Nagising ako sa sunod sunod na doorbell, tiningnan ko ang relo ko nagulat ako ng makitang 8:30 na ng umaga. Dali dali akong bumangon.
"Mama Reese, magandang umaga" nakangiting bati ko, pero seryoso lang ang mukha niya at tsaka napatingin sa magulong sofa.
"Do you know what time is it? May shoot kayo ni Thalia by 10am diba"
Oh, s**t! I really forget. Patay! Halos 2am na nga pala kami nakatulog ni Thalia. Napalaki ang mata ni Mama Reese ng makita kung sinong lumabas sa kwarto ko. Nag-uunat unat pa si Thalia at kita ko rin ang pagka gulat sa kanya.
"Mama.." hindi pa natatapos ang sasabihin ni Thalia ng biglang nagsalita si Mama Reese.
"Now I know kung bakit walang nagbubukas sa akin sa unit mo. Do you know what time is it Thalia!?"
"Oh, shoot. I'm sorry Mama Reese"
"Both of you, save your explanation later! I'm giving you both until 9:15 to fix yourself! Sa basement na ako maghihintay"
Pagka-alis ni Mama Reese ay parehas na lang kaming napatawa ni Thalia. Lalabas na sana si Thalia, pero pinigilan ko siya.
"Thalia, I think hassle na kung tataas ka pa. Use the other room. Andoon lahat ng gamit mo na naiwan mo dito"
"Great. Thank you" pumasok na si Thalia sa kwarto. May CR kasi sa kwartong yon. I think it's her room nung dito pa siya nakatira.
Bago ako maligo ay nag gawa muna ako ng sandwich, para naman may makain kami ni Thalia.
9:00am na ng lumabas ako ng kwarto, bitbit ko na ang aking mga gamit na possible kong magamit. Kasabay ko ring lumabas si Thalia bitbit din ang isang bag. Napaka ganda niya kahit magulo ang kanyang buhok at walang ayos.
"Thanks God andito pa to. Hindi rin kasi ako nakapag ayos ng gamit kahapon. Timmy! May mali ba sa suot ko? ang panget ko ba?? hindi ko na mabo-blower ang buhok ko"
"No, you're beautiful Thalia. Ikaw lang ang nakita kong ganyan kaganda kahit walang ayos at suklay suklay" kinuha ko sa kamay niya ang crab na pamuyod at inipit muna ito.
"Let's eat Thalia. I made some sandwich. Let's go down by 9:10. We still have a minutes to eat"
Tinimplahan ko siya ng paborito niya inumin bago ako umupo sa tabi niya. Yun ibang sandwich ay nakabalot na, just incase na magutom kami. Nagdala din ako ng bottle water..
"Wala ka bang anything na naiwan sa unit mo?" tanong ko kay Thalia habang nasa elevator kami.
"Wala naman. Wala rin akong naiwang nakasaksak. Hindi rin naman ako nagluto dahil hindi ako maalam"
"That's good. Let me have your bag, para makasuklay ka ng ayos"
"Thank you"
-
"Finally, just in time. Get in" seryosong wika ni Mama Reese. Pinauna kong sumakay si Thalia bago ako.
"Mama Reese. Sorry na po" paghingi ng tawad ni Thalia.
"You know my rules Thalia, Timmy! Isa na doon ang hindi kayo pwedeng matulog ng magkasama sa isang condo"
"Sorry po. Ako po may kasalanan mama" napatingin agad si Thalia sa akin.
"No, mama. It's my fault not Timmy"
"Thalia, it is my fault"
"Enough! jusko kaloka kayong dalawa!"
Buong byahe namin ay hindi umiimik si Mama Reese. Marahil ay talagang galit siya sa amin.
Pagka-dating namin sa venue ay agad kaming inayusan ng glam team habang naghihintay kay sa aming music director..
After a couple of practice, ay agad din namin naishoot ang first part. Mabilis na kumilos ang team dahil may 2 pa kaming venue na pupuntahan. Habang nasa sasakyan naman kami ay kumakain na rin kami ni Thalia.
3pm na ng marating namin ang 2nd venue. medyo malayo to sa 1st venue, dahil na rin sa traffic kaya hinapon na kami..
"Wake up Sky. Andito na tayo" mahinang tapik ko kay Thalia na nakasandal sa balikat ko.
Habang nag-aayos ag buong team kami naman ni Thalia ay binibriefing ni sir sa mga gagawin namin. After non ay inayusan na ulit kami ng glam team.. Inabot kami hanggang 7pm doon..
"Pack up, dalian please. sa last venue na tayo"
Medyo malapit ang 3rd venue, kaya bandang 8:30pm na kami nakarating..
"Timmy, Thalia. Wake up na" parehas kaming nakatulog ni Thalia. Dahil na rin siguro sa pagod.
"Mama, last na ba to?" magalang na tanong ni Thalia.
Resort pala ang last venue namin. Maayos na ang place kung kaya't hindi na ganon kabigat ang pag-iimis ng team.
Pinag-ayos muna kami ng director, may photo shoot pala na magaganap ngayon. Nang makatapos na ako sa paliligo ay agad akong inayusan ng glam team ko, naka-coachella attire ako. After maayusan ay lumabas na kami ng kwarto.
Makalipas ang ilang minuto ay lumabas na din si Thalia. Halos lahat kami ay napa-hinto para lang tingnan siya. Kailan ma'y hindi nakakasawang pag masdan ang kagandahan niya.
"Xav. Panget ba? Masyado bang revealing ang suot ko?" natauhan ako ng nasa harap ko na mismo si Thalia.
