HABANG ipinakilala ni Leon si Dom bilang kan'yang business partner sa Leon Lee's Resort, abala naman ang mga mata ni Domenique sa paghahanap sa kan'yang mga magulang. Ganoon na lang ang pagkadismaya niya ng hindi niya mahagilap ang mga ito. Maging si Rhodri ay hindi rin niya nakita. Halos buong resort ay napuno ng mga bisita, kaya nahirapan din siyang hanapin ang mga ito. Sa halip na hanapin ang mga taong mahal niya ay itinuon na lamang niya ang kan'yang atensiyon sa mga bisita at mga media na kumukuha ng kanilang mga larawan. Habang pinagmamasdan ni Soledad si Dom na nakatayo sa entablado, hindi nito maiwasang maihi dahil sa labis na pag-aalala nito sa apo. “Pedring, samahan mo muna ako sa banyo. Ihing-ihi na ako!” pagrereklamo nito sa kaniyang asawa. Hindi napansin ng mga tauhan ni

