NAGTATAKA si Daphne kung bakit parang takot na takot si Alessandro nang lingunin siya nito habang nakadikit pa din sa tainga nito ang hawak nitong cellphone ng sandaling iyon. May masama bang balita ba itong natanggap kung bakit ganoon ang reaksiyon nito? At mayamaya ay hindi niya maiwasan ang manlaki ng kanyang mata ng isigaw nito ang pangalan niya. "Daphne!" Kasabay nga ng pagsigaw nito sa pangalan niya ay ang pagtakbo nito palapit sa kanya. Napansin nga din niya ang pagbulsa nito sa hawak nitong cellphone habang tumatakbo ito palapit sa kanya. At nang tuluyang itong nakalapit ay hinawakan siya nito sa kamay at maraham siya nitong hinila patayo. "What's wrong, Alessandro?" tanong naman niya dito, hindi niya alam kung bakit ganoon ang reaksiyon nito ng sandaling iyon. "Come

