Alexandrite's Pov
Bagsak balikat na bumalik ako sa may waiting shed at naupo pagkatapos kong luminga-linga sa kalsada sa pagbabaka sakaling makikita ko na ang sasakyan ni Primo.
Tatlong oras na 'kong naghihintay dito simula nang umalis ako sa SMA at tumawag s'ya sa 'kin. Hindi pa 'ko kumakain. Pagod na rin ako at mukhang nalanghap ko na't naikulong sa 'king baga ang kalahati ng polusyong mayroon sa hangin ng Metro Manila.
Inilabas ko ang aking cellphone at muling sinubukang tawagan ang numero na ginamit niyang pantawag sa 'kin kanina pero cannot be reach pa rin 'yon.
Madalas willing to wait naman ako kay Primo. Simula nang makita ko ang picture n'ya dati sa i********: noong grade 7 pa lang ako'y naging crush na crush ko na s'ya hanggang ngayon kaya lang pagkatapos ng nakakahiyang eksena ko sa may SMA kanina parang wala ako sa mood na hintayin s'ya.
I inhale and sighed heavily afterwards.
Pilit akong ngumiti at kinumbinsi ang aking sarili na baka mayroon pang mas importanteng ginagawa si Primo sa hospital kaya wala pa s'ya.
Tumingin ako sa 'king orasan. Alas-kwatro na ng hapon, ang tyan ko'y nagpoprotesta na rin sa 'kin dahil sa gutom at mukhang mayroon nang plano ang aking large intestine na kaininin ang aking small intestine.
Inayos ko ang pagkakasukbit ng sling bag sa 'king balikat at tuluyan nang tumayo sa bench na nasa lilim ng waiting shed.
Dire-diretso lang ang lakad ko at medyo malayo-layo na rin ako sa may waiting shed na tatlong oras kong pinaghintayan kay Primo nang maalala ko bigla na hindi ko alam kung ano ang mga dapat kong sakyan pabalik sa bahay.
Shit naman talaga Alexandrite Mersiles! Ang dami-dami mong p'wedeng kalimutan bakit 'yong pagtatanong pa kay Tita Nerie para sa direksyon pabalik ng bahay nila at kung ano-ano ang mga dapat kong sakyan?
Isa kang dakilang kulang sa braincells!
Ilang minuto pa ng wala sa sariling paglalakad at walang katiyakan kung saang direksyon ba 'ko pupunta'y naramdaman kong may sumabay sa 'king maglakad. Noong una'y ayos lang naman ngunit nang akbayan n'ya na 'ko ay binalot na 'ko ng matinding takot.
Fear washed over me that all I can do is freeze and stand frigidly on the sidewalk right after I felt a sharp object poking my waist.
"Holdap 'to, akin na ang mga gamit mo!" nangilid ang mga luha ko. Nang tumakas ang mumunting hikbi mula sa 'king labi ay naalarma ang lalaking mukhang sanggano.
Mas lalo niyang idiniin sa may tagiliran ko ang patilim na kaniyang hawak para patigilin ako sa pag-iyak. Even if my tears wants to flow out of my eyes badly, I tried my best to stop it.
"Akin na!" angil nitong muli sa 'kin. Para akong nasa ilalim ng hipnotismo n'ya o kung hindi naman ay nakokontrol ako ng takot na baka patayin n'ya ko kapag hindi ko pa ginawa ang gusto n'ya.
Hindi ko na sinubukan pang manlaban. Dahil una sa lahat triple na mas malakas s'ya sa 'kin kung titignan at mayroon siyang patalim.
"I-ito na p-po... H'wag n-n'yo po akong sasaktan please." Muling bumagsak ang aking mga luha. "Hindi po ako magsusumbong sa pulis, h'wag n'yo lang akong saktan." I mumbled as I handed him my bag that he took quickly from me. Nang makuha na ang pakay ay malakas na tinulak n'ya 'ko palayo sa kaniya kung kaya't nawalan ako ng balanse at natumba sa may gilid ng kalsada.
Ilang mga tao ang lumapit sa 'kin para alalayan akong tumayo. "I-iyong lalaki po, hinoldap n'ya po ako!" humagulhol na sumbong ko sa matandang babaeng umalalay sa 'kin at pinaupo ako sa gilid ng kalsada.
Ang dalawang lalaking kasama ng matanda na sa wari ko'y anak niya ay mabilis na tumawag ng pulis para ipaalam ang nangyari.
"G-gusto ko na pong umuwi. L-lolo! Gusto ko na pong umuwi sa Lolo ko!" umiiyak na anas ko. Ilang mga katanungan ang ibinigay nila sa 'kin ngunit dahil sa wala pa 'ko halos sa 'king sarili ay wala akong maintindihan sa mga 'yon.
I cried here like a lost child, wounded and helpless. Tinakpan ko ang aking mukha at nagpatuloy sa 'king pagtangis hanggang sa marinig ko ang pamilyar na boses.
