“BY THE WAY, maiwan ko muna kayo. Pupuntahan ko na lang ang may-ari nitong bra, ibabalik ko lang 'to sa kan'ya,” nakangiting wika ni Rhodri habang nakatutok ang mga mata kay Dom. Lalong nagalit si Dom dahil sa sinabi ni Rhodri. Mayamaya ay biglang lumapit sina Tatay Pedring at Nanay Soledad sa kanila na ikinagulat naman ni Dom. Ang buong akala niya ay hindi dumalo sa party ang mga magulang niya dahil kanina pa niya hinahanap ang mga ito. "Magandang umaga, Sir Leon!" Pilit na ngumiti si Tatay Pedring habang nakaharap kay Leon. Nagtataka naman si Dom dahil sa inasal ng kaniyang ama. “Nako, Mang Pedring, Leon na lang po ang itawag ninyo sa akin. Masaya ako at tinanggap ninyo ni Aling Soledad ang imbitasyon ko sa inyo,” nakangiting tugon naman ni Leon. “Huh! Ang haba talaga ng sungay mo,

