bc

OWNED BY MY POSSESSIVE BOSS

book_age18+
167
FOLLOW
1K
READ
HE
second chance
playboy
arrogant
boss
mafia
sweet
bxg
campus
assistant
like
intro-logo
Blurb

SOON TO UPDATE; 2024

Ngumisi ito. "You have no Idea how terrible craving I am to have you," sabi nito.

Muli ay napalunok ako ng marandaman ko ang mainit-init na hininga nito sa leeg ko nang ilapit pa niya ng todo ang labi sa tenga ko.

"I WANT YOU SO BADLY, SHAINE… PERO PILIT KONG PINIPIGILAN ANG SARILI KO NAGAWIN ANG BAGAY NA 'YON SA 'YO DAHIL GUSTO KO NA MATUTUNAN MO MUNA AKONG MAHALIN…" 

Nanunuot ang bawat kataga na lumabas sa bibig nito sa kaibuturan ko. Ramdam ko ang pagnanais niya na gawin sa akin ang sinabi niya na iyon.

Nanunuyo ang aking lalamunan na lumayo ako sa kanya.

"Da-darating na ang… professor namin, umalis ka na…" sa wakas ay sambit ko.

Nakatitig pa rin siya sa akin. "See you later, my cupcake," he said. Nakahinga ako ng maluwag ng tumalikod ito at lumakad palayo sa kinatatayuan ko.

Kumakabog ang dibdib na napa-hawak na lang ako sa aking labi at nakatitig sa likod nito habang naglalakad palayo.

