Chapter 2

881 Words
"Introduce yourself" "Hi, ako nga pala si Xavier Timothy Santos, 20. Ang inyong biggest star this year" "Sige, harap sa kanan.. Sa kaliwa.. Smile" sinunod ko lahat ng sinabi ng talent manager. "Ok, good visuals. Ang gwapo mo sa camera iho lalo na sa personal. Sige harap na" humarap ako sa kanila at binigyan sila ng matamis na ngiti. Sa gilid ko naman ay nandoon si Papa na tuwang tuwa. Nagsimula na kami, pinakanta, sayaw at kung ano ano pa. "Sige iho, water break. Last two na lang tayo" "oh ito towel. Pawis na pawis ka na anak" "salamat po papa" kinuha ko ang towel at saka mabilis na pinunasan ang mukha at likod ko. Sunod naman na inabot ni papa ang tubig. "Sige inom ka lang. Oh after nan powder ha, para fresh pa rin sa camera" naupo ako sa tabi ni Papa for 5 minutes habang may nasa stage na nag-aaudition din. "Nako, mas magaling ka jan anak. Tamo yon nakakunot yun isang talent manager" sinundan ko ng tangin ang talent manager na sinasabi sa akin ni papa. Hinihimas na niya ang kanyang noo. "CUT!" hindi na niya napigilan ang sarili niya. "Salamat iho. You may go" "Sir, magpapapasok na po ba ako ng bago" tanong ng staff. "No, please" senyas niya sa staff. "Myghad. Nakakaloka yon" Kasunod nun ay tawanan na ng mga talent manager. Seryoso lang akong makatingin sa kanila ng bigla akong tawagin. "Timothy anak. Resume na tayo please" "Goodluck anak. kayang kaya mo yan" tapik ni papa sa balikat ko bago ako tuluyan tumayo. "Ok. Bigyan mo kami ngayon ng Drama" Iniready ko ang sarili ko at mabilis na nag-isip ng sasabihin. "ACTION!" Dahan dahan akong tumingin sa camera. "Zia, mahal ko. Please wag naman ganito oh. Mahal na mahal kita. Wag mo naman akong iwanan o, ang dami pa natin pangarap diba? Please" inalala ko ang palabas ni Ramona, ang scene na ito ay nasa ICU siya.. "Teka.. Nurse nurse.. Ziaaaa, an- anong nangyayari--. Hin-Hindi pwede to" mabilis na tumulo ang luha ko. "Cut!" sabi ng talent manager. mabilis akong tumayo sa pagkakaluhod ko. "Bilis mo mag project ah! Nice, galing nadala kami" "Hm, ok last bigyan mo naman kami ng natatakot" hamon ng isang talent manager. "Pwede ko po bang makasama si papa dito sa stage?" "Sige lang" Agad akong lumapit kay papa at inalalayan siya paakyat habang sinasabi ko kung anong scene ang nasa isip ko. "Papa. tanda niyo po ba yun palabas kung saan po sumikat si Ramona?" "Ah oo anak, dun mo siya unang nagustuhan" "Papa naman e" "Haha, o siya sige anak. Saulo ko na yon naka-10 ka atang panood nun" "Ready?" tanong ng talent manager. "Yes po" mabilis akong tumakbo sa dulo at saka umupo patalikod kay papa. "ACTION!" "pst" luminga linga ako na kunwari ay walang nakikita. "Sino ka?" may kaba sa akin boses "pst. Timothy" Lumunok ako at saka nagtapang tapangan "Hi-hindi ako na-natatakot" Madiin kong ipinikit ang mata ko at saka tinakpan ang tenga. "Hindi mo ako matatakasan Yna" "Hindi ka totoo" "Totoo ako Yna" "Ano bang gusto mo" "Simple lang ang pag bayadan mo ang lahat! Namatay ako dahil sayo!" "Aksidente lahat ng yon Cara" Patuloy ang paghinga ko ng malalim dahil ramdam ko ang presensya niya. "1...2...3" dahan dahan akong humarap sa likod.. "Ahh" sigaw ko kasabay ng pagtumba ko at pag hawak sa tenga. "CUT! CUT!" "thank you po" pag papasalamat ko sa talent manager. "magaling, pero pansin ko mga palabas ni Kath ang pinoportrait mo" "Ay mga ma'am kung hindi niyo po maitatanong, bata pa lang po itong si Timothy ay gusto gusto niya na po si Thalia" pagbubuking sa akin ni papa. "papa" suway ko sabay ngiti sa mga talent manager. "Oh, I see. Pagka gandang bata rin naman ni Kath" "Timothy anak, maraming salamat sa pinakita mong talento. Mahusay ka" "Salamat po" "Tatawagan ka na lang namin iho" "Maraming salamat po sa inyo, hihintayin po namin ang pagtawag niyo. Tara na anak" "Kuya guard. Makikisabi po na tapos na ang aming screening..." Hindi ko na nakinig ang sumunod na sinabi ng talent manager dahil nag off mic na silang lahat. Patuloy kaming naglalakad ni Papa palabas ng studio. "Pa. Sa tingin mo po makukuha nila ako?" wala sa sarili kong tanong. "Oo naman anak. Ang galing mo kaya kanina don" "Para naman pong hindi sila nakuntento" "Anak, ayan ka nanaman e. Kain muna tayo?" "Wag na po papa. wala na po tayong pera" "Ano ka ba, meron. Sumahod na kaya ako" isang guard si Papa sa isang sikat na mall. Si mama naman ay call center agent. Saktong sakto lang ang kinikita nila pambayad sa bills at tuition ko sa school, graduating na rin naman ako. "Sige na nga po" tumawa lang si Papa at saka pumara ng tricycle papunta sa Mang Inasal. Pag dating namin ay pinaupo ko na lang si papa at ako na lang ang nag-order. After 10 mins of waiting ay naserve na rin ang aming pagkain. "O anak dating gawi ha" Tuwing may audition na nagaganap ay laging si papa ang kasama ko, pero may mga times na si mama. Basta after audition ay laging sa Inasal ang deretso namin, nagpaparamihan kami ng makakain ni papa, tapos lakad na hanggang sa makauwi ng bahay..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD