HINDI makapaniwala si Thonie sa narinig niya mula sa kanyang Kuya Enzo. Siya daw ang babaeng mahal nito? Malakas niya itong itinulak palayo. Tumayo na rin siya. "Baliw ka na, kuya! H-hindi na kita maintindihan!" bulyaw niya dito. "Thonie, ako ang hindi mo maintindihan. Mahal kita!" "Ano bang pinagsasasabi mo, kuya? Mahal mo ako? Bilang ano? Ah, kapatid! Tama ako, `di ba?" hindi niya alam pero nanginginig ang katawan niya ng mga oras na iyon. Hindi maintindihan ni Thonie ang mga sinasabi ng kuya niya. Pakiramdam niya tuloy ay ibang tao ito ngayon. Parang hindi na niya ito kapatid. Bakit niya sinasabing mahal niya ako? Kapatid niya ako. Magkapatid kami! "You are wrong. Matagal na kitang mahal, Thonie. Noon pa man. Inagaw ko sa iyo si Barbie dahil ayokong maging tuluyan kang maging tomb

