Serenny

2223 Words
‘Dane . . . Halika. Sagipin mo kami. Maawa ka sa ’min. Pinagkaitan kami ng kalayaan. Dane . . . Masyado na kaming naghihirap. Malaki ang iyong magagawa upang gumaan ang aming mga pasanin.’ “Uhm . . . Na-nasaan kayo? Nasaan kayo? Ituro niya sa ’kin, pakiusap . . .” “Dane? Dane . . .” “Nasaan kayo?” “Dane!” “Ahhh!” Namumula ang mga mata niyang napatitig kay Nitch. Alanganin itong ngumiti habang nakatingin din sa kanya. Hawak niya ang kanyang braso na namumula dahil sa malakas nitong tampal. Pakiwari niya ay baka naging wolf na siya bigla kung nariyan lang si Hail sa ginawa nito. Ramdam niya ang sting na naiwan mula sa malakas na pagkakahampas nito sa braso niya. At nakatitiyak siyang nag-iwan iyon ng marka. “Ah, eh. Pasensya ka na, Dane ha. Ano kasi. Nananaginip ka. Mukhang nasasaktan at nahihirapan kana. Nagsisimula ka na ring umiyak at ayaw pang magising. Kaya sorry na. Mukhang napalakas yata talaga ang pagkakahampas ko sa ’yo,” paliwanag nito at hindi pa rin makatingin sa kanya. Hindi pa man siya nakakapagsalita ay naguguluhan na naman siyang napatitig dito. Gulat na gulat ang mukha nito na tila ba ay nakakakita ng kakaibang nilalang sa kanyang mukha. “Ano na naman?” Tumaas ang kanyang kilay at napailing. Nagsisimula na siyang mawerduhan dito. “May dugo ka, Dane.” Gulat na gulat ang itsura nito kaya ay mas lalo lamang siyang napailing. “Sira! Alangan namang wala.” Pagak siyang napatawa sa mukhang tanga nitong kumento. “Hindi! Ang ibig kong sabihin ay ang ilong mo. May dugong lumalabas mula sa butas nito. Sandali . . .” Ramdam niya ang paghagod ng daliri nito sa ibabaw ng kanyang itaas na labi. She was horrified at mabilis na kinabig ang braso nito. “Nitchi! Nitchi!” Napatutulala siyang niyugyug ito. Nakikita niya kung paano ito bahagyang nanginig at mabilis na tumingala sa kalangitan. Ilang sandali pa ay ang dating abo nitong mga mata ay napalitan ng purong puti. Mukha itong sinaniban kaya ay agad siyang naalarma. “Ma-may pangitain kaya siya? Ba-baka may pangitain lang siya . . .” bulong niya habang hawak pa rin ang dalawa nitong braso. Dahil alam na niya ang kakayahan nito ay mas hinawakan na lamang niya ang damit ni Nitchi at bahagyang dumistansya upang hindi ito maisturbo. “Arzendia!” sigaw nito dahilan upang mabilis niya itong hinarap. “Huh? A-ano?” Matapos iyong isigaw ay tumigil ito sa paggalaw at muling nagmulat ng mga mata. Nang makita siya nito ay masigla itong ngumiti na parang walang nangyari dito. “Ha? A-ano ’yong sigaw mo?” naguguluhan niya itong tinanong kahit malinaw naman niyang narinig kanina ang pangalan na binigkas nito. ‘Paano niya iyon nalaman? Alam niya rin kaya ang k’wento tungkol doon?’ Ang buong akala niya ay siya lang ng kanyang pamilya ang nakaaalam ng k’wentong ’yon. Ang k’wentong labis niyang pinangangalagaan. “Ang ano, Dane?” Nangunot ang noo nito at mukhang walang balak na linawin ang lahat. “May binanggit kang pangalan nang mawala ang iyong panginginig.” “Ako? Naku! ’Wag mo ng aasahan na maaalala ko ’yon, Dane. Pero kapag gano’n ang nakikita ko at mahalaga iyon. Parang . . . Life and death situation kumbaga. Iyon sng napansin ko sa aking pangitain.” “Arzendia. Sabi mo ay Arzendia.” “Gano’n? Wala naman akong maalala na may narinig akong Arzendia. Ano ba ’yan?” “Akin na ’yang kamay mo.” Gamit ang laylayan ng kanyang damit ay pinahid niya ang dugong dumikit sa hinlalaki nito. “Wa-wala lang ’yon. Sandali lang at bababa ako upang tingnan kung wala bang mga mga wolf sa paligid.” Hindi na niya ito hinintay na sumagot at mabilis pa sa kidlat ang kilos niya upang makababa. Walang kalingon-lingon siyang naglakad palayo sa puno habang hawak ang kanyang dibdib. Kumakabog iyon at hindi niya maunawaan ang kanyang nararamdaman. “Arzendia . . . Totoo ka ba? Lycaon? Ang mga Lycaon . . .” Nangilabot siya sa kanyang iniisip. Kung ibabasi niya sa k’wento ay alam niyang walang magandang maidudulot ang mga ito sa mundo nila, kung sakali mang totoo iyon. Habang abala siya sa pag-iisip ay hindi na niya namamalayang napapalayo na siya kung saan ay iniwan niya si Nitchi. Habang naglalakad ay panay din ang hampas niya ng mga humaharang na damo sa daan, gamit ang isang sanga ng kahoy na pinatulis niya lang upang maging sandata. “Mukhang nabawasan ang reflexes ko. Dapat na akong bumalik sa pagsasanay kung nais kong mag-survive rito.” Upang maiwasan ang mga dumaraan ay gumawa siya ng sariling daanan. Iniisip niyang mas masukal, ay mas mabuti. Walang sino man ang magtutungo at hindi sila maaabala ni Nitchi. Ngayon ay tutunguhin nila ang kalapit na nayon kung saan tumatanggap ang mga taga roon ng bisita na galing sa iba’t ibang mga lahi. Sentro ng negosyo ang lugar na iyon, basi sa sinabi ni Nitch. Narinig na rin niya ang lugar na iyon noon. Subalit dahil naka-focus lang siya sa misyon at pagbabantay sa kanilang pack ay hindi na niya namamalayang nawala na ang buhay niya sa labas. Mistula siyang kabayo na tumatakbo ngunit may piring. Kamalian din niya dahil devoted siya masyado sa iisang bagay noon. “Haha! Sandali lang, Sanna! Lulusong lang ako saglit. Walang mga manlalakbay sa oras na ito kaya ay ayos lang naman siguro. Mabilis lang upang ’di tayo mahuling pumupuslit!” “Naku! Ako ang natatakot diyan sa gagawin mo. Ba-baka may mga Serenny na ngayon. Ma-mas mabuti pa ay umahon ka na riyan.” “’Wag kang magpapaniwala riyan, Sanna. Alam kong tinatakot lang tayo ni Ama upang hindi tayo magtungo rito na walang kasama.” Basi sa boses na kanyang naririnig ay mga cub pa lang ang mga ito. “Tsk! Mga pasaway ang mga batang ito . . .” Dane mumbled, and slowly made her way into the nearest thick bush. Napag-aralan na nila ang mga Serenney noon sa kanilang organization. Wolf ang tindig ng mga ito subalit may hasang at sa ilalim ng mga kuweba sa tubig nananahan. Minsan lang umahon ang mga ito. Sa oras lang na mangailangan ito ng laman ng ibang mga nilalang. Lalo na ang laman ng mga batang wolf. “Ganyan din ang sinabi mo noong nagpunta tayo sa kapatagan. Ngunit totoong may mga nilalang doon.” Wala sa sariling natampal niya ang kanyang noo. Pati ang lugar kung saan nagpupunta ang mga tao ay hindi rin pinalampas ng mga ito. “Nix . . .” bulong niya nang masilayan na ang dalawang