Chapter 3

1390 Words
Lumipas na ang ilang araw, pero wala pa rin akong natatanggap na tawag mula sa talent manager. Siguro ay masyado talaga akong assuming na magiging artista ako at sisikat. "bakit nakabusangot ang mukha ng aming unico hijo?" tanong ni Mama habang nagtatanggal ng sapatos. kakatapos lang din kasi ng shift niya. "Hindi po ba ako magaling mama?" "About ba yan sa audition mo?" tanong ni mama pabalik sa akin. Malungkot akong tumingin kay mama at dahan dahan tumango. Napangiti naman siya at tumabi sa akin. "Anak, sa buhay hindi lahat aayon sa panahong gusto mo. Magaling ka, siguro ay hindi pa ngayon yun kagustuhan mo, pero magtiwala ka, mas alam ng nasa taas kung anong mas maganda para sayo. tiwala lang". "Opo mama" Niyapos ako ni mama, bago siya pumasok sa kwarto nila upang magpalit ng damit. Walang pasok sa school ngayon kaya mas pinili ko na lang mahiga ngayong tanghali, dahil tapos na din naman ako sa trabahong bahay. "Timothy anak" nagising na lamang ako sa boses na tumatawag sa akin at inaalog ako. Pagkamulat ng mata ko ay sumalubong ang masayang mukha ni Mama at papa. Agad kong kinusot ang mata ko at umupo. Pag tingin ko sa orasan ay 2pm na pala. "Anak, pasok ka sa screening! Isa ka sa napili nila sa audition!" "ok po" dahil sa inaantok pa ako ay hindi masyadong nag sink in sa isip ko ang lahat. Saka ko lang narealize ng makahiga na ulit ako. "YES!" malakas na sigaw ko at dali daling bumangon at nagtatalon, nagka tinginan naman si mama at papa. "MAMA, PAPA COME HERE" nagyapusan kaming tatlo at masayang tumalon talon. "Ay teka lang" unang kumalas si mama. Pinagsabihan lang ako ni mama na kahit daw maging artista ako ay kailangan ko pa daw ituloy ang pag-aaral ko. "anak, sabi ng talent manager kailangan mo daw pumunta ngayon sa lugar na to" pinakita ni Papa ang text ng manager. Sa isang fancy restaurant ang napili niya. "heto anak, dalian mo na mag-ayos" inabutan ako ni mama ng pera. "mama, ang laki naman po nito" "Inipon talaga namin yan ni papa anak para sayo. Para sa ganitong pagkakataon. Kung may kailangan ka man para sa iyong pag-aartista bilhin mo" Muli ay napayakap ako sa kanilang dalawa. Balang araw ay masusuklian ko rin lahat ng paghihirap nila. "Sige na anak mag-ayos ka na. Ang baho mo na" Saktong oras ako dumating dito sa restaurant na sinabi nila. Pero 30mins na ang nakalilipas ay wala pa rin dumadating nq talent manager. "Sorry, can I sit here?" boses ng isang babae. Sumagot na lamang ako ng hindi nakatingin sa kanya. Napansin ko kasi na medyo nganga na ang aking sapatos. "Ka-kath?" laking gulat ko ng makitang si Kath ang nasa harapan ko. "So-sorry li-lipat na lang a-ako" "Bakit? Ayaw mo ba akong kasama sa table?" nginitian niya ako ng matamis saka sumenyas. "Oh my gosh! this is so perfect" palakpak ng lalaking talent manager. Yes. Talent manager siya, dahil siya mismo ang nakita ko sa audition. "Timothy dear. Ang lakas ng epekto sayo ni Thalia. Nauutal utal pa. Thalia anak, umisod ka muna patabi" "Hi Xavier, I'm Kathalia Lamara Sky. You can call me anything you like, but I prefer baby. Char" ini-extend ni Kathalia ang kamay niya. "Xavier T-timothy" inabot ko ang kamay niya. Super lambot at ang puti niya sobra.. "Earth to Timothy" kumpas ng kamay ng talent manager. "Ay, hello po" "I'am your mama Reese and I am here to discuss you everything. I will give you time to talk to Thalia. Just focus on me. Ow, waiter. please serve us the foods I reserved. Thank you" "Back to you dearest Timothy, Thalia here is currently having her noontime show along with the other artists and kaya kami nag hanap ng artist is because she needs a partner there. At dahil magaling ka. I let the directors and Thalia as well your audition. Guess what, they liked you!" "I like you too, oh HAHAHAHA" "Thalia anak. Ikalma mo, I know Timothy here is a handsome looking guy" biro pabalik ni Mama Reese. "ay, sorry sorry" "Ok, as I was saying they liked you including Thalia. Alam mo ba dear na yun mga kasabayan mong napili ay nasa talent agency para mag-practice? You're so lucky. So they want you to attend the briefing for your character tomorrow" "Salamat po Mama Reese. Napakalaking bagay po nito" "You're welcome dear. And I will be your manager ok? Nga pala. Are you studying? Where do you live?" "Opo mama Reese. Graduating na po ako. waiting na lang din po for enrollment ng second semester. Taga jan lang po ako Taguig. 