NIYAKAP ni Daphne ang sarili nang makaramdam siya ng panlalamig nang umihip ang malamig na hangin. Nagpapahinga silang dalawa ngayon sa buhanginan ni Alessandro matapos nilang makarating isa isla na tinutukoy nito kanina, magkatabi nga silang nakaupo do'n. Makalipas ang halos isang oras na palutang-lutang sa dagat at ang paglalangoy ay nakarating din silang dalawa sa isla na sinasabi nito. Thank god at may malapit na isla sa kinaroroonan nilang dalawa dahil kung sakaling wala ay baka hanggang ngayon ay palutang-lutang pa din sila sa dagat. Both hopeless. At gaya ng sinabi sa kanya ni Alessandro ay hindi nito binitiwan ang mga kamay niya habang lumalangoy silang dalawa patungo sa isla na sinabi nito, minsan tumitigil sila sa paglangoy na dalawa para magpahinga at kapag nakakapagpahinga s

