CALLAN’s POV
I never felt this happy for a very long time. Finally, I kissed her again. I tasted her lips. I want to do more than just a kiss, but I held back. Sabi ko sa sarili ko, `hindi pa ngayon, I will make her mine when the perfect time comes.’
Parang may sumuntok sa dibdib ko nang maramdaman ko ang pagpatak ng luha sa mukha niya. What I have done to make her cry? Para niya na rin akong sinampal, ako lang pala ang masaya sa halik na iyon. Napaka gago ko para isipin na nagustuhan niya rin ang ginawa ko kahit paano.
Pagbalik ko sa office ay naabutan kong naka-dekuwatro sa sofa si Iris. Ni lock ko ang pinto, nang makalapit ako sa kaniya ay sinalubong ko siya ng masibasib na halik. Binuhat ko siya papunta sa cr nang hindi pinuputol ang mga halik namin, naka pulupot ang mga braso niya sa leeg ko.
Pinatong ko siya sa sink at sinandal sa salamin. Sabik na sabik niyang ibinaba ang pants na suot ko habang mabilis ko namang inalis ang manipis na underwear na suot niya. And right there, I f**k the hell out of her. Walang ibang laman ang utak ko nang mga sandaling iyon kundi ang mukha ni Vania at ang mga luha na umaagos mula sa mga mata niya.
Inagaw ni Samuel ang baso ng alak na hawak ko, narito kami ngayon sa Tomas Morato kung saan located ang isa sa mga pag-aaring Pub ni Ethan. Kami lang ang umiinom habang si Samuel ay abala sa pagkain at sa pagbabantay sa mga iniinom namin. Sinisigurado niya na kaya pa namin mag maneho at makauwi sa kaniya-kaniya naming mga bahay.
“Tangina, bro, ibalik mo yan! Hindi pa ko lasing!” muli kong inagaw sa kamay ni Samuel ang basong hawak nito saka ko i-straight na ininom iyon.
“Huwag kang mag reklamo ‘pag gumagapang ka na mamaya pauwi,” sumandal siya sa sofa, senyales na suko na siya sa pagpigil sa’kin.
“Ano ba kasing nangyari sa inyo ni Vania? Nakasalubong ko siya sa lobby ng hotel, tulala. Nag hi ako pero mukhang hindi niya ko nakita,” tanong ni Ethan kasunod nang pagtungga sa hawak niyang bote.
“We kissed,” matipid na sagot ko bago magpakawala ng malalim na buntong hininga.
“Kiss? Iyon lang? Baka magulat pa kami ni Sam kung may nangyari na kaagad sa inyo, pero kiss? What’s the big deal?”
Nag salin ako ng alak sa baso ko saka ko muling tinapunan ng tingin si Ethan.
“She cried.”
“Hinalikan mo lang, umiyak na? Samantalang ang daming babae riyan na kulang na lang maghubad sa harapan mo, mapansin mo lang.”
“Stop it, Ethan. Huwag mo ngang itulad si Vania sa mga babaeng tinutukoy mo, ibahin mo siya. Siguradong hindi niya nagustuhan ang ginawa mo, bro.”
Tama naman ang sinabi ni Samuel, hindi ko lang matanggap. Umaasa pa rin kasi ako na may lugar pa rin ako sa puso niya, na kahit papano ay may katiting pa rin siyang nararamdaman sa’kin. Paano niya ko nagawang kalimutan sa mga nakalipas na taon habang heto ako, malapit nang masiraan kakaisip sa kaniya.
“Hindi natin alam, malay mo umiyak siya kasi na-miss niya pala ‘yong ginawa mo? Subukan mong ulitin, tignan mo kung ganoon pa rin ang reaksyon niya.”
Gusto kong matawa sa payo ni Ethan, na palagay ko ay may sense naman. Iyon naman talaga ang plano ko. Tutal ay kay Vania naman nanggaling na mas gusto niya na tratuhin ko siya bilang maid ko. That means I can do to her whatever I like. Kung hindi uubra sa kaniya ang pagiging good boy ko kagaya noong kami pa, might as well be a bad guy. Kung iyong sugarol at walang kwenta niya ngang asawa natagalan niya. Wala akong planong sumuko, ni hindi pa kami naguumpisa.
“Kung alam ko lang na kailangan pala ni Vania ng tulong, hindi ko siya hahayaang lumapit pa sa’yo, bro. Tutulungan ko siya ng walang kapalit.”
Nag pantig ang tenga ko sa sinabi ni Samuel, hinawakan ko ang kuwelyo ng polo shirt nito at hinila iyon.
