SAKTONG makalabas si Daphne sa kwarto ng Mama niya ng tumunog ang ringtone ng cellphone niya na nasa bulsa ng suot niyang pantalon. Napahinto naman siya sa paglalakad at saka niya inilabas ang cellphone na nasa bulsa ng suot niya. At nang tingnan niya kung sino ang tumatawag sa kanya ay nakita at nabasa niyang si Alessandro iyon. Bago naman niya sagutin ang tawag nito ay nagpatuloy na siya sa paglalakad hanggang sa makarating siya sa loob ng kanyang kwarto. Humugot muna siya ng malalim na buntong-hininga bago niya sinagot ang tawag nito. Baka kasi mapansin nito ang pagiging emosyonal niya kanina habang kausap niya ang Mama niya. Hindi nga niya maintindihan ang sarili kung bakit bigla siyang naging emosyonal. Siguro dahil, pamilya ang naiisip niya. Masyado kasi siyang family oriented, pag