"No. You're pretty, you slayed it actually" conservative type si Thalia, pero she handled it well na hindi malaswang tingnan.
"Ready, Thalia Timmy"
After some shots for music video ay agad kaming nagpictorial.
"Ok, Thalia, Timmy closer. Timmy ang kamay nakapulupot sa bewang ni Thalia. Thalia ikaw naman sa dibdib ni Timmy ang tingin niyo parehas ay sa camera"
"1..2...3, steady! Ok! Good good. Walang aalis ng pwesto, ngayon naman make a eye contact"
"Taas mo ng konti ang damit mo Sky" mahina kong sabi pero alam kong kinig niya yon dahil sinunod niya naman..
-
Halos dalawang linggo na ang nakalilipas after ng shoot namin sa music video. Mabuti at nakapag pahinga ako para tapusin lahat ng deadlines na need ko i-submit sa school.
"Are you busy today?" nagulat ako pagka bukas ko ng pinto, andoon si Thalia nakataas pa ang kamay.
"I was about to go to school, to submit may requirements. Why?"
"I'm a bit bored. Can I come?"
"Are you sure? Madaming makakakita sa atin. Pati alam ba to ni Mama Reese? Naangkas ka ba sa motor?"
"ayaw mo ba akong kasama or baka may nililigawan kang iba?" sabay pout.
"Oh gosh. Stop pouting Thalia." tumingin ako sa layo, it's so hard to look at her kissable lips dahil gusto ko iyong halikan.
"Please I want to come"
"Fine let's go" hinawakan ko ang kamay niya, at pumasok sa condo.
"I thought we're leaving?"
"Yes. I will just get some extra protective gears, helmet and jacket"
-
"Wow. Ang pogi ng big bike mo ah. What's him name?" tanong ni Thalia ng makababa kami sa parking. Kakukuha ko lang nito last week at ngayon ko lang ulit magagamit.
"Sky, I named it after you. Here, wear this jacket. I'm done putting your gears, I just put mine"
"How to put this?" pag tukoy niya sa helmet..
-
"Good Afternoon sir Timmy" bati ng guard pag dating namin sa school.. Exclusive ang parking na to kaya walang makakakita sa amin.
"Wear this" iniabot ko sa kanya ang mask at cute na cap.
"Why?"
"Thalia. Just for your security"
"Ih, tinatago mo lang ako e. Kuya may nililigawan ba to dito?"
Napatawa lang si Kuya guard sa inasal ni Thalia.
"Oh come on my Sky. You know how much I liked you! And I'm willing to do anything" kinuha ko ang kamay niya at itinapat sa dibdib ko.
"You choose. You'll wear it or I will have security around us?"
"Sabi ko nga isusuot ko na. Tara na"
"Sir Timmy, sigurado po kayo na ayaw niyo pong magpasama?"
"Oo kuya thank you. Dito lang naman ako sa Dean's office"
"Ok po. I'll just make the team aware na nandito po kayo"
"Thank you po, come on Thalia"
-
"Good morning dean"
Magalang na pag bati ko, after ko kumatok ng pinto. Nakakamiss din naman pumasok sa school. Umupo muna kami ni Thalia habang kausap niya si Ms. Fe ang kanyang secretary. May ilan din na students sa office, at pansin ko ang mga nakaw tingin nila sa amin ni Thalia.
"Good Morning Timothy, students, uunahin ko muna si Timmy"
"Miss Fe, it's ok. Nauna naman po silang dumating. I can wait po"
"Sigurado ka ba? Wala ka bang taping today?"
"Wala naman po"
"Omg, ang bait talaga ni Timmy mula noon hanggang ngayon. Gosh" bulong ng isang estudyante.
"Sinabi mo pa, kaya campus crush e lalo pa ngayon" bulong pa ng isa..
"Shh, anjan lang si Timmy o, kasama girlfriend. Ingay niyo. Akina na mga papel niyo papa-pirmahan ko na"
"Pwede po magpa-picture?"
Napatingin ako kay Thalia na tahimik lang at tumango.
"Sure, pero pwede bang kasama ko si Sky?"
"opo"
"Halika" umakbay ako kay Thalia at sa dalawang babae..
"Ma'am Sky, pwede pong tanggalin niyo po facemask niyo?" magalang na tanong ng isang babae.
"Huy, mahiya ka naman. Privacy" mahina pero alam kong rinig ni Thalia yon.
"Oo naman" pagka tanggal ni Thalia ng mask ay napatili sila kaya napasilip si Dean at Ma'am Fe.
“Ohh, ang ganda niyo po miss Thalia, bagay kayo! Ship”
"Ay sus! Students mahiya naman kayo, pasensya na Miss Thalia" pag hingi ng paumanhin ni Ma'am Fe.
"Miss Thalia, if they are bothering you stay here inside"
"It's ok, nakakahiya naman po. Baka po ako yun nakakaistorbo, I can go out po"
"Miss Thalia, it's been a pleasure that you're here with us now. You can stay here, hindi ka istorbo. Students behave, nakakahiya sa ating guests. And please, do not tell this to everyone" bilin ni dean at pumasok bumalik na ulit sa pwesto niya.
Naging mabilis ang transaction nila sa mga naunang estudyante.
Medyo matagal kami sa Dean's Office, inabot ata kami ng almost 2 hours.
"I'm so happy, finally this is it. I'm graduating Sky" umaapaw sa saya ang puso ko ngayon.
"Hindi lang yon, you're also marching as c*m Laude. Congrats Xav."
"Natupad na din sa wakas ang pangarap ko. To graduate with flying colors to be an artist, and..."
"And?"
"To become your lover Sky.. I will wait until you’re ready”