KINABUKASAN ay nagising si Dane sa pag-vabrate ng kanyang communication device. Kita niyang mag-uumaga pa lang kaya mabilis na siyang bumaba mula sa isang malaking sanga ng puno. Nagpaalam siya kay Feh and Gasha kagabi upang magbantay sa labas ng tahanan nila. Gusto pa sana siyang samahan ni Gasha kaya lang ’di niya ito pinayagan. Nang nakababa na siya sa puno ay mabilis niyang tinungo ang isang batis kung saan nilagyan iyon ng pinagtagpi-tagpi na kurdon. Kahit sira na ang lugar ay malinis pa rin ang tubig mula roon dahil galing iyon sa kailaliman ng lupa. Agad na siyang naligo sa batis at nagbihis ng panibagong set ng uniform. Bago tuluyang lumisan sa lugar ay nag-iwan muna siya ng mensahe sa Aunt Feh niya na aalis muna siya at babalik rin siya mamayang gabi. Tulad nang nakaraan ay may

