"TAMA na, Jenica. Lasing ka na!" Pinigilan ni Thonie ang pag-inom niya sa bote ng Tanduay Ice na halos paubos na rin ang laman. Pangalawang bote na iyon ni Jenica. Nasa tapat sila ng isang sari-sari store ng gabing iyon. Pumiksi si Jenica. "Hindi pa ako lasing! Huwag ka ngang mangialam!" asik pa niya. First time niya lang ang uminom ng Tanduay Ice kaya siguro napakalakas ng tama n'on sa kanya. At isa pa, hindi naman talaga siya nag-iinom, napilitan lang siyang gawin ito. Eh, kasi naman. Naaasar na talaga siya kay Nicco. Hindi niya talaga akalain na mas pinili nitong makasama si Enzo kesa sa kanya! Ang sakit lang sa puso. "Anong '`wag mangialam'? Lasing ka na kaya!" nag-aalalang turan ni Thonie. "Lasing agad? Relax ka lang diyan, okey? Besides, Tanduay Ice lang naman ang iniinom ko, `

