MAS lalong nag-aalala si Soledad sa kan’yang apo. Nag-aalala siya na baka gawin din ni Leon ang ginawa nito sa anak nilang si Dulce. “Huwag naman sana, Diyos ko po!” Bakas sa boses ng matanda ang panginginig dahil sa takot. “Huwag kang mag-alala, Soledad. Alam kong kayang labanan ni Dom ang Leon na iyon ng mag-isa!” galit na bigkas ni Pedring. “Huwag kang pakasisiguro, Pedring. Maraming tauhan ang nakapaligid kay Leon,” tugon ni Corazon. “Paano ka pala napunta rito, Corazon?” takang tanong ni Soledad. Ngumiti muna si Corazon bago nagsalita. “Kagaya ng ginawa ni Linah kay Dulce, ganoon din ang ginawa niya sa akin. Inaasahan ko naman na mangyayari ito sa akin, eh.” “Anong ibig mong sabihin?” si Pedring. “Nang malaman ko ang ginawa ni Linah kay Dulce, sinubukan kong pumunta sa pulis pa