batang babae na mga wolf. Tuwang-tuwa ang isa na nasa tubig habang aligaga naman ang isa, ngunit naroon pa rin ang kinang sa mga mata. “Hmmm. Mga galing sa Primal pack. Kaya pala para kayong mga nakawala sa hawla.” Napahagikhik siya habang nawiliwili na nakatingin sa mga ito. Naghaharutan ang mga ito dahilan upang lumusong na rin ang batang nagngangalan na Sanna. “Nakakainis ka, Sayee! Tingnan mo. Ang rumi ko na. Batuhin mo ba naman ako ng putik!” anas nito, at ito naman ang kumuha ng putik at ibinato sa batang wolf na si Sayee. “Haha! Mabagal ka pa rin. Magsanay ka pa nang husto!” Sa kanyang palagay kung ibabasi niya sa tindig ng mga ito ay nakikita niyang mukhang maykaya sa buhay si Sayee. Habang may pagka pulido naman ang katawan ni Sanna. “Isang Omega, at tagabantay nito,” wika niya. Hindi kalaunan ay unti-unting nangunot ang kanyang noo. Kahit hindi pa niya sabihin ay may nararamdaman siyang masamang presensya sa paligid at malapit lamang iyon. “Umahon kayo sa tubig! Magmadali kayo!” Nang makita niya ang Swallow na inilapag kanina ng isa sa mga bata ay agad niya itong dinampot. At dahil natulala pa ang mga bata ay siya na mismo ang lumusong at kumuha sa mga ito sabay inihatid sa lupa, tatlong metro ang layo mula sa ilog. Ilang sandali pa ay malakas na umalon ang tubig. Kasabay niyon ay ang paglabas ng dalawang makaliskis na nilalang. Matatalas ang ngipin ng mga ito at pula ang mata. “Ha! Lapastangan! Sino ka upang kunin ang umagahan namin!” galit na sigaw ng babaeng Serenny sabay buga ng dilaw na likido. Dahil hindi naman mapanganib ang naaamoy niya rito ay hindi na niya ito inilagan pa. Sinigurado lamang niyang ’wag tamaan niyon ang mga cub. “Haha! Hangal ka kung inaakala mo’ng hindi ka tatablahan niyan. Isa ka lang hamak na lobo! O mas tamang sabihin—Rogue.” Nanunudyo ang mga ngiti nito. She couldn't help but be irritated. Subalit ’di niya malinaw na inilalabas. “Hmmm . . . Ganito na lang. Ibibigay ko sa ’yo ang jade na batong ito kung ibibigay mo sa ’min ang mga batang ’yan. Wala pa naman silang silbi sa ating mundo dahil mga bata pa sila. Kaya mas mabuti pa’ng ipanlaman tiyan na lang upang maging kapaki-pakinabang.” Ngumisi ito dahilan upang kumulo ang dugo niya. “Hangal kayo . . .” bulong niya sabay umang sa hawak niyang Swallow. Labis siyang nagagalit dahil sa sinabi nito. “Ba-bakit walang nangyayari?” Nagtataka ang mga ito at muling nagbuga ng pinagsanib na dilaw na likido. Agad naman iyong muling lumapat sa kanyang balat. “Tapos na ba kayo?” aniya at naunang sumugod. Gamit ang kanan niyang kamay ay pinaikot niya ang swallow sa mga daliri niya. Mabilis ang galaw niyon na halos hangin na lamang ang nakikita. “Ha!” Kumalansing at Umalingawngaw ang tunog ng nagsasalpukang matalas na mga bagay sa paligid. Hindi niya mapigilang mapangiti sapagkat gaya nga ng kanilang pinag-aralan ay mala-wolf din ang mga ito. May lumalabas na mahahabang kuko sa kamay. Nasa ten inches ang haba nito na talaga namang mainam sa pakikipaglaban. Convenient kung gamitin. “Ang bagal mo’ng kumilos!” sigaw niya sabay sipa sa lalaking Serenny. Nang matumba ito ay bigla na lang naglaho ang dalawa sa tubig. “Heh! Naaamoy ko ang malansa ninyong amoy kahit saan pa kayo magtago!” “Ahhh!” sigaw ng isa sa mga ito at nagkulay dilaw ang bahagi ng tubig. Ilang sandali pa ay lumutang ang lalaking Serenny na ngayon ay nawalan na ng ulo. Agad naman niyang napansin sa unahan ang mabilis na galaw ng tubig. Dahil sa talas ng kanyang pang-amoy ay tama ang parte kung saan siya umatake, dahilan upang madali ang isang Serenny. “Mukhang iniwan ka na ng iyong kasama. Kawawa ka naman . . .” bulong niya rito sabay hiwa sa tiyan nito at pinutol ang mala-puting sinulid sa katawan upang hindi na ulit mabuhay pa. Alam ng lahat na hangga't hindi napipigtas ang puting ugat na ’yon ay magagawa pa rin nitong mag-regenerate makalipas ang ilang oras. “Paligiran ang lugar! Protektahan ang Omega!” “Ama!” Kampanti siyang humarap sa mga ito at nakahinga na rin nang maluwag. Sa kanyang palagay ay bahagya siyang nawala sa sarili nang marinig niyang gagawing pagkain ng mga ito ang dalawang bata. Sa tuwing naririnig niya ang salitang iyon ay ang kaawa-awang sanggol agad ang kanyang naalala. Ngunit ang pagiging kalmado niya ay biglang nawala nang itinutok ng mga ito sa kanya ang mga sandatang dala-dala. Because of it, Dane subconsciously held the shallow tightly. “Ama! Nagkakamali ka po. Siya po ang sumagip sa amin sa mga Serenny. Ni hindi nga po kami nalapitan ng mga halimaw na ’yon dahil sa galing ng magandang dilag makipag laban.” Dahil sa sinabi ng bata ay nawala ang pamumula ng kanyang mga mata. Kinilig din siya sa papuri nito na hindi lang niya pinahahalata. “Isang Rogue!” sigaw ng isa sa mga bantay. “Kung gayon ay isa kang Rouge. Maraming salamat sa pagliligtas mo sa aking Anak at kaibigan nito. Habang buhay ko itong tatanawin na utang na loob,” wika ng Alpa sa Primal pack. Hindi naman siya nahirapang kilalanin ito dahil sa malakas nitong dugo na malinaw niyang naamoy. Tumango na lang siya at hindi na nagsalita pa. Pansin naman niya ang pag-atras ng mga ito nang unti-unti siyang lumapit. Nang nasa isang metrong layo na lamang siya ay mabilis niyang inilapag sa lupa ang hawak na Swallow na pag-aari ng isa sa mga batang iniligtas niya. “Mag-iingat kayo sa susunod, mga binibini.” Matapos iyong sabihin ay mabilis siyang tumalon sa tubig upang linisin ang mga dilaw na likidong dumikit sa kanya. Ngunit bago tuluyang umalis ay hinila muna niya ang bangkay ng Serenny sa lupa upang doon ay kainin ng ibang mga hayop. Dahil hindi naman siya labis na nag-iisip sa mga lalaking wolf na naroon, ay hindi niya namalayan na halos mukha na pala siyang nakahubad sa harap ng mga ito, nang mabasa nang husto ang oversized niyang T-shirt. Nang masigurado na niyang maayos na ang lahat ay mabilis siyang naglakad paalis. Ngunit bago tuluyang nawala sa paningin niya ang mga bata ay kumaway pa siya sa mga ito—kumaway din naman ang lahat pabalik sa kanya. Naiwan naman ang mga lalaking lobo na mangha pa rin sa mga nakita nila. Habang malapad naman ang ngiti ng dalawang mga bata na tinuring si Dane bilang tagapagligtas nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD