Agad siyang napatulala nang bumungad sa harapan niya ang isang malawak na kapatagan. Isa itong five meters wide na purong maikling damo. Mistula itong isang ramp ng eroplano sa kanyang palagay. Wala rin siyang nakikitang kahit na ano, maliban sa napakahabang daan. Kagubatan din ang gilid nito na pakiramdam niya ay nakahiwalay sa kanyang nilalakaran. Bahagya rin siyang naalarma nang nawala ang ilaw na naghatid sa kanya sa lugar, at kahit saang angulo ay wala siyang mahagilap na teleportation device pabalik. Ang siste niya ngayon ay iyong pinasok siya sa isang kakaibang lugar at walang kahit na ano’ng labasan. ‘Hail . . .’ ‘Tse! Ba’t ngayon mo lang ako ginising huh? Gaano ba ako katagal natulog?’ ‘Subukan mo kayang maging kalmado. Kung palagi kang high blood, aba’y malamang itatago kita l

