NANG lumapag ang private plane sa flight deck na pag-aari ni Alessandro ay kinuha niya ang cellphone sa bulsa ng suot niyang pantalon para tawagin si Daphne. Mahigpit kasi na bilin sa kanya ni Daphne na kapag dumating siya sa Italy ay tawagan daw niya ito para alam daw nitong safe siyang nakarating at hindi ito mag-alala sa kanya. At nang maalala nga niya ang mahigpit na bilin nito sa kanya ay nakaramdam ulit ang puso niya ng kakaiba, parang may mainit na kamay na humaplos sa puso niya sa isiping may nag-aalala para kanya. Simula kasi noong mawala sa buhay niya ang mga magulang ay wala nang nag-aalala para sa kanya, pinagdadasal nga ng mga kalaban niya ay mawala siya sa mundo. Ngayon lang muli na may nag-aalala sa kanya nang makilala niya si Daphne. It was lucky for him to meet her. Mab

