Isang Linggo na ang nakalilipas simula ng sumabak ako sa taping. Wala akong taping ngayon kaya naman naisipan na namin mag-impake. Ngayon ang araw na napili ni Mama Reese para lumipat ako sa condo.
"Anak, mag-iingat ka ha. Tatawag ka lagi pag may oras ha" masyadong emosyonal si Mama ngayon. Sabagay, ito rin kasi ang unang pagkakataon na mawawalay ako sa kanila.
"E, anak. kelan ka ba lalabas sa TV?" tanong ni papa.
"Pa, sabi ng direktor baka daw po sa katapusan pa ng buwan"
"Sige hihintayin namin ng mama mo. Eh pano ba yan anak, kelan ulit tayo magkikita?"
"Ay, nako ma'am sir. Pwede niyo naman ho dalawin si Timmy sa condo" si mama Reese na ang sumagot sa tanong ni papa.
"Ganon po ba? salamat po Ma'am" pasalamat nina mama.
"Salamat din po ng marami sa inyo, sa pagtitiwala. Hayaan niyo po, aalagaan ko naman po ang inyong Unico Hijo. Soon, makikilala na siya"
Binigyan pa ako ni Mama Reese ng 30mins para makasama sina Mama at Papa. Mamimiss ko sila.
"Mama, papa. Pagsumikat ako. patatayuan ko na kayo ng bahay, ako mismo ang engineer. Pangako po sa inyo na kahit nagsisimula na ako sa pangarap ko, magtatapos po ako"
"Timmy, anak tara na?" tanong ni Mama Reese.
"Opo, bye mapa. mahal ko po kayong dalawa"
Sa harap ng van nakaupo si mama Reese. Wala si Thalia ngayon baka nasa Sunday's Getaway. Tahimik lang ako sa loob ng van habang pauwi sa condo.
"Timmy anak, ok lang ba kung hihintayin natin matapos si Thalia? Patapos na rin naman ang Sunday's Getaway"
"opo mama Reese"
"great. next time kasama ka na Getaway. Magkasama na kayo ni Thalia na magpe-perform"
Ramdam kong pinamulahan ako ng pisngi, alam kong nakita yun ni mama Reese kaya tumawa siya ng malakas.
"lakas ng tama mo kay Thalia ah"
"Mama Reese naman e"
"Timmy anak. Abot kamay mo na si Thalia oh. Pero ito ha, magsimula muna kayo sa pagiging magkaibigan"
"Tama si Ma'am dun sir Timmy. Kaya lang sir pansin ko kapag nandyan si Thalia e nauutal utal ka at nahihiya"
"Kuya naman e" tama ang sinabi ni kuya, minsan nga e natatawag ko pang Ma'am si Thalia.
"Under kayo ng management ko, and I want you both to become comfortable and friends with each other. Ay sya ka Timmy anak, baka maunahan ka ng iba"
"may nanliligaw po kay Thalia?"
"Napakadami mong kaagaw sir Timmy, pero sa totoo lamang ay iniiwasan din sila ni Thalia. Focus daw kasi siya sa career at she's waiting for the right one"
"Oh ayan, andito na tayo. manood muna kayo jan at titingnan ko muna si Thalia"
Inabot pa ng 15-20 mins ang paghihintay namin dito sa parking lot, naunang lumabas si Mama Reese dala ang ilan sa gamit ni Thalia, kasunod nito e ang mga guards na humahawi sa mga tao. Pinanood ko si Thalia kung pano makipag interact sa ibang taong nagpapa-picture sa kanya.
"Bye Thalia. See you soon" may boses ng lalaki akong nakinig, sinundan ko ito ng tingin. Kung hindi ako nagkakamali siya si Max Felix Gallardo. Ang nalilink kay Thalia.
"Bye Max" sagot ni Thalia, sinundan ito ng beso kaya naman umingay ang mga fans. Inialis ko ang tingin ko at nagkunwaring tulog.
Maya maya pa ay ramdam kong bumukas ang pinto, at may umupo sa aking tabi.
"Hi Xav. I didn't know you're here"
"Hello Sky" tipid na sagot ko. Nahihiya rin naman akong dumaldal.
"Maglilipat siya today Miss Thalia. Dinaanan ka na rin namin para isang byahe at hindi ka na maghintay"
"ganon po ba. thank you kuya, thank you mama Reese" magalang na pasasalamat ni Thalia.
"Nakauwi na pala si Max from his trip?"
"opo mama, yesterday lang po. inaaya niya nga po akong magcofee"
"Thalia anak, nililigawan ka ba ni Max?" napatingin ako sa salamin at nagtama ang mata namin ni mama Reese.
Agad akong nag-iwas ng tingin at bumalik sa pagkakapikit ng mata pero seryosong nakikinig sa isasagot ni Thalia.
"HAHAHAHAHA. Mama Reese, seryoso ka po? Hahahaha"
"Anak may nakakatawa ba?"
"Oh gosh. Sorry mama. I just can't handle it. Haha-pft. Sorry. No, mama. We're best friend. Alam mo po yun"
"I'm just confirming it. O, e ikaw. Basta mag-ingat lang kayo sa mga paparazzi"
"I won't go Mama. Btw, Xav. Excited na ako! Alam mo ba, I used that condi before. As in, ang ganda niya" madaldal na kwento ni Thalia.
"eh, san ka na ngayon?"
"I got my own condo na. But still sa building na yon. We can have food trip Xav"
Bumaling ako kay Thalia at magiliw siyang tiningnan habang nagkukwento.
"Ba-bakit ga-nan kang makatingin?" nauutal na tanong ni Thalia, bakas sa mukha niya ang pamumula.
"Ang giliw mo magkwento Sky"
"Anong problema sa tingin ni Timmy, anak? natutunaw ka ba?" asar ni Mama Reese kay Thalia.
"Pinamumulahan ka ng pisngi Ma'am" dugtong ni kuya.
"Ih, mainit po kasi"
"Naka-max na po ang ating aircon" nagkunwaring si Thalia na kinukutingting niya ang aircon.
"Here Sky" pag-aabot ko sa kanya ng aking mini fan..
"Salama-t" kinuha ni Thalia ang mini fan, at tumalikod sa akin. Si mama Reese naman at kuya ay nagtatawa ng mahina na parang kinikilig.
Hindi na umimik si Thalia hanggang sa makababa kami sa building. Nauna na rin siyang maglakad at nagpaalam kay Mama Reese. Nasa 20th floor ang condo unit na tutuluyan ko.
"Timmy anak, ikaw na ang bahala sa Condo na to ha. Gusto mo bang tulungan ka namin mag-ayos ng gamit mo?"
"Mama wag na po. Pano po ba ang pagbabayad ko ng bills?
"Don't worry. Nasa contrata natin yan diba nak, all your needs ay sagot ko. Wala ka na rin palang ibang kakailanganin, meron na din appliances dito"
"Ang laki naman ng condo na to mama Reese"
"Haha. O siya mag-ayos ka na. Aalis na kami"
Bago umalis si Mama Reese ay niyakap ko muna siya.
"Mama Reese, maraming salamat po sa lahat ng tulong at pagtitiwala. Hayaan niyo po, masusuklian ko rin po lahat ng ito balang araw"
"Sus, nagdrama ang bata. Naging instrumento lang ako para maisakatuparan mo ang pangarap mo."
Ang laki laki ng condo. Kasya na kami nina papa pag dito kami tumira. Inabot ako ng halos 3 oras pag-lilinis ng matapos ako ay agad din akong maligo at tumawag kay na mama para makita nila ang Condo unit na tinutuluyan ko.
Papunta na ako sa kitchen ng makarinig ako ng katok. Pag bukas ko ay tumambad sa akin ang maamong mukha ni Thalia. Napaka ganda niya kahit walang ayos.
"Hm, kanina ka pa ba jan?" tanong ko kay Thalia.
"hehe, medyo. hindi ba nagana to?" tanong niya at nakaturo sa maliit na screen na nakakabit sa wall.
