HABANG nakikipag-usap si Rhodri sa iba pang mga bisita ni Leon sa negosyo, kalaunan ay nilapitan siya ni Linah na tila lasing. “Li-- Dinah! Lasing ka na, ah!” Muntik nang mabanggit ni Rhodri ang tunay na pangalan ng kaniyang sekretarya. “Hindi ako lasing, Rhod, nakainom lang,” natatawang wika nito. Habang nagsasalita ito, napansin ni Rhodri ang pagkadismaya sa mukha ng kan’yang sekretarya na animo ay may hinahanap. “Nababaliw ka na talaga, Linah! Alam kong nagkakagan’yan ka dahil sa nanay mo! Hindi mo na masasaktan ang ina mo simula sa araw na ito!” sambit niya sa sarili nang bigla niyang naalala ang kawawang si Corazon. “Mabuti pa magpahinga ka muna, Dinah,” Tumango naman si Linah. “Puwede ko bang mahiram ang susi ng kotse mo, Rhod? Doon na lang siguro ako magpapahinga.” Biglang

