NANG magising si Daphne ay ang unang pumasok sa isip niya ay si Alessandro. Kaya akmang susulyapan niya ito sa kanyang tabi ng mapatigil siya nang mapansin na parang may nakaupo sa gilid ng kamana kinahihigaan niya. At nang tingnan niya kung sino iyon ay nakita niya na si Alessandro iyon. Hindi naman niya napigilan ang pagbilis ng t***k ng puso niya nang magtama ang mga mata nila. "Good morning," husky ang boses na wika nito bago tumaas ang kamay nito para haplusin ang pisngi niya. Saglit namang napapikit ng mga mata si Daphne sa masuyong haplos nito. "Morning," medyo groggy pa ang boses na bati din niya. "Hmm...kanina ka pa gising?" tanong niya ng magmulat siya ng mga mata. "Yes. I'm waiting for you to wake up," wika naman nito habang titig na titig ito sa kanya. Hindi naman maiwa

