Mabilis kaming nakarating ni Max sa condo, dahil na rin siguro sa walang traffic. Pinaupo ko muna sa salas si Max at inimis ang tutuluyan niyang kwarto.
"Max, pahinga ka muna. Ok na yun kwarto. Maliligo lang din ako"
"Sige pre salamat"
Inabala ko ang sarili ko sa paliligo. Iniisip ko rin kasi kung kamusta na ang bahay na pinagagawa ko sa isang Subdivision sa Cavite, hindi ko kasi ito nabisita sa loob ng isang Linggo dahil sa sunod sunod na trabaho, maging ang darating na linggong ito ay busy pa rin.
7:30pm na nung lumabas ako ng kwarto. Nakita kong nasa kusina na si Max at naghahanap ng pagkain, sa tingin ko ay kakatapos niya lang din maligo.
"Nako sorry Max, hindi ko napansin ang oras. Maupo ka na muna. Magluluto lang ako"
Minadali ko ng kaunti ang pagluluto ko, mabuti na lang at nakapamili na ako ng groceries, kung hindi ay nakakahiya kay Max. Nang matapos ko ang pagluluto ay tuwang tuwa si Max.
"Teka, let's go up to Thalia. Baka hindi pa nakain yon" pag-aalala ko..
"Alagang alaga ah, ligawan mo na kaya dude?"
"Ah, eh.." hindi ko alam ang isasagot ko. Sa totoo lang ay medyo nahihiya pa ako kay Thalia.
"Torpe. Tara na"
Kinuha ko ang bento box na binili ko at nilagyan yon ng kanin at ulam. Sunod kong inilabas ang prutas para lagyan ang pagkain niya.
"Effort ha. Wait, ibig sabihin ikaw ang gumagawa ng mga pagkain niya"
"Hehe, oo"
"Hmm"
Pagkatapos ko ay agad kaming umakyat sa condo ni Thalia. Nakakailang doorbell na kami pero walang Thalia na sumasagot at nagbubukas ng pinto.
"I had fun Rain. Thank you so much" boses ni Thalia yon, kaya naman napatingin ako sa likod ko. Magkasama si Rain at Thalia.
"Hi dude" bati nito kay Max at saka sa akin. Nakita kong sumeryoso ang mukha ni Max at deretsong nakatingin kay Thalia.
"Hi Rain" bati kong pabalik, pero si Max ay hindi sumagot. Hindi naman mapakali si Thalia.
"Ah, hehe. Hello M-ax, T-timm-y" mautal utal sa pagkailang si Thalia. "So-sorry Rain, uhm thank you so much. Dito na lang ako hehe"
Nagtataka man si Rain, pero agad din siyang nagpaalam sa amin at kay Thalia. Nang makapasok kami sa condo niya ay sunod sunod ang talak na binigay ni Max.
"Kathalia, do you know what time is it? Alam ba yan ni Mama Reese, nina tito. What was that?"
"Hm. It's 10 mins before 8pm"
"Stop. hindi ako nakikipagbiruan sayo dito"
"Hindi right ako!"
"So ano, nililigawan ka ba ng ugok na yon?"
"What if I say yes? titigil ka ba?"
"AYOKO KAY RAIN! BABAERO YON at MAYABANG FOR GOD SAKE THALIA!"
"He already change Max. Give him the benefit of the doubt!" sagot pabalik ni Thalia. Mukhang nagkakainitan na sila.
"You like him!?"
"Bakit ka ba nagkakaganyan?"
"Answer my goddamn question Thalia"
"No, but I'm giving him a chance"
"No Thalia. I don't like him for you!"
"Wala ka naman ginusto. Enough nakakahiya na kay Timmy!"
"Hindi ka na lalabas with him. Makakarating to kay Mama Reese"
Kinuha ni Max ang cellphone niya at akmang magda-dial na pero kinuha ni Thalia yon.
"Tell me now my dearest bestfriend. Sinong gusto mo para sa akin?"
Tumungin si Max ng deretso sa mata niya bago mag salita.
"Timothy. I like Timmy for you!"
Napatingin sa akin si Thalia at saka sumagot "Seriously Max? Eh hindi nga ako gusto nan e"
"You sound disappointed my friend. Now Timmy, tell her everything. Mauuna na ako sa unit mo"
Tinapik ni Max ang balikat ko atsaka dere-deretsong lumabas ng unit ni Thalia. Parehas kaming nagkatitigan at natahimik sa inasal ni Max.
"Thalia.." tawag ko sa kanya at pambasag na rin ng katahimikan.
Lumapit ako sa kanya, naglalakas loob kahit sobrang kinakabahan.
"Sky. I like you"
"Are you kidding me?" tanong ni Thalia sa akin.
"No, I'm not. I really like you, ever since" seryoso lang ang mukha ni Thalia at parang hindi siya naniniwala.
"Alright, I expect this already. Andito na rin naman ako, I will court you" lumapit pa lalo ako sa kanya at kakaba kabang inabot ang kamay niya.
Itinapat ko yon sa dibdib ko, at matapang na tumingin sa mga mata niya. Mga mata niyang parang nangungusap lagi, pinaka paborita kong parte ng mukha niya.
"Sky. I dreamed of being an artist because of you, I like you seriously. I know this may sound baduy, but you make my heart beats fast. Allow me please to express my feelings for you"
"ok" binawi niya ang kamay niya at saka tumalikod. "thank you for this, but can you leave? Sorry"
Tuloy tuloy na lumakad si Thalia, at hindi man lang lumingon. Napabuntong hininga na lang ako at saka tuluyan lumabas ng unit.
Pag dating ko sa unit ay tuloy tuloy akong pumasok sa kwarto ko. Ramdam kong sinusundan ako ni Max.
"What happened?"
"Max, hindi niya ako gusto. Nakakahiya, I don't know how can I face her"
"Ts, so ano. Susuko ka na lang ba at hahayaan mo na lang ba si Rain?"
"Kung san siya masaya"
"Hina mo naman e"
Nagtuloy tuloy ang kwentuhan namin ni Max. Hanggang sa hindi na namin namalayan ang oras. Yari ako nito kay Mama Reese.
"Ops, I haven't noticed the time. Yari tayo nito" pagbibiro ni Max. 2am na kasi, at ang call time namin ay 7am, may music video kaming gagawin ni Thalia. Si Max naman ay guest sa isang famous reality show.
"I had fun Max. Salamat, akala ko nung una wala akong makakasundo dito sa showbiz. Basta Max, lagi mo lang tatandaan, welcome ka sa family ko ha"
"Salamat. So pano tulog na tayo?"
-
"Sir Timmy, tumutugtog po ba kayo?" tanong sa akin ng isang trainee.
"Oo naman" bitbit ko kasi ang gitara ko. Malelate daw ang ibang crew na kasama namin dito.
"Pwede po ba kayong tumugtog sir Timmy? Crush po kasi kayo ng kapatid ko" pakikiusap pa ng isang trainee na babae.
"Kahit ikaw naman talaga ang may crush kay sir Timmy?" pang-aasar ng pangatlong trainee. Napatawa naman ako.
"Ok sige, tutugtugan ko kayo"
Inayos ko ang aking gitara at saka umupo. Sinimulan ko ng mag gitara at saka kumanta. Naririnig ko ang bulungan ng mga trainee at ang mga palihim na kilig. Nakita kong pumasok si Thalia kasama si Mama Reese.
"I just wanna live in this moment forever
'Cause I'm afraid that living couldn't get any better
Started giving up on the word "forever"
Until you gave up heaven, so we could be together
You're my angel
Angel baby, angel
you're my angel, baby
Baby, you're my angel
Angel baby"
"Sir Timmy, akala ko matutunaw na si Miss Thalia" saka ko lang napansin na nakatitig ako ng matagal kay Thalia ng pinuna ako ni Maisie.
"Hindi ah" pagbibiro ko, napatingin ulit ako kay Thalia. Nakatingin lang siya at inaasar ng ibang crew.
"Nakakakilig. Oh gosh. Timmy & Thalia shipper na ako" kinikilig naman na sabi ni Mae.
"Tama na yan, kilos na" pagpapatigil ng head ng production.
"Come here Thalia & Timmy" tawag niya sa amin. Umirap sa akin si Thalia at tsaka dumeretso kay Sir Mark.
"Timmy dear, I didn't know you have that kind of talent. Briefing tayo today then practice ng mga pose, blackings & etc"
Tahimik kami parehas ni Thalia na nakikinig sa mga sinasabi ni sir Mark.
"You know, we need to see here your chemistry. I want you both to act inlove"
"Kaya ko yan sir" sabay kindat kay Thalia na inirapan nanaman ako, kaya napatawa ang production team.
"Come on. Let me see sa screen"
Ang unang part ay magkakasalubong kami ni Thalia at magkakatitigan pero after non ay lalampasan din namin ang isa't isa.
"5..4..3 action"
Konting lakad at tigil sa gitna. Seryoso lang ang mukha ni Thalia samantalang ako ay nakatitig sa kanya ng may paghanga.
"Cut. Thalia anak, galit ka ba kay Timmy?"
"Sorry sir Mark, may iniisip lang"
"Set aside muna. Repeat tayo ok? Timmy dear ikaw muna kumanta"
"Pa'no bang mababawi
Lahat ng mga nasabi hmm
Di naman inakalang
Ika'y darating lang bigla ng walang babala
Sa isang iglap
Nagbago ang lahat
Hindi ko na kaya pa na magpanggap"
Habang kinakanta ko ito ay nakatitig lang ako kay Thalia. Ang kaninang matapang na mukha ay biglang lumambot na ngayon, mukha talaga siyang angel lalo na kapag nakangiti.
"Good. I want more. Mapag hahandaan pa yan. Good good!"
Naging maalwan ang mga susunod pa. Practice pa lang naman to kaya may ibang scenes na pwede pang mag bago.
"Mama Reese, can we eat? I didn't eat kasi" paglalambing ni Thalia kay mama Reese after ng practice.
"Dear, is it ok ba if kayo na lang ni Timmy? May lakad pa kasi ako. You know. I have a new talent to meet. Pasensya ka na. Timmy ok lang ba sayo?"
"Ah, hindi na Mama Reese. Magluluto na lang po ako sa condo" pag pigil ni Thalia kay Mama Reese.
Nagkibit balikat na lang ako kay mama Reese. Wala naman din nagawa si Mama Reese kundi ang ideretso na lang kami sa condo.
"Bye mama Reese"
Sumunod akong bumaba at magalang na nagpaalam kay Mama Reese. Nang makaalis sila ay tsaka ako nagmadali pumasok sa elevator.
Pagkadating ko ng unit ay nagilinis lang ako at naligo bago magluto. Gulay ang aking naisip. Nang matapos ako magluto ay agad ko itong inilagay sa canister at tsaka kumuha ng papel nilagyan ko yon ng simpleng quotes.
Pagkadating ko sa unit ni Thalia ay nakita ko siyang nakikipagtawanan kay Rain sa may pinto.
"Timmy!" masiglang pagbati ni Rain tsaka napatingin sa dala kong pagkain. "Oh, is that for Thalia? No need brad, I brought her some foods" pagyayabang niya.
Natahimik si Thalia sa inasal ni Rain at seryosong napatingin sa bitbit ko at sa akin.
"oh, wait wait wait. Don't tell me niluto mo yan, gosh. Cheap"
Kakamot kamot ako sa aking ulo habang palitan ng tingin ko silang tinitingnan. "Ah ganon ba? Sige, pasensya na. Iuuwi ko na lang ulit" hindi ko na tiningnan pa ang mukha ni Thalia at Rain dahil mabilis ko silang tinalikuran.
Ilang minuto pa lang ako nakaupo sa kama ay may narinig akong nagdoorbell. Wala man sa mood ay lumabas ako ng kwarto para pagbuksan kung sino man nasa labas.
"Timmy" malambing na boses ni Thalia ang sumalubong sa akin. "Sorry for what he said" humingi ng tawad si Thalia kahit hindi niya naman kasalanan.
"Ah, ok lang. Sorry ha, hindi ko man lang natatanong sayo kung gusto mo ang luto ko. Nakakahiya dahil hindi kita mabilhan ng iba"
"gusto ko ang luto mo Timmy"
"Hindi mo naman kailangan magsinunggaling Thalia"
"No no, I'm not lying" sincere na sabi niya, maya maya pa ay napahawak siya sa tyan niya dahil tumunog yun, sinyales na gutom na siya. "Hehe, kumain ka na ba Timmy? Gutom na kasi talaga ako"
"s**t, hindi ka pa rin ba kumain? Halika na" pinaupo ko siya sa upuan sa kusina at agad na sumandok.
Pagkasubo niya pa lang ng isa ay agad siyang pumikit at ngumiti.
"I really love this food"
Magiliw ko siyang pinanood at halatang nag-eenjoy sa pagkain na niluto ko.
"Sana ako rin mahalin mo balang araw Sky" bigla siyang napamulat at nasamid. Agad ko naman kinuha ang tubig at iniabot sa kanya.
"Sorry" paghingi ko ng paumanhin. Tumahimik na lang siya habang kumakain.
-
"Gusto mo bang manood ng movie?" tanong ko kay Thalia. kakatapos ko lang maghugas ng pinagkainan namin.
"Sige" inutusan ko siyang umupo na lang salas. Kumuha ako ng chips at inumin namin.
Binuksan ko ang TV at tsaka naghanap ng magandang movie..
"Xav, can you change it?" tanong ni Thalia.
"Why?"
"It's so cringe to watch myself"
"Bakit? Ang galing mo kaya jan"
"Please"
Napagkasunduan namin na horror na lang ang panoodin namin. Sa kalagitnaan ng pinapanood namin ay may biglang nahulog sa may kusina ko kaya nagkatinginan kami.
"What was that Xav"
"I don't know" pinause ko muna ang pinapanood namin patayo na ako ng humawak si Thalia sa kamay ko.
"Pa-pasama"
Hawak ang kamay niya ay matapang kaming pumunta sa kusina. Only to find out na naiwan kong bukas ang bintana at mahangin kaya nalaglag ang aking mangkok. Napabitaw naman si Thalia sa kamay ko.