CALLAN’s POV
Kanina pa ko natutuliro sa kakulitan ng kapatid ko, mula pagbaba namin sa kaniya-kaniya naming sasakyan ay para siyang buntot na nakasunod sa’kin.
“So bro, ano na ngang ginagawa ni Vania sa bahay mo? Kailan pa kayo nagkabalikan?” pang ilang beses niya na iyang tinanong pero wala pa rin siya sa’kin nakukuhang sagot.
“Mind your own f*****g business, bro,” sinalubong kami ng assistant ko paglabas namin ng elevator. May separate button na nagkokonekta sa palapag ng office ko mula sa elevator ng hotel. Inabot nito sa’kin ang ilang papeles na kailangan kong mapirmahan kaagad.
“Vania is a close friend of mine, she’s somewhat part of my business. I heard from a common friend na may asawa’t anak na siya kaya paano kayo nagkabalikan?” nakasunod pa rin siya sa’kin hanggang sa pumasok kami sa pinto ng office ko.
“How I f*****g wish na magkabalikan kami, mag dilang anghel ka sana,” pabagsak kong ipinatong sa desk ko ang mga papeles na hawak ko.
“Kung hindi kayo, anong ginagawa niya sa bahay mo? Don’t tell me na kinidnap mo si Vania?” mabilis kong dinampot ang pen mula sa desk ko at ibinato iyon kay Samuel na kakaupo lang sa couch.
“Tangina, ba’t hindi ko naisip gawin yan dati!” Pumasok ng office ko si Emma, ang assistant ko, may hawak itong baso ng kape.
“Seriously, bro, ano na namang gulo ang pinasok mo?” Sinenyasan ko si Emma na huwag nang ituloy ang paglapit at wala ako sa mood mag kape. Tumayo si Samuel para kunin iyon sa kaniya, bumalik ito sa couch habang umiinom sa hawak na baso.
“Tinulungan ko lang siya, binigyan ko ng trabaho. She’s working as a housemaid,” naibuga ni Samuel ang laman ng bibig niya nang marinig ang sagot ko.
“Your ex? As your housemaid? Tangina!” Sinimulan ko ng pirmahan ang mga papeles sa desk ko.
“Iyon lang ang naisip kong paraan para makasama siya. At least I get to see her everyday,” I smirk at the thought.
“She’s married, bro! Don’t tell me you’re planning to seduce her?” tinigil ko ang ginagawa at tinapunan ko si Samuel ng tingin.
“I don’t give a damn whether she’s married. Marami akong pera at kaya kong gastusan ang annulment niya,” nasapo ni Samuel ang noo niya sa sinabi ko.
Bumukas ang pinto at iniluwa no’n ang bestfriend kong si Ethan. Muli kong binalik ang atensyon ko sa ginagawa ko.
“Thank you, Sam. Ang akala ko ay tatanghaliin na naman ng gising ‘yang kuya mo. Alam mo naman na umuuwi lang iyan sa bahay niya kapag may babaeng kinakama,” umiling na lang ako sa sinabi nito.
“Duda nga ako na nakatulog ‘yan, kasama niya si Vania,” Hindi na ako nag abalang tignan ang reaksyon ni Ethan sa sinabi ni Samuel, malamang ay nagulat din siya.
“No f*****g way! Vania, as in his ex? Iyong cheerleader ng DLSS?”
“May iba pa ba?”
What a perfect combination to start my day. Nagsama pa ang dalawang ‘to para pag-usapan at pag-tsismisan ang buhay ko.
“s**t, mahal mo pa rin ‘yon, diba?”
Hindi ko pinansin ang tanong ni Ethan at tinapos ko na lamang ang mga pinipirmahan ko.
“Tinulungan niya raw, binigyan niya ng trabaho si Vania… And guess what kind of job?”
“Don’t tell me he asked her to be his f**k buddy?”
“Is that even a job? Tangina, Ethan, siguro may ka-fubu ka na binabayaran mo.”
Gusto kong matawa sa usapan nila pero mas pinili ko na manahimik. Isipin nila ang gusto nilang isipin, walang ibang mahalaga sa’kin ngayon kundi si Vania at wala akong pinagsisisihan sa ginawa ko.
“So anong trabaho? Desperado na ‘yang si Callan kaya hindi malabo ‘yong hula ko.”
“Ginawa niyang housemaid! Tangina, ewan ko ba riyan kay kuya at anong nakain. Puwede niya naman dito sa hotel ipasok.”
“For real? Hindi na ko magugulat na hindi niya rito pinag trabaho, kilala mo naman yan… Possessive when it comes to Vania.”
“For God’s sake, she’s married! Okay lang sana kung hindi ko kaibigan si Vania, I won’t give a shit.”
“Matanda na si Callan, sigurado ako na alam niya na kung anong ginagawa niya. Let him do his thing, at baka mamaya ay pag-awayan niyo na naman ‘yan.”
Naalala ko tuloy na minsan na nga namin pinag-awayan ni Samuel si Vania. Nag selos kasi ako noon sa kaniya. They used to be part of a cheearleading group, si Samuel ang sumasalo kay Vania sa tuwing ibinabato ito sa ere. Thinking of my half brother touching every part of her body made me jealous. Siguro nga tama si Ethan, I’m still possessive with Vania even she’s no longer mine.
Sinulyapan ko ang relo na aking suot, oras na ng board meeting. Tumayo ako mula sa swivel chair at nilagpasan ang dalawa na nakaupo sa couch. Naramdaman kong sumunod sa’kin si Ethan habang naiwan sa office ko si Samuel.
“Callan, what’s your plan with Vania? Kailan pa siya tumira sa bahay mo?’’
“Since yesterday… Tinulungan ko lang ‘yung tao, overreacting kayo.”
“Come on, parang hindi naman kita kilala. Alam ng buong mundo na mahal mo pa rin si Vania.”
“She married an asshole, she don’t deserve a guy like that. I want her back, masisiraan ako ng ulo kapag hindi ko siya nabawi.”
Marahan na hinampas ni Ethan ang likuran ko na para bang sinasabi niya na huwag akong magalala at mababawi ko si Vania.
“Kailan mo ba hindi nakuha ‘pag ginusto mo? Alam mo namang suportado kita sa lahat. Let me know if you need my help.”
Lalong tumaas ang kumpyansa ko sa sinabi ni Ethan. Alam kong hindi biro itong pinasok ko, mahaba-haba ang pagdadaanan ko dahil pamilya ni Vania ang kalaban ko rito. Kitang-kita naman kung gaano niya kamahal ang anak niya, at alam ko na nagawa niyang magtiis sa piling ng asawa niya alang-alang sa anak nila. Ngunit gaya ng sabi ko, handa akong gawin ang lahat mabawi ko lang ulit siya.
Nang matapos ang board meeting ay may biglaan akong appointment, hindi ko magawang kanselahin dahil meeting iyon mula sa isa naming VIP client. Sinubukan kong tawagan si Vania para ipaalam na baka hapon na ako makauwi ng bahay pero hindi nito sinasagot ang tawag ko.
Inutusan ko si Emma na puntahan si Vania dahil hindi ako mapakali, kinakabahan ako sa naisip ko na baka umalis na ito at muling bumalik sa asawa niya.
“Hey, Mr. Andrada, hold your thoughts. Ako ang nasa harap mo, sa akin lang dapat ang atensyon mo,” bumalik ako sa realidad nang padaanin ni Iris ang hintuturo niya pababa sa aking mukha. Siya ang tinutukoy ko na VIP client.
Naghahanap ang team ko ng perpect spot sa Puerto Princesa na tatayuan ng panibago naming branch. Mangyaring isa ang beach house na pagmamay-ari nito sa napupusuan ng team ko kaya nandito siya para bigyan ako ng proposal. Nakilala ko si Iris nang minsan akong mag bakasyon sa Bohol, siya ang may-ari ng lugar kung saan ako nanuluyan. We had a one-night stand. Ilang beses na rin siyang nagtangka na akitin ako umaasang maulit kung anuman ang nangyari sa amin noon.
She’s hot but not as gorgeous as Vania. Siya yung tipo ng babae na masarap lang sa kama, hindi girlfriend material. Nilinaw ko sa kaniya na lasing lang ako no’ng gabi na may nangyari sa’min pero talagang makulit siya. Hindi ko naman siya puwedeng iwasan, I’m professional when it comes to our business.
“I’ll read your proposal in my office, i-a-update ka na lang ng assistant ko.”
Akmang tatayo na ako nang umupo siya sa ibabaw ng mga hita ko saka niya inilapit ang mukha niya sa’kin. Mabuti na lang at tinted ang conference room dahil kung hindi ay kitang-kita na sa labas ang ginawa nito.
“Where do you think you’re going? No one’s around, Mr. Andrada. You can f**k me –”
Naputol ang sinasabi niya nang bumukas ang pinto ng conference room. Napatayo ako sa pagkabigla nang mapagsino ang taong nasa pintuan habang napamura naman si Iris sa pagkahulog niya sa sahig.
“Sir, she was at the lobby and I thought you would want to talk to her. Kumakatok po ako pero walang sumasagot kaya ang akala ko ay wala po kayo rito, kaya ko po binuksan ay para masiguro. Sorry to disturb you po.”
Paliwanag ni Emma habang hawak ang door knob, nasa likuran niya si Vania at may hawak iyong paper bag. Hindi ko mabasa ang reaksyon sa mukha niya, nakangiti siya pero hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya nang makita ang posisyon namin ni Iris.
“Dalhin mo na muna siya sa office ko, susunod na ‘ko.”
Mabilis ko nang tinapos ang usapan namin ni Iris saka ako nagmamadaling bumalik sa opisina ko. Pagkapasok ko ng pinto ay bumungad kaagad sa’kin ang nakangiting mukha ni Vania habang nakaupo sa sofa. May mga pagkain na ring nakahanda sa marmol at babasagin na coffee table.