"MANHID ka ba, Nicco? Mahal na mahal kita! Mahal kita! Bakit ikaw pa? Ang tanga-tanga ko... `Yan! Diyan tayo sumasablay, eh! Sa 'kaya lang'! Laging may 'kaya lang'. Never naging simpleng 'mahal kita---'" "Hoy, ate!" "Ay, palaka!" gulat na sigaw ni Jenica nang biglang pumasok sa kwarto niya si Charm. "Anong ginagawa mo, ate?" Napatigil tuloy siya sa pagmo-monologue sa harap ng malaking salamin Pinandilatan niya ito ng mata. "Charm! Ano ba? Bakit ka ba pumapasok sa kwarto ko ng `di ka man lang kumakatok, ha? That's invading of privacy!" Nag-crossed arms pa si Charm. "Duh, ate! Kanina pa kaya ako kumakatok pero `di mo naman binubuksan. Ginagaya mo pa si Kim Chui. Nakakahiya ka, ate, `pag may ibang nakakita sa iyo. Mamaya lokohin pa nila akong may baliw akong ate." "Tumigil ka nga diyang