"Alex? Anong nangyari?" The usual cold and uninterested Primo look at me worriedly. Napatayo ako mula sa 'kimg kinauupuan at mas lalo lamang napaiyak.
Kasalan n'ya 'to! Kung dumating siya ng mas maaga edi sana hindi ako naghintay ng matagal sa waiting shed. Baka hindi rin ako naholdap.
"Girlfriend mo ba s'ya hijo? Hinoldap s'ya kani-kanina lang. Hindi namin siya makausap nang maayos. Mukhang natrauma ata talaga ang nobya mo," anas ng matanda kay Primo.
Kung normal lang ang sitwasyon at narinig ko ang sinabi ng matandang yon malamang ay naglumpasay na 'ko sa kilig.
Primo walk towards me. His eyes quickly catch a glimpse on my wounded arms and elbow.
Marahan niyang hinawakan ang magkabila kong braso para inspeksyunin 'yon at nang makita niyang gasgas lang naman ang mga 'yon at mababaw ay tsaka niya pa lamang iniakyat sa 'king mukha ang kaniyang pagtingin.
"I waited for you for three hours! Bakit ang tagal-tagal mo? Kasalanan mo 'to, kung dumating ka sana agad edi sana hindi nangyari sa 'kin 'to!" I shouted angrily and hit his chest simultaneously.
I know that my anger to him doesn't make any sense at all. Sigurado naman ako na hindi n'ya ginusto 'yong nangyari kaya wala rin akong karapatan na sisihin siya ng gan'to kaya lang hindi ko talaga maiwasan.
Primo catch my left hand that tried to hit him again. Natigilan ako at napatingin sa kaniya. Halos sumabog ang kung anong pakiramdam sa 'king tiyan nang bigla niya na lamang akong hinila palapit sa kaniya.
His huge hand feels rough on the small of my back, his other hand is rested on my waist.
Parang magic na tinunaw ng yakap niya ang lahat ng takot at pangamba na bumabalot sa 'kin. His hand trailed my back until it reach my hair that he rakes carefully.
Naramdaman ko ang paghalik n'ya sa 'king ulo at sa kabila ng mga kapalpakan at kamalasang nangyari sa 'kin ngayong araw ay nagkaroon ako ng dahilan para maging masaya kahit na papaano.
"Takot na takot ako, Primo. Akala ko mamatay na 'ko, akala ko papatayin n'ya 'ko," I whispered. He hushed me down as his hand continued caressing my hair.
Ang bango-bango n'ya.
"I'm sorry. If only I know that such things would have happen, I'll come earlier. May emergency lang sa hospital at hindi kaagad ako makaalis, hindi na 'to mauulit. I'm sorry," sabi n'ya saka humiwalay sa 'kin para tignan ako sa mukha.
I look up to him and nodded. Muli ko siyang niyakap.
"Malapit na raw sina Mama," sabi sa 'kin ni Primo pagkatapos niyang iabot sa 'kin ang isang bottled water. Nakabukas na 'yon at iinumin ko na lamang.
I nodded at him. Ilang mga police ang nakita kong pumasok sa may pinto ng istasyon bago ko nakita ang pagdating nina Tita Nerie kasama si Tito Benedict at si Khalil
She hugged me tight that it almost took my breathe away. "Ayos ka lang ba? Hindi ka ba n'ya nasaktan? Gusto mo bang dalhin kita sa hospital?" Sunod-sunod na tanong nito sa 'kin. Iniling ko ang aking ulo at matipid siyang nginitian.
Mababaw lang naman ang mga sugat ko kung kaya't hindi na kailangan pa na dalhin ako sa hospital.
"Dapat pala hinintay na lang kita sa SMA kanina, Alex." Tita Nerie said, she sound disappointed to herself. Kinuha ko ang magkabila niyang kamay at marahan 'yong pinisil.
I smiled at her again, this time it's more genuine.
"Hindi n'yo po 'yon kasalanan." Muli niya 'kong hinagkan at inalo. My own mother died when she gave birth to me but now that I have Tita Nerie by my side it feels like I have a new mother.
"Nakapagbigay na ng statement si Alex sa mga pulis kanina, Ma. Kung may kailangan pa sila baka p'wedeng kayo na lang ang umasikaso. Iuuwi ko na si Alex sa bahay para makapagpahinga," biglang singit ni Primo sa mother-in-law and daughter-in-law moment namin ng Mama n'ya.
Tita Nerie narrowed her eyes on him as if she's giving him a warning.
"Sige," muling nagliwanag ang mukha ni Tita Nerie. "Mauna na kayo sa bahay pagpahingahin mo na si Alex, alagaan mo 'yan ah tas kapag p'wede na..."
"Ehem apo namin ehem," she added that Primo just tsked on before he heads out of the police station.
Si Tita Nerie nemen pereng tenge!