1hr pong byahe papunta dito sa QC" "Luckily I asked. I want you to continue studying, but home schooling dear. 1hr. Hm, I will see if I can get a condo for you" "Mama Reese. Mahal naman po ata ng condo, wala pa po kasi akong--" "Stapppp. Don't worry, sagot ko lahat. All I want for you is to focus ok. Ayokong napapagod or nalelate ang talents ko sa call time, ok?" "Opo, sorry po" "Ah dear. hindi ako galit. O sya let's eat" Ang daming inorder ni Mama Reese. Puro masasarap at mamahalin. Si Thalia naman ay wala ng ibang ginawa kundi ang magbiro at tumawa. Ang sarap sa tenga ng boses niya. "Yes, am I that beautiful Xavier?" Napabalik ako sa huwisyo ko ng magbiro si Kathalia ng ganon. Nakakahiya dahil nahuli niyang nakatingin ako sa kanya. "Sorry Kath" "Oh, please don't call me Kath. Para kasing si ate Kathryn Bernardo ang tinatawag mo pag ganon. Baby na nga lang" "Hehe" kamot ko sa ulo. "Sky, I think Sky will do?" "Ok Xavier" "By the way dearest Timothy. I want you to upgrade your style. And also I noticed your shoes. after this shopping tayo. But here, I want you to read your contract with me as your manager" Binasa kong maigi ang nasa contrata. Nakasulat lahat dito ang rules at salary. "Agree ka ba sa ating salary terms?" tanong ni Mama Reese. "Opo mama. Maraming salamat po talaga. Gagawin ko po ang lahat para maging proud po kayo" "You're welcome. Nga pala, Thalia here is my talent too. I want you both to get close lalo na at c-" "Mama Reese please po. Secret na lang po natin yon" humalakhak si Mama Reese at saka tumango. "Mama Reese, what is it?" "Kumain ka na lang jan anak" 5 na ng makalabas kami ng restaurant. Dahil madami nga ang nabili ni Mama Reese ay pina-take out niya na lang yun iba. "Kuya Manuel. Sa Mall tayo, Thalia anak you disguise ok. Timothy dear. Si kuya Manuel. Driver natin". "Hi po" "Ka-gwapong bata" "Xavier" bulong sa akin ni Thalia "Yes, Sky?" tanong ko sa kanya. Ang amo ng mukha niya sa malapitan. Parang angel na bumaba sa langit. "I'm a bit sleepy. Can I take a nap?" "Sure" "On your shoulder? Mama Reese. I'm sleepy, I forgot may pillow neck" Inamoy amoy ko ang sarili ko, hindi naman ako mabaho. "What do you want me to do?" malambing na tanong ni Mama. "Just for now, can I sleep on his shoulder?" "Ok" Hindi ganon kalayo ang pinuntahan namin pero ma-traffic. Sa VIP parking kami nag park, para wala daw masyadong paparazzi. "Sky, wake up" marahang gising ko sa kanya. Mabilis naman siyang nagising "Thank you Xav." May mga guard ng mall na naka abang sa pagbaba namin. "Ma'am nareport na po namin sa management, for miss Kathalia's safety." "Thank you" Sa pagkakaalam ko kasi pag may celebrity na dumadating sa mall alerto ang mga guards for crowd control. "Here Timothy. As for now you will be using my card. pero pag nagtagal, you will be having your own card" "Thank you po mama Reese" Pa simple kaming pumasok sa isang boutique. Alerto ulit ang mga guards at sales lady. "Xav, try this one" iniabot sa akin ni Sky ang isang set ng casual attire. Napatingin ako sa presyo nito. "Sky, wala na bang mas mumura dito?" napatawa na lamang siya at saka kumuha ng mga panibagong damit.. Lahat ng magagandang damit sapatos at kung ano ano pa ay binili ni Mama Reese. "Bye, Xav. See you tomorrow" paalam ni Sky. "5am tomorrow Timothy, ayoko ng late ha. O siya sige na bye"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD