Chapter 3

1420 Words
Alexandrite's Pov "Thank you po," saad ko kay Tita Nerie habang inaalis ang seatbelt sa 'king katawan. Malapad ang kurba ng kaniyang labi nang tumango ito sa 'kin. Wala na rin naman siyang kahit na anong sinabi kung kaya't dire-diretso na 'kong lumabas sa kotse niya. I couldn't hide my grin anymore as my eyes scanned the lofty and pompous building of the country's biggest and renowned modelling and entertainment company-Storm Modelling Agency named after the CEO and a former supermodel herself, Stormie Gabriel Aragon-Dela Vin. Bata pa lang ako mahilig na 'kong tumapat sa mga malalaking salamin at gumawa ng iba't ibang pose. I guess, modelling is my wildest dream and I can't believe that I'm few steps away from it. "Good morning po, Manong Guard. Itatanong ko lang sana kung saan po 'yong office ni Ms. Alissa." The old man's scrutinizing eyes and the way it checked me from head to toe feels like he's melting all the audaciousness that I brought here with me. Wala sa sariling napalunok ako at naiilang na nginitian ito. May mali ba sa 'kin? Nakakaloka naman ang mga tinginan na ito ni Manong para bang may malaki akong atraso sa kaniya. Pagkatapos ng ilang segundo ay ngumiti ito sa 'kin at mabilis ko namang ibinalik 'yon sa kaniya. He gestured me the elevator that's just few steps away from where we were standing. "Sumakay ka sa elevator na 'yan at pindutin mo ang 5th floor. Naroon ang opisina ni Ma'am Alissa," anito. I nodded my head and bow at him slightly before I stride to the elevator with mixed emotion. Para akong pinagpapawisan ng malamig at halos nanginginig ang aking hintuturo nang pindutin ko ang buton papunta sa nasabing palapag kung nasaan ang opisina ni Miss Allisa. Ang elevator na sinasakyan ko ngayon ay gawa sa uri ng isang one-sided glass. Kapag nasa labas ka ay hindi mo makikita ang nasa loob ng elevator samantalang kapag nasa loob ka naman ng elevator ay makikita mo ang nasa labas. Ang cool! While my eyes is still feasting with the sophisticated design of the elevator where I was. It opened on the third floor. Sumayad kaagad ang aking panga sa sahig at parang alimangong naglakad ako papunta sa sulok ng elevator nang makapasok ang dalawang pamilyar na lalaki at babae. "H'wag mo na lang kasing pansinin si Benson kaya ka n'ya lalong iniinis kasi pikon ka," malamig na turan ni Nicholai, ang panganay na anak ni Mr. Aerom Dela Vin. Nicholai is years older than me while Astrid is about my age. The Dela Vin's princess and SMA's brat as everyone in the fashion industry labeled her is rocking the modelling world as of the moment. Gusto ko pa man magtagal sa loob ng elevator na 'to at pasikreto silang panuorin na magkapatid wala na 'kong nagawa pa 'kung hindi ang tahimik na lang na lumabas nang bumukas na ang elevator sa tamang palapag kung saan ako dapat na baba. Bago pa tuluyang sumara ang elevator, nakita ko ang tipid na pagngiti sa 'kin ni Nicholai at Astrid. My heart pounded rapidly, my inner fangirl feels took over me. Nakalimutan ko na kung nasaan ako at basta-bastang nagtatalon na lang sa tuwa habang pilit na itinatago ang aking pagtili sa 'king kaloob-looban. Don't touch me, I'm special! The great Nicholai Sadler and Astrid Dela Vin smiled at me. P'wede na 'kong mamatay. Wait, hindi pa pala kasi kapag namatay ako ngayon kawawa naman si Primo hindi pa nga kami naikakasal mababalo na agad s'ya. Someone cleared her throat from behind. My body froze and I badly want to slap myself for plunging like a mad woman in this place full of sophisticated and elegant people. Nakakahiya ka, Alex! Dahan-dahan ko itong nilingon matapos kong tumayo nang matuwid. "You must be Alexandrite Mersiles, nacheck ko na ang profile mo pero wala ka pang project o miski modelling gig na nasalihan," anito sa strikto at pormal na tono. I gulped simultaneously and nodded at her anxiously in respond for that rhetorical question of hers. "Hmm." Marahan ang naging paghakbang n'ya palapit sa 'kin. Mapanuri ang singkit nitong mata. Her thin lips were pursed into thin and intimidating straight line. Bakit parang nakakatakot at strikto ang lahat ng tao sa building na 'to? Parang gusto ko na lang umuwi. May pag-iingat na hinawakan nito ang aking kanang kamay saka n'ya 'yon iniangat sa ere. "Turn around, please." She commanded. Sinunod ko 'yon kaagad. Mabilis akong umikot kahit na hindi ko alam kung bakit n'ya 'yon ipinagagawa sa 'kin. Pag harap ko rito, nakangiwi na s'ya at parang nagtitimpi na lang kung kaya't napatungo ako. Sooner or later, I know that she'll kick me out of here. "Turn around slowly, Alex, slow and elegant," anas n'ya. Itinaas nito ang aking baba para magpantay ang mga mata namin. She's now sporting a smile with her that is giving me comfort and confidence. "Do you know who she is?" nakangiti pa rin na tanong nito sa 'kin habang itinuturo n'ya ang portrait ni Astrid na nakasabit sa dingding. I gape at her and nodded excitedly. "What can you say about her?" I stare back at the portrait and look at it earnestly before my eyes landed back on Miss Alissa who's waiting patiently for my answer. "She's beautiful and confident of herself." Ngumiti ako sa kaniya. Tumango ito sa 'kin bilang pagsang-ayon. Muli kong natagpuan ang aking matang hinahangaan ang high-fashioned portrait ni Astrid. High-fashioned photoshoot is less appealing for someone's eyes if they know nothing aboutbfashion. Madalas kasi kapag high-fashioned photoshoot ang weird ng ayos ng buhok, ng make up at miski damit ng model, but that weirdness still makes them glorious. "Audiciousness is the key for you to success in this business, being beautiful won't be enough. Beautiful girls like Astrid, me and you has our own insecurities too, insecurities that we need to overcome. Kasi hangga't may insecurities ka sa katawan, hangga't hindi ka naniniwala na maganda ka, hindi ka magiging maganda sa paningin ng ibang tao." "A fine and beautiful dresses makes any girl pleasing, make up enhances anyone's beauty but confidence makes us aesthetic." She grab my hand and lead me somewhere on the left swing of the fifth floor. Bahagya n'ya 'kong nilingon habang hinihila n'ya pa rin ako papunta sa kung saan hanggang pumasok kami sa isang studio. "Freen, can you please take a shot of her? Ipapakita ko mamaya kay Storm, wala pa kasing profile si Alex," aniya pagkapasok na pagkapasok namin sa studio na 'yon. Binitawan nito ang kamay ko saka s'ya lumapit sa nag-iisang babaeng may hawak ng DSLR. Sandali pa silang nag-usap na dalawa na hindi ko naman naririnig at naiintindihan bago nila ako nilingon. May kung ano pang pahabol na sinabi si Miss Alissa kay Miss Freen bago nila 'ko pinapunta sa gitna para kuhaan na ng mga shot. My mind went blank as soon as I saw the flashing of Ms. Freen's DSLR. Nabato ako sa 'king kinatatayuan at kahit na binibigyan nila 'ko ng mga instruction na magagamit ko para sa mga pose ay hindi ko 'yon magawa. Bead of cold sweats formed in my forehead. I don't think I can do this, hindi pala gano'n kadali ang pagmomodel. Parang ayaw ko na 'tong gawin! "Alex." Nag-aalalang tawag nila sa 'king dalawa. I bit my lower lip to caged my sobs as my tears flow down. Maagap nila 'kong nilapitan na dalawa dahil sa nangyari. "Sorry po, s-sorry po talaga. Kinakabahan talaga ako. Hindi ko po ata kayang gawin 'to," bulong ko sa kanila at patakbong lumabas ng studio, sa labis na pagmamadali ko'y may nakabangaan pa akong kung sino na hindi ko na inalam. Basta nag-sorry na lang ako sa kaniya at nagpatuloy na sa paglakad pabalik ng elevator para makaalis na 'ko rito. I seriously sucked at everything. Hindi na 'ko matalino, hindi rin ako marunong magluto ta's ngayon pati ang pagmomodel na gustong-gusto kong gawin simula pagkabata ay hindi ko rin pala kaya. Ang inutil mo, Alex. Walang kagana-ganang kinuha ko ang aking cellphone sa loob ng sling bag na suot ko matapos nitong tumunog. Hindi na 'ko nag-abala pang icheck ang caller's id at dire-diretso na lang 'yong sinagot sa pag-aakalang si Lolo ang tumatawag. "Susunduin kita mamaya pagkatapos ng duty ko rito sa hospital." Maikli at mabilis na sinabi nito. Bago ko pa man matanong kung sino s'ya ay natapos na ang tawag. Duty sa hospital, pagkatapos ng duty n'ya sa hospital... s-si Primo ba 'yon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD