HABANG nasa sasakyan si Daphne patungo sa bahay nila ay pasilip-silip siya sa cellphone niya na hawak niya kung may reply na ba siya galing kay Alessandro. Nagpaalam kasi siya dito kanina bago siya umalis ng bahay na papasyal siya sa bahay ng parents niya. At sinabi niya na doon muna siya habang hindi pa ito bumabalik galing sa Italy. Medyo nabo-bore din kasi siya dahil wala siyang masyadong kausap. Ayaw din naman kasi niyang istorbihin sina Manang Delle dahil busy ang mga ito sa gawaing bahay. Kaya napagpasyahan na lang niyang umuwi mo na sa bahay nila. At least do'n, may makakausap siya dahil nandoon ang mga parents niya. Humugot naman ng malalim na buntong-hininga si Daphne nang makita na wala pa din siyang reply galing dito. Mukhang busy pa din si Alessandro kung ano man ang pinagkak

