Nakahinga naman siya nang maluwag. Dahil sa wakas ay marami na rin siyang points. Maaliwalas ang kanyang mukha na naglakad tungo sa tulala pa rin na mga naroon. “Thank you po, L4 Senior.” Nag-bow siya sa harapan nito at akmang aalis na sana. “What are your plans? Having such a huge amount of points is ludicrous. Even carrying it using your L2 soul world,” sabi ng L4 Senior, kaya malugod naman siyang humarap dito, ngunit ’di pa rin tinapunan ng tingin ang brat na L1 hunter. Mistula tinuring niya ito na parang wala lang. “Bibili po sana ako ng shelter para sa mga batang nangangailangan sa death Valley rehabilitation site, Senior,” nakangiti niyang sambit. “Hmmm . . . Maaaring matulungan kita. Are you one of those private organizations who's advocating welfare for the deceased hunters fam

