Chapter 1
Timothy's POV
"Pano mo ako nagawang lokohin Ian!"
"Sorry, alam ko nagkamali ako. Pero maniwala ka, hindi ko ginusto lahat ng ito"
"Hindi ginusto? Ian, nakita kita. Nakita ko kayong dalawa na naghahalikan ni Nicole sa loob ng bakanteng room"
"Zia, please let me explain"
"Binigay ko ng buong buo sayo ang tiwala ko Ian. Minahal kita ng totoo!"
"Pa-" hindi ko na naituloy ang kasunod na linya dahil nakakinig ako ng palakpak.
-
"Papa, kanina ka pa po ba jan?" tanong ko kay papa na kanina pang nakasandal sa pinto ng kusina at malapad ang ngiti.
"ituloy mo anak, ang galing mo talagang umarte"
kinamot ko ang ulo ko bago sumagot "nahihiya na po ako tatay" kinuha ko ang remote para patayin ang TV pero nakuha yon ni Papa sa kamay ko.
"Teka teka, palabas nanaman to ni Kat- baga yon?"
"Papa, Thalia, Kathalia Lamara Skyl" kinuha ko ang remote at saka bumaling sa TV. "Bye, Thalia ko. Babalik ako"
"ligawan mo kaya yan anak"
"Pa, impossible. Artista yan, gwapo lang ako" saka mayabang na inayos ang buhok.
"Mag-artista ka kaya anak, tapos ligawan mo yan si Aly. Bagay na bagay kayo"
"Papa naman e"
"Aba, ay nagsasabi lang ako ng totoo. Napaka gwapo kaya ng anak ko. O, ito anak. Search for the next biggest star. Mag-audition tayo. Sasamahan kita"
"e pa, panigurado naman po na madaming mag-ta try jan at isa pa hindi naman po ako magaling"
"Sinong nagsabi! susuntukin ko! Anak, magaling ka. Mahusay ka, at isa pa naniniwala ako sa kakayanan mo anak"
"nakakailang audition na po tayo e, pero wala naman pong nangyayari"
"Try ulit natin. Malay mo ito na ang matagal na natin iniintay"
Napa-isip ako sa sinabi ni Papa. Wala rin naman masama kung susubok ulit ako.
"Sige po"
"Ayan ang gusto ko sayo, hindi sumusuko. O siya kumain na tayo. Gigisingin ko lang nanay mo"
Nauna akong pumunta sa kusina para asikasuhin ang pagkain.
Kathalia Lamara Skylar Gutierrez. Wait for me, I will do my best to enter your world.