Ilang buwan na ang lumipas simula nung nadiscover ako, naging maganda ang takbo ng karera ko dito sa showbiz. Maraming brands na rin ang kumukuha sa akin para maging endorser nila. Ilang TV commercials na rin ang ginagawa ko.
Tanda ko pa ay tuwang tuwa sina Mama at Papa ng makita nilang lumalabas na ako sa teleserye. Unti unti ay ramdam ko ang pagbabago. Kung dati ay hindi pa ako nakikilala ng lahat at konti lang ang fanbase ko, ngayon naman ay hindi na pwedeng hindi ako magdidisguise.
"Congrats men! Sold out na naman ang product na iniendorse mo" bati sa akin ng kapapasok lang na si Max. Nasa tent kasi kami at may bago kaming commercial na gagawin.
"Salamat men. Congrats din trending pa rin music video niyo ni Thalia"
"Teka teka. Type mo ba si Thalia?" sasagot pa lang sana ako ng maunahan ako ni papa at ni Mama Reese.
"Nadali mo" sagot ni papa.
"Ngayon mo lang nahalata?" patanong na sagot ni Mama Reese.
Tumawa lang si Max kaya naman napatingin ako sa kanya. Pero kalaunan ay tumigil din siya.
"Hi sir, Max Felix here. It's finally nice to meet you in person" pagpapakilala ni Max kay papa.
"Hello ijo, naikukwento ka nga nitong si Timothy. Ay ka gwapo mo rin palang bata no? Tito Quin na lang itawag mo sa akin" pagpapakilala din ni papa kay Max.
"Please to meet you tito. Hi, mama Reese" yumapos naman siya kay Mama Reese.
"Max ijo, matanong ko lang may gusto ka ba kay Thalia?" napalaki ng mata si Max at napatingin sa akin.
"Sagot Max. Naghihintay ako" seryoso ang mukha ni Mama Reese.
Maya maya pa ay tumawa nanaman siya. Hays, parehas sila ni Thalia na mahilig tumawa.
"Seriously mama? Oh gosh. Sorry. Tito to answer your question, I found Thalia as a beautiful, kind and prim and proper lady. Anyone can like her. Mama Reese don't get me wrong ha. I like her as a bestfriend. Halos sabay na kaming lumaki sa industry kaya ganun na lang ang closeness namin, pati utot nun alam ko na. As the time passed by, mas lalong tumitibay ang aming samahan. And I'm aware na na mimisunderstand yon ng ibang tao" paliwanag ni Max kay Mama Reese.
"Salamat anak. Thank you for being Thalia's bestfriend. And you know, dahil baguhan pa rin si Timmy dito sa mundo ng showbiz gusto kong palawakin mo rin ang pagkakaibigan niyo"
"Salamat ijo ha, ay kung hindi mo alam. Simula pagkabata nitong si Timmy, laging si Thalia ang inaabangan niyan"
"Papa" suway ko kay Papa. Masyado ng maraming nasasabi si papa .
"Nice tito"
"Ano palang ginagawa mo dito Papa, wala ka po bang trabaho? E si mama po?"
"Dami naman tanong e. Dinalhan ko kayo ng food, gusto ko rin sanang mapanood ka. Yun ay kung papayag si Ma'am"
"Ay, oo naman sir. Ikaw pa ba, nako sir kung alam mo lang nagte-Trending na yan si Timmy. Salamat na diyos at hindi ako nagkamali ng pagpili"
"Salamat din po sa inyo Ma'am"
"Oh ito sir, gate pass niyo. Sumama kayo sa akin mamaya don. Oh boys, get ready. Aayusan na kayo"
Mula sa Vanity mirror ay kita kong masayang nagkukwentuhan si Papa at si Mama Reese. Masaya lang akong nakatingin kay papa habang inaayusan ako. Mapakasarap sa pakiramdam na sinusupportahan nila ako ni Mama. Sa pag-aaral naman ay gagraduate na ako sa susunod na buwan.
