CHAPTER FOUR

1209 Words
CALLAN’s POV  Kahit naka max ang aircon sa loob ng sasakyan ay ramdam ko na may namumuong butil ng malamig na pawis sa noo ko. I’m dying to know the reason. Bakit nga ba hindi ako nagawang hintayin ni Vania? “Things happened. I waited for a year, hanggang sa napilitan na lang ako na tanggapin na hindi ka na babalik. I’m sorry, Cal.” Pilit akong tumawa para lang mawala ang awkwardness sa pagitan namin. Hindi ko alam na hinintay niya pala ako. Siguro kung mas napaaga lang ang balik ko ay baka kami pa rin hanggang ngayon. Baka ako ang napangasawa niya’t marahil ay may mga anak na rin kami. “Don’t get me wrong, it’s just my curiosity. So how or where did you meet your husband?” pagbabago ko sa usapan. I don’t want her to feel uncomfortable. “The usual, office mates.” matipid na sagot nito. “How old is your daughter?” huli na nang ma-realize ko na hindi niya pa nga pala nababanggit sa’kin na babae ang anak niya. “I saw your post in facebook.” depensa ko. “Ah, she’s four.” “And when did you get pregnant?” Hindi ko maiwasan mapaisip, parang lumalabas kasi na matapos niya ko hintayin ng isang buong taon ay may nahanap kaagad siyang bago at nabuntis siya nito. “Mabilis ang mga nangyari, tatlong buwan bago ko sagutin si Tim,” parang gusto kong suntukin ang manibela sa naging sagot niya. “Seriously, V? Gano’n kabilis!?” Mariin ang pagbitaw ko ng mga salita. Hindi niya ko masisisi, tatlong taon naging kami samantala tatlong buwan pa lang sila ng tarantadong ‘yun ay kaniya nang ibinigay ro’n ang sarili niya. “Gano’n kita kagusto makalimutan nang mga panahon na ‘yon.” “In five minutes nasa bahay na tayo,” malamig ang tonong pagiiba ko ng usapan. Hindi ko alam kung anong posible kong magawa kung magpatuloy pa iyon kaya minabuti ko nang tapusin. Hindi ako makapaniwala. Hindi ko nakilala si Vania bilang ganoong klase ng babae. She gave herself to the man he barely knows! Damn it. Nagpupuyos ako sa galit. Gusto kong suntukin ang lalaki na ‘yon, she took advantage of her. Iginiya ko si Vania papasok sa loob ng bahay, bitbit ko ang maliit na maletang baon niya. Pasimple ko siyang sinulyapan, kitang-kita sa mukha niya ang pagka mangha. Naglakad ako paakyat sa mataas na hagdan ng bahay, nakasunod lamang siya sa’kin habang ginagala ng kaniyang tingin ang kabuuan nito. Binuksan ko ang pinto na katabi ng aking kuwarto. Inilapag ko ang gamit niya sa ibabaw ng malaking kama. Bago ko siya papuntahin dito ay ipinalinis ko ang buong bahay sa mga dati kong kasambahay. Bihira kasi ako umuwi rito, tama na ang isa o dalawang beses sa isang linggo. Halos sa office na ko tumitira, nagagawi lang ako sa bahay na ito kapag kailangan ko ang room ko. Dito ko dinadala ang mga babaeng ginagamit ko pampalipas ng oras, stress at boredom. “You can fix your things later, kain muna tayo,” tumango lamang siya sa sinabi ko. Habang pababa kami ay naramdaman ko ang vibration ng phone ko, kinuha ko iyon sa bulsa para i-check. Notification ng food delivery, sa inis ko kanina nag book na lang ako nang puwede namin kainin. Nawalan ako ng gana na tikman ang luto niya dahil sa nalaman ko. Pansamantala ko siyang iniwan sa dining area para kunin ang pagkain sa gate. Hindi ko alam kung tama ba na pinaalis ko lahat ng kasambahay, wala tuloy ako ibang mautusan. Pagbalik ko sa dining area ay naabutan ko