“Umamin ka nga sa’kin, may gusto ka kay Vania, ano?!”
“Hoy, Callan, tigilan mo nga ‘yan.”
Pilit na inalis ni Ethan ang kamay ko sa pagkakahawak sa damit ni Samuel, pero wala akong balak bitawan siya hanggat wala akong naririnig na sagot.
“Vania and I are used to be friends. We both know kung anong klaseng babae si Vania. I just don’t like the idea that you’re taking advantage of her situation.”
“Hindi ko hinihingi ang opinyon mo! Kung talagang wala kang gusto kay Vania, mind your own damn business! Huwag mo gawin dahilan na dati kayong mag kaibigan! If that friendship was true, you will know her struggle! Alam mo sana kung anong buhay ang mayroon siya sa putang inang napangasawa niya!”
Pabagsak kong binitiwan ang kuwelyo niya saka siya itinulak kaya ito napahiga sa sofa.
“Isang beses pa na makialam ka, makakatikim ka talaga sa’kin! Higit kanino man, ako ang pinaka nakakakilala kay Vania. That’s why I want the best for her. She deserves better.”
Mabilis kong nilagok ang natitirang alak sa bote saka ako tumayo sa pagkakaupo at iniwan sila. Narinig ko pang tinawag ako ni Ethan pero hindi ko na ito nilingon pa. Pinaharurot ko pauwi ang sasakyan ko. Maghahating gabi na at mag-isa lang si Vania sa bahay ko, hindi ko maiwasang mag-alala.
“Bakit ka ba kasi nagpakalasing?” kinuha ni Vania ang kaliwang braso ko saka ipinatong iyon sa balikat niya para alalayan ako tumayo at maglakad papasok ng bahay.
Pagkababa ko kasi ng kotse ay biglang nawalan ng lakas ang mga binti ko. Ilang minuto rin yata akong nakaupo sa sahig habang nakasandal sa sasakyan ko nang maramdaman ko ang paglapit niya sa’kin.
“V, I miss you… I can’t stop thinking about you.”
Wala na akong pakialam anuman ang isipin niya. Hindi ko na kontrolado ngayon ang mga lumalabas sa bibig ko gawa ng alak. Mainam na rin siguro na malaman nito ang mga nararamdaman ko.
“Let’s process your annulment so we can get married…”
Nang makarating kami ng hagdanan ay naramdaman ko ang pagpulupot nang kaniyang isang braso sa balakang ko para mas masuportahan ang katawan ko sa pag-akyat.
“V, sabihin mo naman sa’kin anong sikreto mo, paano mo ko nakalimutan? Ilang beses ko naman sinubukan mag move on, but I always ended up loving you all over again.”
Muntik akong masubsob dahil nagkamali ako ng hakbang sa kasunod na baitang pero maagap niyang nasapo ang dibdib ko kaya hindi ako natumba.
“You can take all my money, it doesn’t matter if I go broke… Just stay with me, huwag mo akong iiwan.”
Pabagsak niya akong inihiga sa kama, hindi ko na rin halos maidilat ang mga mata ko. Gusto ko pang buksan ang mga iyon para matitigan ang mukha niya. Naramdaman kong isa-isa nitong inalis ang butones ng polo na suot ko, gumaan ang pakiramdam ko nang makaramdam ang katawan ko ng lamig na nagmumula sa aircon ng silid ko. Parang nagaapoy kasi ako sa init, epekto pa rin ng alak.
Bahagya akong dumilat, naaninag kong paalis na si Vania kaya kaagad kong pinigilan ang kamay niya. Magsasalita pa sana siya pero ginamit ko lahat ng natitira kong lakas para hilahin siya. Bumagsak ang katawan niya sa ibabaw ko.
“C-Cal, kukuha ako ng towel at tubig na ipupunas ko sa’yo.”
“No need, I can just take a shower in the morning.”
“P-Para makatulog ka na, mas gagaan ang pakiramdam mo.”
“Mas makakatulog ako kung hindi ka aalis sa tabi ko. Please, V, let’s stay like this even just for tonight.”
Alam kong hindi siya kumportable sa posisyon namin kaya marahan kong binuhat ang katawan niya at hiniga iyon sa tabi ko saka ko siya binalot ng mga yakap ko.
‘Sana pag-gising ko bukas nasa tabi pa rin kita. Ano kayang pakiramdam na mukha mo kaagad ang makita ko pag-dilat ko sa umaga? I bet that would be nice.’