"Dude, ang swerte mo kay Tito Quin. Napakasupportive" naagaw ni Max ang attention ko ng tumingin ako sa kanya ay nababasa ko sa mga mata niya ang lungkot.
"Sa condo ka na matulog Max. Pag-usapan natin yan kung gusto mo"
"Talaga ba?" tila batang natutuwa si Max.
"Oo naman"
"Boys 5mins na lang lalabas na kayo" paalala ng isang staff. kaya naman binilisan ng glam team ang pag-aayos sa amin.
Lumabas na rin kami after bumalik ng staff sa tent. Kasunod naman namin si Mama Reese at Papa. Shampoo commercial ang ishu-shoot namin ngayon. Ilang minuto pa ay nagstart na kami mag-shooting. Nakaka-5 take na kami pero wala pa rin nagustuhan si direk.
"Retouch! faster!! Kilos kilos" pagalit na sigaw ng director. "Ano ba yan! Ang init init dito. Ayusin niyo trabaho niyo" singhal niya sa mga staff.
"Badtrip nanaman si direk" mahinang bulong ni Mama Reese.
Lumapit sa akin si Papa at pinunasan ang likod ko, may mga staff na magtutok sa akin ng electric fan at ang isa naman ay inaayusan ulit ako, ganon din sa katabi kong si Max. Nahuli ko siyang malungkot na nakatingin sa amin ni Papa, pero agad din siyang nag-iwas ng tingin ng mapansin niyang nakatingin ako.
"Sir, wait lang po ha" pag papatigil ko sa nag-aayos sa akin.
"Bakit anak may problema ba? may masakit ba? tatawag ba ako ng medic?" concerned na tanong ni papa. Pati si mama Reese ay napatigil sa kanyang kinakausap at tumingin sa akin.
"Anong gusto mo Timmy?" tanong ni Mama Reese.
"Wala po. Ah papa may sasabihin lang ako" binulong ko kay Papa ang plano ko.
"Sigurado ka ba anak? hindi ba nakakahiya?" umiling lang ako habang nakangiti..
"Sige ok na po kuya"
Kita kong kinuha ni Papa ang spare towel niya at lumapit kay Max. Bahagya pa siyang nagulat sa ginawa ni Papa.
"thank you" mahinang pasasalamat niya sa akin, nag thumbs up naman ako bilang sagot. Maya maya pa ay kita kong pinasalamatan ni Max si Papa at saka bumalik sa likod ko.
Naka ilang shoot pa kami bago namin nakuha ang gustong mangyari ni direk.
"3...2....1 cut! Goodjob goodjob everyone!" sigaw ni direk. "Ang galing niyo boys! Come here, come here"
Pinalapit kami ni direk sa kanya at pina-panood ang video.
Nagtagal pa kami ng 30mins pakikipag usap kay direk, may meet and greet pang binigay na 10mins for the fans na nag hihintay dito.
"Papa, mauna na po kayo ni Mama Reese sa tent, may ibibigay po ako mamaya"
"TIMMY, TIMMY, TIMMY, MaxLi, MaxLi, MaxLi" kinig kong sigawan ng mga fans namin. Agad naman na umaksyon ang mga bouncer.
"Sir Timmy, picture po tayo please" iniaabot ng isang babae ang cp niya sa akin, inabot ko iyon at nakipag selfie sa kanya, pati sa iba pa.
"Pa-autograph po at pa-picture na rin" iniabot sa akin ng bouncer ang notebook ng isang babae. Pinirmahan ko yon at saka nakipag picture.
"Hi team MaxLi. Thank you for your overwhelming support. Mahal namin kayo ni Thalia" kinig kong bati ni Max sa fanbase nila ni Thalia. Nagsigawan naman sa kilig ang mga to.
"Timmy, pabati naman po si Skylar birthday niya po kasi ngayon. kaya lang may sakit siya kaya di po siya nakapunta"
"Ok, come here" pinadaan siya ng mga bouncer para makalapit sa akin.
"Hello Skylar. Happy happy happy Birthday. I hope you're doing well, stay safe as always. And get well soon, I hope I will see you soon. Thank you for supporting me" after ko mag video greet ay puro picture na ulit. Natapos na ang 10mins kaya naman pumasok na kami ng tent. Madaming mga fans ang nagbigay ng kung ano ano, pati na rin kay Max.
"Papa, umiiyak po kayo?" tanong ko kay papa, nakita ko kasi siyang nagpupunas ng luha.
"Ah, hindi anak. Napuwing lang. Kumain muna kayo"
"Nagdadrama yan Papa mo nak, tuwang tuwa at natupad mo na ang iyong pangarap. Nga pala nak check your account"
Binuksan ko ang bank account ko sa cp. Tumambad sa akin ang isang malaking halaga..
"Mama Reese ang laki nito"
"Sa dami ba naman ng endorsement mo at commercials, hanggang ngayon pa ba nagugulat ka pa jan? Dinagdagan nga pala TF mo nung isang brand na iniendorse mo, hanggang ngayon daw kasi ay laging silang sold out"
"Salamat mama. E nakuha mo na po ba yun sayo?"
"Oo naman oh siya kain na tayo"
Habang kumakain kami ay panay pa rin ang kuting ting ko sa cp ko. Nagtatransfer ako ng pera sa account nina Papa at Mama, ito ang surprise ko sa kanila. Pinagawan ko sila ng account sa isang bangko kung saan endorser din ako. Binilhan ko rin sila ng bagong cellphone.
"Ano ba yan Timothy. Inuuna mo pa mag cellphone kesa sa kumain" suway ni Papa. Minabuti ko munang kumain at magligpit ng mga gamit. Si Max naman ay ganon din, si Mama Reese na ang tumapos sa pagliligpit ng pinagkainan namin.
"Timothy, aalis na si Papa" paalam ni Papa sa akin.
"Wait lang po, may ibibigay pa po ako"
"Mama Reese" tinawag ko si mama Reese. Sa kanya ko kasi pinahabilin ang cellphone at atm card.
"Anjan na" naunang iniabot sa akin ni Mama Reese ang cellphone.
"Papa, ancient na ang cp niyo ni mama. palitan na po natin" medyo natulala pa ng bahagya si papa sa inaabot kong cp. "Ito po diba ang dream phone niyo ni mama? Ako ang endorser nan papa. Tanggapin niyo po. Lahat po nang kailangan niyong applications ay anjan na"
"Sa-salamat anak" maiyak iyak pa ay yumakap agad si Papa sa akin. Nakita ko naman si Max na nakayakap din kay Mama Reese at masaya kaming pinapanood.
"Papa naman iyakin. Meron pa po" sunod ko naman iniabot e ang Atm card nila. "O ito papa, pag gusto niyo pong malaman yan laman ng account pupunta po kayo dito sa mobile banking account nila, ayan po ang pipindutin niyo. Ito naman sa notes yan po ang Account name at password niyo jan sa online. Isinave ko na po para hindi niyo makakalimutan"
Napalaki ang mata ni papa sa laman ng account. Parehas ko silang nilamnan ni Mama ng 50k. Yun pa lang din ang naihuhulog ko dahil may bahay akong pinapagawa at plano ko rin isurprise sila pag natapos na.
"Ang laki nito anak. Baka wala ka ng pera"
"Nako sir Joaquin, napaka tipid po nan si Timmy kaya impossible po ang sinasabi niyo"
"Salamat talaga ng marami anak, pasensya ka na ha. Dapat kami ng mama mo ang gumagawa nito para sayo" tuluyan ng napa hagulhol ng iyak si papa.
"Papa, you deserve all of this. Ayoko na po pati ng manghihiram kayo ni Mama kung kani-kanino. Mahal na mahal ko po kayo ni Mama. Lahat ng ito ay para sa inyo"
Nang mahimasmasan si papa ay nagpaalam na siya pero pinigilan siya ni Max. Ihahatid na lang daw namin si papa sa bahay, para makita ko rin daw si mama. Nung una ay tumanggi si Papa pero wala siyang nagawa sa kakulitan ni Max.
"Mauna na kayo, kami na ni manong bahala dito. Oh Maximo mag-ingat ka pag da-drive ha. Timothy message ha pag nasa condo na"
Nang nasa sasakyan na kami ni Max ay tahimik pa rin si papa na nakatingin sa bigay ko. Gusto kong sanayin sila ni mama na laging may pera. Naranasan na kasi namin na mapalayas sa bahay dahil hindi makabayad ng rent, maputulan ng kuryente at mangutang.
Naging mabilis ang byahe namin pauwi sa bahay dahil malapit lang siya kung saan kami nag set ng taping..
"Salamat ijo, Timmy anak mag-ingat kayo pauwi" paalam ni Papa.
"It is safe if I leave my car here?"
"Ah oo, bakit?"
"C'mon let's go down. I know how bad you missed your mom"
Bago pa ako makasagot ay nauna ng bumaba si Max. Safe naman dito sa lugar namin dahil magkakakilala naman kami.
"Timmy! kamusta ka na? Alam mo baga ay lagi ka namin pinapanood. Ay hetong si Andres, ay proud na proud sayo. Ang limit bumili ng nasa commercial mo"
"Hi Andres! Salamat sa pag supporta ha. Lola Nini, maraming salamat din po ha"
"OMG!! FELIX!!" tili ni Alexa. Apo din siya ni Lola Nini.
"uh, Hi"
"Pwede po ba kaming magpapicture?" tanong ni Alexa. Pumayag naman si Max. Madami dami ang nagpapicture sa kanya.
"Tama na muna yan. Nakakahiya na sa bisita ni Joaquin" pagpapatigil ni Lola Nini. Mabuti na lamang at nakinig ang mga kababaehan na nagkakagulo kay Max.
"Pasensya na, hindi ko namalayan na kasunod ko pala kayo" pag hingi ng paumanhin ni Papa sa amin. "Halika na, dalian natin. May nag-iinom jan"
"Timothy! Big star ka na ah, kamusta?" bati ni Mang Nick, halatang may tama na pero mabait naman siya. Nagsosolo pag-iinom si Mang Nick.
"Kuya Nick, heto gwapo pa rin. O mang Nick, pabantay naman ng kotse ng kasama ko ha"
"Oo naman, ikaw pa baga bata"
"O heto mang Nick. Para sayo to" inabutan ko siya ng 2k, atsaka tumalikod. Nagmemaintenance kasi ng gamot ang asawa niya. Isa siyang driver at alam kong matumal ngayon ang kinikita niya.
"Sa-salamat Timmy!" mula sa pag kakasigaw niya ay alam kong medyo pagak na ang boses niya at nagbabadyang umiyak.
Yumapos naman si Papa sa akin at sinabing proud siya sa akin. Dati kasi pag walang wala kami ay laging anjan si Mang Nick at tumutulong sa amin..
"Anak, bakit hindi ka nagpasabi na dadating ka? Nakakahiya naman sa kasama mo at wala akong naihanda"
"Nako ok lang po sa akin tita"
"Mama, namiss lang kita" yumapos ako ng mahigpit kay mama..
"Naglalambing ang binata ko, halika nga" humalik si Mama sa akin at mas lalong hinigpitan ang yakap niya.
"Dito ba kayo kakain nak? magluluto ako"
"Hindi na mama, dumaan lang po talaga kami ni Max. Sige na po kami'y mauna na. Iloveyou po Mama, Papa"
"Mag-ingat kayo"