si Vania na may tinititigan sa screen ng phone niya. Huminto ako sandali sa likuran niya para makita kung ano iyon. It’s a picture of her daughter with the f*****g guy. Padabog kong ibinaba sa mesa ang dala kong supot ng mga pagkain na siyang ikinagulat niya. “No cellphones during working hours or whenever I’m around.” Mabilis niyang itinago sa kaniyang bulsa ang hawak niyang phone. “Sorry, Cal. Hindi ko napansing nakabalik ka na.” Tumayo siya para ihanda ang mga pagkain. Parang gusto kong bawiin ang sinabi ko. Hindi ko gusto na mag higpit sa kaniya. Nakakagalit lang na ako ang kasama niya pero sa mukha pa rin ng lalaki na iyon siya nakatingin. “Hindi na ba kayo ginugulo nang pinagkakautangan niyo?” Nasa kalagitnaan na kami nang pagkain. This is our first meal together. Now I look forward to eat with her every single day. “Salamat sa tulong mo at hindi na,” nalagyan ng sauce ang gilid ng kaniyang bibig. Kinuha ko ang tissue sa gilid at pinahid iyon. “Paano ba kayo nagkaroon nang gano’n kalaking utang?” Nilagyan niya ng tubig ang baso ko. “Nalulong sa sugal si Tim, umabot sa punto na ‘yong sinasahod niya sa trabaho ay sa sugal na lang napupunta. Hanggang sa nalubog siya sa utang, maging savings namin para kay Tasha ay naubos,” Bakas ang ang kalungkutan at panghihinayang sa boses ni Vania. Hindi ko maiwasan murahin at isumpa sa utak ko ang lalaking iyon. Masusuntok ko talaga ang pagmumukha no’n kapag nakita ko. Hindi ganito ang buhay na pinangarap ko para sa kaniya. “Wala akong alam na may gano’n kalaki siyang utang. Nagulat na lang ako nang pasukin ang bahay namin, tinutukan siya ng baril at pinagbantaan kaming papatayin,” dagdag pa nito. “That s**t doesn’t deserve any part of you. Ang kapal ng mukha ng tarantadong ‘yon!” Nakuyom ko ang kaliwa kong kamao na nakapatong sa mesa. Naaawa ako sa kalagayan ni Vania. Natali siya sa isang napaka walang kwentang tao. Mas lalo ko siya ngayon gustong bawiin sa lalaking iyon. Bibigyan ko siya ng magandang buhay, silang dalawa ng anak niya. “Bakit hindi mo iniwan? You’re better off without him.” “May anak kami, at mahal ko ang pamilya ko.” “Siya ba, mahal mo? I doubt, V. Walang matinong babae ang magmamahal sa gano’n klaseng lalaki.” “Kung tapos ka na kumain, Cal, magliligpit na ako.” Akmang tatayo na siya mula sa pagkakaupo nang hawakan ko ang kaliwang kamay niya. “Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko.” Tinapunan niya ng tingin ang kamay ko na nakahawak sa kamay niya bago ako nito matamang tinignan. “Kasal kami, Cal. Normal lang na mahalin ko siya.” ‘Ilang taon man tayong nagkalayo pero alam ko pa rin kung paano basahin ang mga mapupungay na matang ‘yan. Alam ko kung kailan ka nagsisinungaling, V.’ Hindi na ako kumibo at bumitaw na ako sa pagkakahawak sa kaniya. Tinungga ko ang isang baso ng tubig bago umalis sa dining area. Hindi na rin ako nag abala na lingunin pa ulit siya. Naniniwala ako na hindi totoong mahal niya ang taong iyon. Ang hindi lang ako sigurado ay kung may nararamdaman pa rin kaya siya sa’kin hanggang ngayon. Mayroon man o wala, sisiguruhin ko na hindi matatapos ang walong buwan na pamamalagi niya rito nang hindi siya napapasakin. ‘I will make you mine and make you fall harder... Hanggang sa hindi mo na gugustuhin na umuwi pa sa pamilya mo.’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD