CHAPTER THREE

1088 Words
VANIA’s POV Isang mahigpit na yakap ang ibinigay ko kay Tasha saka ko dinampian ng halik ang noo niya. “Magpapakabait kay Papa, okay? Tatawagan ko kayo tuwing gabi, bago matulog, para hindi mo maramdaman na malayo si Mama. Uuwi ako every Sunday para makapamasyal tayo. Be a good girl, Tash. Mama loves you so much.” Masuwerte ako’t naintindihan kaagad ng anak ko nang ipaliwanag ko na kailangan kong mag trabaho at pansamantala akong malalayo sa kaniya. Pinatigil ko na muna si Timothy sa trabaho nito para matutukan ang pagbabantay kay Tasha. ‘Yong sobrang pera na binigay ni Callan ay ginamit ko para makapagpatayo ng maliit na sari-sari store sa harap ng bahay. Doon muna sila kukuha ng pang araw-araw na pangangailangan at nang sa gano’n ay umiikot din ang natira naming pera. Hindi nagawang umpela ni Timothy nang sabihin ko sa kaniyang magiging kasambahay ako kapalit ng pera na inutang ko pambayad sa lahat ng atraso niya. Hanggang ngayon ay sinisisi niya ang kan’yang sarili. Hindi ko na rin in-open up pa na kay Callan ako humingi ng tulong, ayoko nang mahabang diskusyon at mas lalong ayoko ng gulo. After all, ginawa ko naman lahat ng ito para sa pamilya namin. Ano ba naman ang walong buwan na pagiging house maid kapalit ng aming kaligtasan? Masama pa rin ang loob ko sa asawa ko, hindi ko man sinasabi sa kaniya pero alam kong nararamdaman niya na sinisisi ko rin siya sa lahat ng nangyari. Muli siyang nangako sa’kin sa huling pagkakataon na magbabagong buhay na siya. Matapos siyang tutukan ng baril sa kaniyang ulo, ewan ko na lang kung hindi pa talaga ito matauhan. Lumapit si Timothy sa’kin, inabot niya ang suitcase na dadalhin ko sa pag-alis at saka ako nito mabilis na hinalikan sa labi. “Mahal na mahal kita, Van.” Matipid na ngiti lamang ang sinagot ko sa kaniya. Narinig ko pa ang malakas na iyak ni Tasha paglabas ko sa pinto ng aming bahay. Bago pa tumulo ang aking luha ay naglakad na ko palayo. Ang usapan namin ni Callan ay susunduin niya ako sa guard house kung saan niya rin ako huling hinatid. Ngayon pa lang nag s-sink in sa sistema ko na pansamantala akong maninirahan at maninilbihan sa bahay niya, hindi ko maiwasan na kabahan. Kabang hanggang ngayon ay hindi ko maipaliwanag kung anong dahilan. Hindi pa man ako nakakalapit ay sinalubong na ako ni Callan, kinuha nya ang mga gamit na dala ko at sabay kaming naglakad papalapit sa kaniyang kotse. “Hindi pa ‘ko nag d-dinner, kain muna tayo?” tanong ni Callan habang pinagbubuksan ako ng pintuan. “Sa bahay mo na lang tayo kumain, ipagluluto kita,” ikinabit ko ang seatbelt saka hinintay na makaupo siya sa driver’s seat. “Sounds good. Ba’t hindi ko ‘yun naisip?” tumawa siya ng pagak bago binuhay ang makina ng sasakyan. Binalot kami nang nakakabinging katahimikan habang nasa byahe. Nag aalangan ako na kausapin siya’t baka kasi nasa pagmamaneho ang focus niya. Napansin niya yata na masiyadong tahimik sa loob ng kotse kaya binuksan niya ang music player. Sabay kaming nagka tinginan nang marinig ang isang pamilyar na kanta. Guys next door’s I’ve been waiting for you started to play in the background. Napuno ng mga halakhak namin ang buong sasakyan. Heto ang kinanta niya sa’kin noon nang tanungin niya ‘ko kung pwede na ba namin gawing official ang aming relationship. “f**k this, it brings back so much memories,” aniya saka nagpakawala ng malalim na buntong hininga. “I’m so sorry kung ngayon ko lang ‘to itatanong, sobrang stress ako no’ng huli tayong nakita kaya nakalimutan na kitang kamustahin. How have you been for the past 6 or almost 7 years?” Hindi na rin kasi ako sigurado kung ilang taon na ba ang nakalipas. We’re on fourth year college nang umalis siya para manirahan sa states kasama ang mom niya, that was year 2015. Makalipas ang isang taon ay nakilala ko sa trabaho si Timothy. Sa kagustuhan ko na makalimutan nang tuluyan si Callan ay pumayag akong makipag relasyon kay Timothy. We had s*x, twice. Akala ko kasi no’n ay iyon na lang ang tanging paraan upang tuluyan kong mabura lahat ng alaala ni Callan. Hindi namin inaasahan pero nabuo si Tasha, wala akong pinagsisihan nang dumating ang anak ko sa buhay namin kahit pakiramdam ko ay masiyado pang maaga. We had a civil wedding. Anim na buwan na ang tiyan ko nang ikasal ako kay Timothy pero dahil petite ako ay hindi halata ang laki no’n. January 2017 nang isilang ko si Tasha. Kung tama ang pagkakaalala ko ay mahigit anim na taon na nga ang nakakalipas mula nang huli kong makita si Callan bago ito umalis ng bansa. “I’m still single, I had flings pero hanggang doon lang,” nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito. Hindi ko inaasahan ang naging sagot niya. Buong akala ko ay may sarili na rin siyang pamilya. “Mom died last year. Naging abala ‘ko sa family business namin, I have no time to be in a serious relationship.” Sa tono nang kaniyang paliwanag ay para bang alam niya na kaagad kung anong tumatakbo sa isip ko. Hindi ko napigilan magpakawala ng mahinang tawa. “Hanggang ngayon defensive ka pa rin, you don’t need to explain.” “Baka kasi isipin mo hindi pa rin ako nakakamove-on sa’yo.” Napalitan ang mahina kong pagtawa ng halakhak na muling pumuno sa loob ng sasakyan. “At magaling ka pa rin mag biro! Kahit kailan ay hindi sumagi ‘yan sa isip ko. Inaasahan ko nga na may asawa kang ipapakilala sa’kin pagdating natin sa bahay mo.” Napansin kong nag-iba ang pinta ng mukha nito kaya bigla akong natahimik. Pilit kong inalala kung may nasabi ba akong mali na hindi niya nagustuhan. “The only woman that I wanted to marry, ended up marrying another guy. Sounds pathetic, right?” Pinatay ni Callan ang music player kaya binalot na naman kami ng nakakabinging katahimikan. Idagdag pa na hindi ko masiyadong na proseso ang ang sinabi nito. Hindi ako sigurado kung tama ba ang pagkakaintindi ko. “May nasabi ba ako na ikinagalit mo?” lakas loob na tanong ko. “V, bakit hindi mo ko hinintay?” tanong niya pabalik sa’kin. Parang paulit-ulit iyon na nag echo sa tainga ko. Gusto kong sisihin ang nakakabinging katahimikan sa takot na baka marinig ni Callan ang mabilis na t***k ng puso ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD