rin kaming relasyon.
Labag sa batas ng Diyos ang gusto niyang gawin sa 'kin.
"Primo kasi...a-ano kasi...g-gusto naman talaga kita dati pa pero k-kasi h-hindi pa 'ko ready. Bata pa 'ko," garalgal ang boses at halos pautal-utal na sinabi ko sa kaniya.
Silent between the two of us stretched that I started to hear cricket's sound inside of my head.
Napawi ang pagkakakunot ng noo ni Primo at maya-maya pa'y bigla na lamang itong humagalpak ng tawa. Ako naman ang kinunutan ng noo at naguguluhang pinanuod 'to habang mamatay-matay pa rin s'ya sa kakatawa.
"So, you like me? That's pretty expected," mayabang na turan nito. Diretso niyang sinalubong ang mga mata ko kaya naman awtomatik na nagkagulo-gulo ang mga braincells ko't hindi ko na alam kung paano ko babawiin ang sinabi kong 'yon sa kaniya.
Pinasadahan n'ya nang tingin ang buong katawan ko. Maagap akong napatakip sa 'king dibdib at pinandilatan s'ya.
"Alex, sa mata ko para ka lang isang kindergarten student mula sa pagkilos mo hanggang pag-iisip at pangangatawan. I won't even fantasize of kissing you so purge that foul idea in your mind. Minsan mo na lang nga gamitin 'yang utak mo sa kahalayan pa."
I am speechless. Ibinuka ko ang aking bibig sa kagustuhang depensahan ang sarili ko mula sa mga salitang ibinato n'ya sa 'kin pero parang napipi ata ako.
Namumula ang aking pisnge at nag-iinit na rin ang aking buong katawan dahil sa pagkapahiyang naramdaman. Mariin akong pumikit at tinalikuran na 'to ng wala nang sinabi pang kahit na ano sa kaniya. Ang tanging nagawa ko na lamang ay tumakbo paakyat para iligtas ang aking sarili sa labis na pagkakapahiya.
"Katawan na pang-kindergarten student? Excuse me lang Primitivo ah hindi mo ba alam kung ano ang depinisyon ng sexy? Kaonting diet ko nga lang at p'wede na 'kong maging victoria's secret model," I murmured while combing my hair and staring at my reflection as I check out my body.
Oo't hindi nga gano'n kalaki ang dibdib ko pero sobra-sobra naman 'yong sinabi n'ya. Anong gusto niya 'yong mala-pakwan ang laki na dibdib?
"Ah pakwang dede!" I shut my eyes and quickly covered my mouth at my embarrassment. Dali-dali akong tumayo mula sa may dresser at lumapit sa may pinto para buksan 'yon. Primo in his casual and more comfortable sweat shorts and shirt walked inside my room with a first aid kit on his hand.
"Ano na namang gagawin mo rito? Susungitan mo na naman ako?" pataray na tanong ko sa kaniya. Hinila n'ya ang kahoy na upuan mula sa may study table at nilapit 'yon sa may kama saka pa lamang n'ya ko tiningnan muli.
"Depende kung magpapakatanga ka na naman. Maupo ka na rito." Umayos na s'ya nang upo. Ipinatong n'ya ang first aid kit sa ibabaw ng kama at muli akong pinagmasdan. "Bilisan mo at may gagawin pa 'kong medical report," dagdag nito.
Excitement at the thought that he'll clean my wounds because he's somehow worried of me and he do carez for me took in control and it washed of my annoyance of him.
Dali-dali akong lumapit sa kaniya at naupo na sa may gilid ng kama.
Primitivo looks frigid and dangerous all the time but for unknown reason, the tenderness of his grasp on my arm and the way he damp a cotton balls with an ointment on in my scratches and wounds tells me why he's gonna be a Doctor.
"Ano nga pa lang nangyari sa pagpunta mo ng SMA?" Bigla niyang tinanong. He look up to me and stops treating my wound for a moment as he waited for me to answer his question.
Binawi ko sa kaniya ang aking braso at nahihiyang napayuko na lamang ako.
"I didn't make it. Kinabahan kasi ako kanina noong kinukuhaan na nila ako ng shot para sa profile ko na ipapakita nila kay Ms. Stormie. I runaway... maybe everyone is right that I really am just a pretty face and I can't do anything right." Tipid na ngumisi ako sa kaniya nang muli ko itong tiningnan.
"Salamat sa paggamot ng sugat ko pero ayos na baka naabala na kita ako na lang ang tatapos nito," presinta ko at kinuha na sa kaniya ang bulak na ibinigay n'ya rin naman kaagad sa 'kin.
In the corner of my eyes. I saw him stood up from the chair. Umakto akong abala pa rin sa paglilinis ng aking sugat at pinigil ang sarili kong lingonin s'ya.
"Gusto mo bang bumalik ng SMA? Wala naman akong duty sa hospital bukas... p'wede kitang samahan," he said and left the room completely. Hindi ko alam kung namali ba 'ko nang rinig o kung nag-iimagine ba 'ko.
Totoo ba 'yon? Sinabi ba talaga ni Primo 'yon? Tumingin ako sa may pintong pinaglabasan ni Primo at nang matiyak na nakaalis na nga s'ya ay dali-dali akong dumapa sa may kama at doon nagsisigaw dahil sa labis na kilig na nararamdaman.