Tulalang pinagmamasdan ngayon nina Dane at Nitch ang balitang nasa screen monitor ng hotel. Naka-project ito sa white wall kung saan ay kita ng lahat ng naroon. Palipat-lipat ang kanilang tingin sa maliit na monitor at sa naka-project laman ang isiping, paano nangyaring nakabalik na sila sa kanilang hotel, gayong nasa training room sila ilang oras na ang nakalipas? Hindi nila mawari ang nangyari. Tila mas nadagdagan pa ang idiya ni Dane na si Zin ang may kagagawan ng lahat, katulad ng nangyari sa Mixed Club. “Nitch . . . Gano’n din ba ang iniisip mo?” tanong niya rito sabay kalabit sa siko nito. Kanina pa rin niya pinakiramdaman ang sarili niya. “O-oo. Ang creepy. Sa tingin mo ba ay talagang sinusundan tayo ng Zen na sinasabi mo? Pero ang cool lang din. Ang haba ng hair mo, Dane. Ang gwa