chap-preview
Free preview
Chapter 1 Akin ka!
"Po? Nay, Tay, dito siya titira sa atin? Pero bakit po kayo pumayag na dito tumira sa atin ang lalaking 'yon?" hindi makapaniwala na asik ko sa nanay ko nang sabihin nito na dito na sa bahay namin maninirahan si Levie. Ang lalaki na halos 4 na taon akong tinago sa pamilya ko. Pinalabas niya na patay na ako para ikulong sa bahay niya... Tapos ngayon, ang akala ko ay malaya na ako sa kanya, hindi pa rin pala. Gusto kong magwala at magalit sa mga magulang ko. Hindi ko alam kung anong mahika ang ginawa ng Levie na 'to sa Nanay at Tatay ko kaya napapayag nito ang mga magulang ko na tumira ito sa bahay namin. "Anak, siya ang nakabili ng bahay at lupa natin. Dapat nga ay magpasalamat pa tayo sa kanya dahil hinayaan pa rin niyang tumira tayo dito. Hindi ba sobrang bait ng batang 'yan, at... mahal ka raw niya kaya hinihingi na niya sa amin ng Tatay mo ang basbas namin na sa oras na makapagtapos ka ng pag-aaral mo sa kolehiyo ay magpapakasal kayong dalawa." Napahawak ako sa aking noo. Pakiramdam ko ay umikot ang aking paningin sa sumunod na sinabi ni Nanay. Ako magpapakasal sa kanya pag nakapagtapos ako ng college? Sinampal-sampal ko ang aking magkabilang pisngi gamit ang mga palad ko dahil baka nananaginip lang ako sa mga sandaling ito. I can't... I can't imagine na ganun lang ka-easy sa mga magulang ko na ipaubaya ako sa lalaki na kumuha at nagtago sa akin ng apat na taon. He has owned my life for the past four years. Tinago niya ako. Pinagkaitan niya akong maging malaya bilang ako. Ngayon, akala ko okay na ang lahat... Hindi pa rin pala. Hindi pa rin pala ako malaya mula sa kanya. Nag palipat-lipat ang aking mga mata sa Nanay at Tatay ko dito sa loob ng sala. At pagkatapos ay nanlilisik ang aking mga mata na napatitig ako sa gawi ni Levie na abalang nakadukdok sa laptop nito habang nakaupo sa lamesa. Alam kong hindi naman ito busy sa kung ano ang ginagawa nito sa laptop. Nakikiramdam at nakikinig lang siya sa pag-uusap namin ng mga magulang ko. Pinaningkitan ko ito ng mga mata. "f**k you!" sambit ko sa isipan ko. "Kailan ka ba mawawala sa buhay kong lalaki ka! Sana mawala ka na lang ng parang bula sa buhay namin!" Nagwawala ang puso ko sa inis at disappointment sa mga magulang ko. Ano ba ang meron sa Levie na ito kung bakit sinusunod nila ang gusto ng damuhong 'to! Pinalamlam ko ang aking mga mata at pilit na pinangilid ang mga luha upang maawa sa akin ang mga magulang ko para naman maisip ng mga ito na may sarili akong buhay. 23 years old na ako at kaya ko na mag-isip at tumayo sa sarili kong mga paa. "Ako magpapakasal sa kanya? Nay, Tay? Bakit tinanong niyo na po ba ako kung gusto kong magpakasal sa kanya? Kaya pumayag po kayo sa gusto niya na magpakasal kami? Hindi po ba dapat, Nay, Tay, ako ang pumili sa lalaki na gusto kong pakasalan pagdating ng araw? Wala po ba akong karapatan na mag-decide para sa sarili kong buhay?" tuluyang nalaglag ang aking mga luha kasabay ng paninikip ng dibdib. "Pagkatapos ng nangyari sa 'yo, Shaine, Anak. Sige nga, sabihin mo nga sa akin kung dapat ka naming hayaan na mag-decide para sa sarili mo?" sagot ni Nanay na medyo umalma ang boses sa akin. Tumingin ito sa gawi ni Levie. "Utang na loob ko sa kanya ang buhay mo, Shaine, kung 'di dahil kay Levie... baka tuluyan ka ng nawala sa amin. At siya din ang magpapa-aral sa 'yo sa kolehiyo. kaya dapat ay sundin mo siya." "Eh, 'di hindi na lang po ako mag-aaral ng college kung siya lang din po pala ang magpapa-aral sa akin." sagot ko sa Nanay ko. Mabilis kong tinawid ang lamesa kung saan abala pa rin si Levie sa laptop nito. "Hindi ko kailangan ang pera mo! Kahit 'wag mo na lang ako pag-aralin ng college basta ang mahalaga umalis ka na dito sa amin! Lumayas ka na dito!" nagpupuyos sa galit na sigaw ko sa kanya. Umangat ang mukha nito sa akin at prenteng sinandal ang likod sa silya. Tinitigan ako. Mas lalo akong kinain ng galit ko nang hindi ito sumagot sa akin. Hinampas ko ang lamesa ng malakas at napangiwi pa ako ng masaktan ang palad ko dahil sa ginawa kong paghampas sa lamesa. Galit ako at masama ang loob ko kaya mas nangibabaw sa akin 'yon kaysa ang indahin ang sakit. "Layas! Lumayas ka sa bahay namin! Tigilan mo na ako, Levie. Hindi kita gusto at hindi kita magugustuhan kahit kailan!" I scream out of my anger towards him. Gusto ko siyang saktan at paghahampasin sa sobrang pagkamuhi ko sa kanya. Noon, ang buhay ko ang kinontrol niya. Ngayon naman ay pati ang mga magulang ko ay nasa ilalim na ng kontrol niya. Tinitigan ko siya ng masama. Kung nakamamatay lang ang paninitig ko ay sisiguraduhin kong tititigan ko siya hanggang mamatay siya! "Magkano mo ba nabili 'tong bahay namin? Huh? Babayaran ko sa 'yo basta lumayas ka lang sa pamamay namin!" dala ng galit ko ay hindi ko na alam ang mga pinagsasabi ko. Ang lakas ng loob ko na sabihin sa kanya ang bagay na 'yon eh wala naman akong pera ni katiting sa wallet ko. Kontrolado niya ang lahat sa akin. And I'm suck because my parents let him to control and manipulate me! My life! Tumayo ito at lumakad papunta sa akin. Pinaningkitan ako ng mga mata. "Hindi ka ba nahihiya sa Nanay at Tatay mo, my cupcake?" sabi nito na sinadyang hinaan ang boses nang banggitin ang salitang 'my cupcake'. "Kahit hindi ka na mahiya sa akin, sa mga magulang mo na lang. Don't act like that... Para kang walang pinag-aralan. At parang pinamumukha mo sa kanila na hindi ka naturuan ng magandang asal ng Nanay at Tatay mo." nginisihan niya ako. "Gusto mong malaman kung magkano ko binili 'tong bahay at lupa n'yo?" "Oo! Dahil babayaran kita!" matapang na sagot ko. "1.5 Million pesos, Shaine. Now, kaya mo ba akong bayaran ngayon? Kung meron kang maibabayad sa akin, fine. I'll leave this house." Kumibot ang labi ng Nanay at Tatay ko. Nakita ko ang pangamba sa mukha ni Nanay nang sabihin ni Levie na he'll leave our house kung mababayaran ko ito ngayon din. Maging si Tatay ay nasa mukha ang pangamba sa isiping aalis si Levie dito sa bahay. Ano ba ang nangyayari sa Nanay at Tatay ko! Pinatapang ko ang sarili ko sa harap niya. "Hihingi ako ng tulong sa Ate ko!" sagot ko. He chuckled at um-echo pa ang tawa sa apat na sulok dito sa sala. "Nagpapatawa ka ba, my cupcake?" mapanuya na tanong nito at muli ay sinadyang hinaan ang pagtawag sa akin ng my cupcake. "You think na may pera ang Ate Maureen mo para bigyan ka niya ng 1.5 M?" Hindi ako nakaimik sa tanong niya. Hindi ako sigurado kung may pera si Ate Maureen ng ganun kalaki. Pero baka si kuya Reynold ay mayroon. Sa kanya ako hihingi ng 1.5 M. He chuckled once more because of my silence. Tila ba alam na niya na wala akong makukuhang pera sa Ate Maureen ko. "Ako na ang magsasabi sa 'yo, my cupcake. Wala kang makukuha na 1.5 M sa Ate Maureen mo, wala na din pera ang asawa ng Ate Maureen mo para ibigay sa 'yo. Believe me, wala silang 1.5 M na halaga sa bank account. Dukha na ang kuya Reynold mo. Mmm... Mabibigyan ka naman nila ng 1.5 M. 'Yon eh kung ibebenta nila ang bahay at lupa na tinitirhan nila sa Catanduanes." Inilapit nito ang mukha sa tenga ko. "Wala ka ng magagawa pa kung 'di ang sundin ang lahat ng gusto ko, Shaine. Sa akin ka na ngayon, may basbas na ako mula sa Nanay at Tatay mo na gawin ang lahat ng gusto ko sa 'yo. Pinagkatiwala na nila sa akin ang buhay mo, kaya akin ka na at ako mag-aalaga sa 'yo. Now, pagsinabi ko sa 'yo na itigil mo na 'tong pag-iinarte mo. Ititigil mo na. Mahiya ka naman sa parents mo..." bulong nito sa akin. Buong lakas na itinulak ko siya sa dibdib. "Damn you!" sigaw ko at pagkatapos ay dinuraan ko siya sa mukha. "SHAINE!" magkasabay na sigaw ni Nanay at Tatay sa akin dahil sa ginawa kong pagdura sa mukha ni Levie. "Ano ka bang bata ka!" suway na sita ni Nanay sa akin. Mabilis ito na lumakad papunta kay Levie saka pinunasan ang mukha nito ng