VANIA’s POV
Sinalubong ko ng matamis na ngiti si Callan pagkapasok nito sa kaniyang opisina. Hindi ako nararapat na maapektuhan sa nakita ko pero parang may kumukurot sa puso ko kada maiisip ko iyon. Kung gaano kalapit ang mukha niya sa babaeng kasama kanina. Sinaway ko ang sarili nang muling rumehistro sa alaala ko ang posisyon nila.
“Pasensya ka na at sinadya kong hindi sagutin ang tawag mo para surpresahin ka. Ipinagluto kita ng tanghalian kaso pasado alas dose na ay wala ka pa, naisip ko na baka busy ka kaya pumunta na lang ako rito. Wala rin kasi akong gagawin sa bahay mo, maaga akong natapos maglinis,’’ paliwanag ko habang papalapit siya sa’kin.
“Thank you, V. I appreciate the gesture,” umupo siya sa tabi ko, kinuha ang lunch box na may laman na kanin at nilagyan ang ibabaw no’n ng chicken salpicao. Dinampot ko na rin mula sa mesa ang lunch box na dinala ko para sa akin at sabay namin sinimulan kumain.
“Nakaistorbo ba kami sa meeting mo kanina?” Bigla siyang nasamid sa tanong ko, mabilis kong binuksan ang tumbler na dala ko at kaagad ko iyong iniabot sa kaniya. Sunod-sunod ang paglagok nito sa tubig, nang matapos uminom ay saka lamang siya muling nakapagsalita.
“Not at all, hindi ka kailanman naging istorbo. And about that, Iris is one of our VIP.”
Ako naman ang sunod na nasamid, inagaw ko ang hawak na tumbler ni Callan at mabilis iyong ininom. Hindi ako sigurado kung bahagi ba ng serbisyo sa mga VIP client nila ang nakita namin ng assistant niya kanina.
“It`s not what you think. Nakilala ko si Iris bago pa namin siya maging kliyente. I don`t know how to say it but she`s interested in me. Huwag mong bigyan ng motibo kung anuman ang nakita mo, wala iyong ibig sabihin. ”
Nagtataka ko siyang tinignan, wala naman siyang dapat ipaliwanag pero ginawa niya pa rin. Muli niyang kinuha sa`kin ang tumbler at uminom ro`n. Then I realize that we just shared a drink, that`s considered as kissing. Gusto kong sapuhin ang noo ko sa kapilyahan na naisip ko.
“Bakit ka nagpapaliwanag sa katulong mo?”
Pagak akong tumawa. Ayoko na makalimutan niya ang katayuan ko ngayon sa buhay niya. Nagtatrabaho ako bilang kaniyang kasambahay at hindi porque may nakaraan kami ay obligasyon niya nang magpaliwanag sa`kin.
“I don`t see you as a housemaid, you know that, right?”
“Kung gano`n anong tawag sa trabaho ko, Cal? Hindi mo ba ko puwedeng tratuhin na lang bilang kasambahay? Hindi mo kailangan ipaliwanag sa`kin ang mga bagay na hindi sakop ng karapatan ko na malaman.”
Hindi ko kasi nagugustuhan kung paano niya ko tratuhin. Parang kagaya pa rin ng dati, espesyal.
“Can`t you just accept my explanation? Gusto ko lang isipin na kahit papano ay nakaramdam ka rin ng selos.”
“Because I`m not, so I can`t. I`m sorry, Cal.”
Padabog niyang ibinaba ang lunch box na hawak saka ito tumayo at naglakad papunta sa desk niya. Sobrang laki ng utang na loob ko kay Callan kaya gusto kong magpakatotoo sa kaniya. Sa daloy ng usapan namin ay nakukuha ko naman ang pinupunto nito. Ngunit ayokong bigyan ng kahulugan ang mga pinapakita niya, mas lalong ayoko siyang paasahin sa bagay na napaka imposibleng mangyari.
Mas gugustuhin ko pang tratuhin niya kong katulong kaysa higit pa ro`n. Walang ibang mahalaga sa`kin kundi ang pamilya ko, ang anak ko. Hindi ako maaaring makaramdam ni katiting na pagtingin para kay Callan. Ngayon pa lang ay kailangan ko nang patayin kung anuman iyong hindi maipaliwanag na naramdaman ko kanina.
“You may leave, thanks for the food.”
Malamig ang tono ng boses niya. Hindi ako sumagot at sinimulan ko nang ligpitin ang pinagkainan namin.
“LEAVE! NOW!”
Umalingawngaw sa buong kuwarto ang sigaw niya, wala akong sapat na lakas ng loob para sulyapan siya. Mabilis kong ibinalik ang mga lunch box sa paper bag, hindi ko na iyon nagawang takpan kaya natapon at kumalat na sa loob nito ang mga natira naming pagkain.
Hindi na ako nagpaalam at kaagad na akong lumabas ng opisina niya. Sinalubong ako ng assistant nito pero nilagpasan ko na lamang iyon. Paulit-ulit kong pinindot ang button ng elevator upang magbukas ito.
Sobra ba ang hiniling ko kay Callan para magka gano`n siya? Dapat ba ay hinayaan ko na lang na ipagpatuloy nito ang ginagawa niya? Alam ng pamilya ko na umalis ako sa bahay para mag trabaho kabayaran sa hiniram kong pera mula rito, hindi para suklian ang kaniyang nararamdaman. Natatakot ako sa maaaring isipin ng anak ko sa`kin.
Bumukas ang elevator at dali-dali akong pumasok ro`n saka ko pinindot ang ground floor. Pasara na ang pinto nang may kamay na humarang para pigilan iyon. Nabigla ako nang mapagsino ang lalaking pumasok, may pinindot ito na button na hindi ko na nasundan kung ano. Kaagad na sumara ang pinto kasabay nang pagpatay ng ilaw sa loob at ang pagtigil ng makina nito. Tanging emergency light na lamang ang naiwan na nakabukas, dim at mahina ang binibigay no`n na liwanag sapat lamang para maaninag pa namin ang isa`t isa.
Dahan-dahang humakbang papalapit sa`kin si Callan hanggang sa maramdaman ko ang malamig na bakal mula sa aking likuran.
“I`m so sorry, V. Hindi ko sinasadyang masigawan at paalisin ka.”
“O-okay lang, b-baka may nasabi rin kasi ako…”
Hindi ko na naman magawa na makapagsalita ng deretso. Isang dangkal na lang yata ang layo ng mukha namin, naaamoy ko na rin ang hininga niya na amoy menthol pa rin kahit pa kumain ito kanina.
“About what you said… Treating you as a maid, I think I can do that.”
Mas lalo niyang inilapit sa`kin ang kaniyang katawan, pigil ang paghinga ko nang maramdaman ko ang pagtama ng dibdib ko sa katawan niya.
“Then from now on, treat me as your boss. Gagawin mo lahat ng gusto ko nang walang reklamo.”
Nakuyom ko ang aking kamao nang ilapit niya ang labi niya sa tainga ko para sabihin iyon. Tila nagtaasan lahat ng balahibo sa katawan ko.
“O-okay…”
Hindi ko na nagawang dugtungan pa ang sinabi ko dahil siniil niya na ko ng halik. Naramdaman ko ang pagpulupot ng braso niya sa beywang ko. Marahan at maingat ang una niyang mga halik na kaagad ding napalitan nang mariin at marahas. Ipinasok niya ang dila niya sa loob ng bibig ko, halos maghalo na ang laway naming dalawa.
Wala akong nagawa kundi tanggapin ang nakakalunod na mga halik nito. Pakiramdam ko ay sasabog anumang oras ang puso ko sa sobrang bilis ng t***k no`n. Tila babagsak din ang katawan ko kapag binitawan niya ang pagkakahawak sa beywang ko dahil sa panlalambot nang aking mga tuhod.
Natigilan si Callan sa paghalik sa`kin nang pareho namin maramdaman ang pagtulo ng mga luha sa pisngi ko. Halo-halo ang nararamdaman ko, lahat iyon ay bago sa`kin kaya hindi ko maipaliwanag kung anu-ano.
Hindi ko itatanggi na may bahagi sa puso ko na matagal hinanap-hanap ang mga halik niya, ang labi nito. Ngunit malaking parte ng utak ko ang nagsasabing mali lahat ng nangyayari, kasalanan ito at hindi tama.
“f**k,” usal ni Callan sa hangin saka siya lumayo sa`kin.
May pinindot ulit siya sa elevator, bumalik ang liwanag no’n at bumukas ang pinto. Dere-deretso siyang lumabas at iniwan ako nang hindi sinusulyapan. At tuluyan na akong napaupo habang sapo ang dibdib ko.