Kakamot kamot akong kumamot sa ulo ko "a e, sorry. hindi kasi ako maalam gumamit nito"
"tablet lang to Xav. naka-connect dito yun ring video doorbell sa labas. tingnan mo" mula dito ay kita ko ang hallway sa labas. itinuro niya din sa akin kung pano gamitin yon..
"Thank you"
"Magluluto ka ba?" tanong sa akin ni Sky. Napatingin tuloy ako sa mga gamit na inilabas ko.
"Oo sana, kaya lang nakalimutan ko. Di pko nakakapag grocery"
"Gutom na din kasi ako" nagpout siya saka umupo sa stool.
"Madami naman kainan jan, tara?" pagyayaya ko.
"Yehey, pero ganito lang suot ko?"
"What's wrong Sky? Actually, you look beautiful" kinuha ko lang ang wallet ko sa bag at saka ko hinila si Thalia.
"You look tall, Xav" tumawa ako at saka sinabi sa kaniya ang height ko. Hindi na ako nagulat na hanggang baba ko lang siya pag hindi siya naka heels.
Nang makarating kami sa ground floor ay agad ko siyang tinanong.
"Where do you want to eat?"
"Kahit saan"
"Wala bang paparazzi dito?" bulong na tanong ko sa kaniya..
"Wala Xav. Mga model, artist at sikat na personalities lang ang nandito sa condo na to"
"Ok, sige dito na lang tayo sa Italian Restaurant"
Pagkapasok namin sa Restaurant ay may ilang sikat na artista din akong nakilala. Iniabot sa amin ng waiter ang menu at saka nag bilin na tawagin na lang siya pag may napili na kami. 6:30pm na ang oras ngayon..
"I'll have this side salad"
"Yun lang?" tanong ko kay Thalia. "Hindi ka mabubusog jan. Ako na magdedecide"
"waiter, gano karami po ang servings sa pasta?"
"Good for 3 persons sir"
"Ok, I'll take this Spaghetti Carbonara, Margherita. 1 Herb roasted chicken and 1 seafood stew. Thank you"
"Drinks po sir?"
"Cucumber lemonade" sabay na sabi namin ni Thalia sa waiter. Napatawa na lang sa amin ang waiter
"I'll repeat the order sir. 1 solo meal of herb roasted chicken and 1 seafood stew, spaghetti carbonara, margherita and two cucumber lemonade?"
"Sir, pitcher na po pala sa lemonade then pa-add ng two extra rice sorry pa-add din po ng salted caramel chocolate at New York cheese cake"
"noted sir, 15-20 mins po ang servings"
"thank you"
-
"Stalker ka no? alam mo ang mga favorite ko"
"Asa ka"
"Ouch"
Nakarami kami ng pinagkwentuhan bago dumating ang order..
"You know what, sa tingin ko magkakasundo tayo Xav"
"Sa tingin ko rin, o siya tara ng kumain" sasandok na sana ako ng pag kain pero pinigilan niya ako.
"Hephep, picture muna" pinicturan niya ang foods at saka ini-upload sa IG.
"Pwede na po Ma'am?"
"Ay, wait parang may kulang. Hmm. Picture tayo"
"ok na?" gutom na din kasi ako..
"One last, please. Kuya kuya" tawag niya sa waiter.
"yes po miss Thalia?"
"Hi, pwede niyo po ba kaming kuhanan ng pic?"
"opo naman"
Iniiabot niya sa waiter ang cp niya.
"Kayo sir?"
"Ay, sige po sir. ito po" iniabot ko din sa waiter ang cp ko.
"ito na po, bagay na bagay po kayong dalawa. enjoy eating po"
Pagkaalis ng waiter ay parehas na lang kaming natawa ng mahina. Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng biglang tumawag si Mama Reese kay Thalia.
"Thaliaaaa my gosh, where are you? Sinong kasama mo aber?"
"Mama, quiet. Nakakahiya ang lakas ng boses mo"
"Answer me"
"Hmm, I am with someone"
"and who is that someone? nako nako, matawagan nga si Timmy at pababantayan kita sa condo. Agahan mo umuwi kawawa yun bata"
"no need ma, I'm fine"
"tell me, sinong kasama mo"
Hindi na mapigilan pa ni Thalia ang mapatawa, kaya iniabot niya sa akin ang kanyang cp.
"Hi, mama Reese"
"OMG!! YOU'RE DATING?"
"Ma, simple dinner lang po ito"
"Date pa rin yan, osya ikaw pala kasama e. Panatag na ko, baka nakakaistorbo nako. Nasaan ang babaeng lukreng?" napsulyap ako kay Thalia na pulang pula na ang mukha kinatatawa.
"Tumatawa pa ma"
"Luka. O siya, happy eating"
"Pwede ka na tumigil pagtawa" sita ko, at saka inabot ang cp sa kanya.
Hindi namin nagalaw ang Spaghetti Carbonara, dahil sa main course pa lang ay busog na. Kahit ang pizza ay hindi rin namin maubos.
"Bill out na tayo? Mag grocery din kasi ako" nag bill out sign ako sa waiter.
"How much is mine?"
"Ako na, sir pwede bang patake out po ng mga natira?"
kinuha ng waiter ang natirang foods.
Ang bill naman ay inilapag ko na sa table. Sinamahan ko na rin ng tip. Hindi ko pa nagagalaw ang pera nabinigay sa akin nina mama.. May ipon kasi ako mula sa raket na ginagawa ko.
"Thank you sir. Let's go Sky?" pagyayaya ko kay Thalia palabas ng restau.
"Would you like to come, or gusto mo na magpahinga?"
"I'll. come with you" isinabit niya ang kamay niya sa braso ko.
"You sure?"
"Yup, since I'm here na, sasabay na ako mag grocery"
Tahimik kaming dalawa sa pag gogrocery. Bumili na din ako ng sabon, toothpaste, shampoo, deodorant, toilet napkin. Foods like, fruits, meat, chicken, eggs, bread, oatmeal, milk, cofee and everything. Good for 1 month ko na to.
"I'm done, how about you Sky?"
"Done also" kinuha ko ang cart na hawak niya, at isinabay na lang din sa cart na tulak ko.
"Pila ka na, ako na dito. Wait for me sa cashier" itinabi ko muna ang cart ko at inuna ang sa kanya.
Medyo marami akong napamili kaya naka box ang akin. Ang kanya naman ay pinalagay niya sa eco bag na malaki..
"Bitbitin mo na lang tong foods, saang floor ka ba?" tanong ko ng makuha na namin ang ipinahabili namin.
"23. Hm, you can rest na. I can go to my own unit naman na e"
"No, ihahatid kita dahil mabigat tong pinamili mo. Sa unit ko muna tayo, I'll put my things so I can drop you to your unit"
Naging tahimik ang pag sakay namin sa elevator. May mga ilan din kaming celebrities na kasabay. Nang mag 20th floor na, nauna kong pinalabas si Thalia.
"I'll leave it here. I bet no one will get my things" pagkababa ko sa groceries ko saka ko kinuha ang bitbit na pagkain ni Thalia.
Pagkadating namin sa 23rd floor nauna ng lumakad papunta sa unit niya si Thalia.
"Pasok ka Xav" bumungad sa akin ang napakabangong aroma. Mas malaki to compare sa unit ko.
"Hindi na ako magtatagal Sky, sayo na to" iniabot ko ang takeout namin.
"Hindi na Xav. Lagi kasi akong late nagigising sa umaga kaya hindi na ako nakakapag almusal"
"Kung gusto mo pwede naman kitang ipagluto. Maaga naman akong nagigising. Iinitin ko na lang to"
"Hindi ba nakakahiya naman Xav? baka kasi isipin mo na ang fc ko kakikilala lang natin" kung alam mo lang Thalia, matagal ko ng pinapangarap to.
Umiling ako sa kanya "Ako nga dapat ang mahiya e, ang kulit kulit ko na ata"
Mabilis na nagbago ang reaction niya at humawak sa braso ko. "Hindi, sa totoo lang namimiss ko na rin ang lutong bahay. Hindi kasi ako maalam magluto, tapos sa set naman laging fastfood. Minsan lang din makapag luto so Mama Reese"
"Ipagluluto kita, pero bukas ng maga ito muna ha"
"Kahhhh, salamat ha"