maliit na towel na nasa balikat. "Pagpasensyahan mo na ang Anak ko, hijo." nahihiya na hingi ng paumanhin ni Nanay habang pinupunasan ang mukha ni Levie. Maagap na hinawakan ni Levie ang kamay ni Nanay at kinuha dito ang towel. "Ako na po Nay," magalang na sabi nito kay Nanay. Ngumisi ito ng nakakaloko sa harap ko habang dinadampi ang bimpo na hawak sa mukha. "I'll make sure that the next time you spit on me, it won't be on my face." tumingin ito sa dibdib ko at pagkatapos ay sa pagitan ng mga hita nito. "Sa kanya na," sabi nito na ang tinutukoy ay ang matigas na umbok sa loob ng pantalon. Kinuha nito ang isang kamay ko at pagkatapos ay nilagay sa palad ko ang bimpo na ginamit na pampunas sa mukha. "I promise that." puno ng pagbabanta na mahinang sabi nito sa akin. "Pumasok ka na sa kwarto mo, dahil maaga pa ang pasok mo bukas," utos nito sa akin na akala mo naman ay concern na concern talaga sa akin. Hinitsa ko sa kanya ang bimpo at tumama iyon sa dibdib niya saka nalaglag sa lapag. "I hate you!" mariing sigaw ko saka ako mabilis na tumakbo papasok sa kwarto ko. ------ Mabigat na ang talukap ng aking mga mata at pumikit na ako. Dahil sa nangyaring tensyon sa ibaba kanina ay hindi ako kaagad dinapuan ng antok. Ala-una na ng madaling araw ng makaramdam ako ng antok. Hindi pa ganoon kalalim ang tulog ko kaya naman ng may magbukas ng pinto ng kwarto ko ay nagising akong kaagad. Kahit patay ang ilaw ay alam ko na siya ang pumasok dito sa loob ng silid ko. Tumayo akong kaagad at mabilis na hinawakan ang unan. Inambahan ko ito na ihahampas ko sa kanya ang unan na hawak ko sa oras na may gawin ito na hindi maganda sa akin. Mabilis na namilog ang aking mga mata ng i-witch on nito ang ilaw at tumambad sa akin ang walang saplot na pang-itaas na katawan nito. Maging si Levie ay nagulat sa posisyon kong naka-ready sa paghampas ng unan sa kanya. "Ops, 'wag mo ituloy 'yan, sayang 'tong gatas na tinimpla ko para sa 'yo." sabi nito at lumakad patungo sa maliit na study table ko. "Alam kong hindi ka makatulog, kaya dinalan kita ng gatas." humarap ito sa akin na parang walang nangyaring pagtatalo sa pagitan naming dalawa. "Hindi ko kailangan ng gatas mo!" inis na sagot ko at inirapan ko ito. Tatalikuran ko sana siya pero maagap niya akong hinaklit sa braso at sapilitan na hinarap sa kanya. "Huwag ng matigas ang ulo, my cupcake." malambing na sabi nito at hinaplos pa ang buhok ko. "Sige, kung ayaw mong inumin 'yang gatas na 'yan, para makatulog kang kaagad. Ako na lang ang magpapatulog sa 'yo," Nanlaki ang aking mga mata sa narinig ko. "Ano ako, bata?" nakataas ang kilay na sagot ko. Matamis ito na ngumiti at tumango. "Yeah, you are my baby, my cupcake, my Shaine. You are mine, only mine." malambing na sabi nito. "Ew!" mabilis na dumulas sa dila ko dala ng pandidiri ko sa mga sweet endearment na tinawag nito sa akin. Kinikilabutan ako sa mga pinagsasabi niya. Hinawakan niya ang labi ko. "You know what, marami ng kasalanan sa akin 'tong labi mo," pinisil nito ng medyo madiin ang labi ko. Pisil na puno ng pangigigil na angkinin ito. "I won't charge you for now, but I swear, sisingilin ko ang labi mo ng doble, baka nga triple pa..." paos ang boses na banta nitong sabi at pagkatapos ay hinalikan ako sa noo. "Drink the milk, then sleep, my cupcake. Sleep well!" para akong bata na inutusan nito na inumin ang gatas at pagkatapos ay matulog na. Napatitig na lang ako sa sumaradong pinto, at pagkatapos ay napatingin sa isang baso ng gatas sa ibabaw ng study table ko. I sighed. May sayad ba ito sa ulo? Bakit mabait pa rin siya sa akin sa kabila ng ginawa ko sa kanya kanina.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
74.6K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
97.6K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.0K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.9K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook