Chaos pack

2029 Words
Habang kumakain sila ng Isda ay hindi niya maiwasang mailang dahil panay ang titig sa kanya nito. “Bakit ka ba nakatitig sa ’kin? Alam ko’ng maganda ako.” “Maganda ka naman talaga, Ate Dane. Pero mas maganda ’yang nasa tenga mo.” Kinapa niya ito dahilan upang mahawakan niya kung ano ang naroon. Wala sa sariling malungkot siyang napangiti. The earrings that were given to her by MM are still there. Firmly holding on to her ear. “Bigay ba ’yan ng kasintahan mo?” panunudyo nito sa kanya. “Hindi. Wala akong nobyo. Bigay ito ng isa sa mga kaibigan ko sa pack namin.” “Matagal ka na bang umalis sa iyong pack, Ate Dane?” “Mga nasa isang buwan na,” tipid niyang sagot dito. Ayaw niya talagang pag-usapan ang nangyari. Lalo’t bumabalik ang kanyang trauma. “Ako naman ay tatlong taon ng pagala-gala rito sa Slovokandia. Bago ako nakarating dito sa gitnang bahagi ay may narinig akong bali-balita.” Bahagyang tumaas ang kilay niya sa sinabi nito. Napaka madaldal nito at may pagka chismosa rin. Hindi na niya ito sinagot dahil ayaw niyang pag-usapan ang mga buhay-buhay ng iba. Lalo’t may buhay din siyang dapat na ayusin—ang kanya. “May naganap na matinding labanan kung saan napatay ang Changeling monster.” “Cha-Changeling monster?” “Hindi ko gaanong narinig ang mga detalye. Pero nanalo raw ang La Aspin pack.” Matinding kumabog ang kanyang dibdib na halos ay kapusin na siya ng hangin. “A-ayos ka lang po ba?” Unti-unti siyang tumango at hindi na sumagot pa. Mariin siyang pumikit kasabay ng pagpatak ng kanyang luha. ‘Ni hindi ko lang man sila matulungan. Ako na may kasalanan at tinakbuhan ang responsibilidad. Ngunit . . . Simula sa araw na ito. Tutugisin ko lahat ng masasamang nilalang dito sa Slovokandia. Hindi na sila makarating sa aking pack. Patawad Dey. Kahit dito man lang ay makatulong pa rin ako.’ Mabilis siyang tumayo sabay punas ng kanyang luha. “Aalis na ako, Nitch. Maraming salamat sa iyong tulong.” “Eh, Ate naman. Wala ka bang balak na isama ako? Magaling akong mangaso, magsibak ng kahoy, kumuha ng mga pagkain, hindi man gaanong magaling makipaglaban, subalit magaling akong mang-akit ng mga lalaki.” Sa huli nitong sinabi ay bahagyang tumaas ang kanyang kilay. “Ops! Alam mo kasi, Ate Dane. Nasa hustong gulang na talaga ako. Pero dahil ako’y isinumpa kaya mukha lang bata. Mas matanda pa nga ako sa ’yo eh. Pero kahit na gano’n. Hindi pa rin ako maka panlalaki. ’Yong mga kasamahan ko noon may mga sarili ng pamilya at anak na. Tapos ako . . . Birhen pa rin!” Tumingala ito at nagkukunwaring umiiyak. Wala naman sa sariling natampal niya ang kanyang noo. Pakiwari niya ay nagmistula itong lobo niyang si Hail na nagkatawang tao. Magkatulad ang mga ito na atat sa lalaki madaldal, Chismosa at matabil ang dila. Sa tingin niya ay mukha ma-ti-train na siya kung paano sasabayan ang tupakin niyang wolf kung sakaling makakonekta siya rito ulit. “Ate, Dane! Madali! Patayin natin ang siga. May dadaan ditong isang pack.” Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa at ginawa ang sinabi nito. Matapos mapatay ang apoy ay nagmamadali silang umakyat sa isang puno kung saan ay tanaw nila ang ibaba. “Sigurado ka ba sa iyong nakita, Nitch?” Umiling ito sabay nagpa-cute ng mukha. “Hi-hindi. Pero oo rin. Hindi ko kasi alam kung kaylan mangyayari. Basta basi sa mga experience ko ay mangyayari talaga three to four days. Pwede ring mas mataas pa. Dane frowned upon hearing Nitch’s explanation. Iniisip niyang baka sa ibabaw na sila ng puno matutulog lalo’t maaga pa ang gabi. Sa pagkakahiga niya sa malaking sanga ay natanaw niya ang maraming mga bituin sa kalangitan. Sa gitna ng kadiliman ay nagbibigay tanglaw ang mumunting kinang ng mga ito. Katabi rin nito ang kalahating anyo ng buwan. ‘Kasing ganda ng mga bituin ang iyong mukha, Anak ko. Hindi na ako makapaghintay na lumabas ang iyong wolf. Maaring kamukha mo ang iyong Ama. Maari ding ako.’ Pansamantalang idinuyan siya ng kanyang mga alaala sa magulang. Pakiwari niya ay kasabay ng pagtila ng ulan ay ang pagbabalik niya sa tamang katinuan. “Nitchi, salamat,” aniya sabay matamis na ngiti rito. “Para saan po?” “Basta. Matulog ka na lang at magmamatyag ako.” Hiniram niya ang punyal nito at kumuha ng tamang sukat ng mga vine upang ipantali nila habang nagpapahinga sa taas. “’Wag na, Ate Dane. Sanay akong matulog sa ibabaw ng puno. Kaya kahit tulog mantika pa ako ay hindi ako mahuhulog.” Agad siyang napailing sa sinabi nito. “Ikaw ang bahala.” Matapos kumuha ng kanya ay muli siyang umupo sa sanga at tinalian ang sarili. “Saan ka po ba natutulog sa nakalipas na isang buwan, Ate Dane?” “Dane na lang ang itawag mo sa ’kin. Nakaiilang ang Ate. Lalo na at mas matanda ka sa ’kin. Hmmm . . . May nakita akong maliit na kuweba malapit doon sa ilog. Doon . . . Doon ko pinagkakasya ang sarili ko.” “A-ano? Eh, sa pagkakaalam ko ay may naninirahan na isang isinumpang ahas doon.” “Huh? Wala naman. Kumpleto pa naman ako. Hindi rin nakagat.” “Ba-baka sabi-sabi lang . . .” bulong nito na hindi na lang niya pinansin. Ngunit, lingid sa kanyang kaalaman na namatay ang isinumpang ahas nang matikman ang dugo niya. Makalipas ang halos limang oras ay nakaramdam na siya ng antok. Mistula ngayon pa lang lumabas ang labis na pagod sa kanyang katawan noong tumatakas pa siya. Pansin din niyang bahagyang humina ang katawan niya nang mawala ang kanyang wolf. “Haha! Ewan ko sa inyo. Basta ako ang nakapaslang sa isinumpang ahas!” “Tsk! Bakit wala kang maipakitang nakuha mo ang kakayahan nito?” “Hindi ko rin alam.” Kahit malayo pa ang mga boses ay malinaw niya iyong naririnig. “Nitchi . . . Nitchi . . . Nitch . . .” bulong niya rito sabay kalabit. “Ha!” Mabuti na lang at hindi siya nakasigaw nang sipain siya nito at muntik pa’ng malaglag. “Naku! Ate Dane. Pasensya ka na. Akala ko kasi kalaban ka.” “Shhh. Mamaya na ’yan. Mukhang totoo Iyong sinasabi mo. May mga wolf na papalapit dito sa kinalalagyan natin.” “Ayos lang. Hangga't nakadikit ka sa ’kin ay hindi nila tayo maaamoy.” “May kakayahan ka rin na mag- camouflage?” “Wala. Hallucinations ang gamit ko. Hindi man gaanong malakas ay maaasahan naman.” “Si-sige.” Bumalik siya sa kanyang pwesto kanina saka muling nakinig sa paligid. “Eh, ba’t wala naman akong naririnig?” reklamo nito. “Shhh! Nagtatawanan sila. Maglinis ka nga ng tenga,” aniya sabay baling sa pinanggagalingan ng ingay. Nang magawi ulit ang tingin niya rito ay nakikita niyang nakabusangot ito at parang tanga na nakatitig na naman sa kanya. “What?” “Wala talaga akong naririnig eh,” anas nito na mukhang iiyak na ano mang oras. “Sandali lang. Mukhang mas malapit na sila.” “Ayan. Naririnig ko na . . .” bulong nito at hinawakan ang kanyang kamay. Nakita niyang pumikit ito. “Basi sa kanilang mga amoy at ayos ay galing sila sa Chaos pack.” Nagmulat ito sabay bumuga nang marahas. “Sa dami ng makikita natin na mga nag-ha-hunt na mga pack ay bakit sila pa?” “Bakit? Kilala mo ba sila?” “Sinong hindi nakakakilala sa kanila. Mga basagulero at ang nais lang ay gulo.” “Nariyan na sila.” Sabay silang tumahimik at mas humihigpit naman ang hawak nito sa kanyang kamay. Masasabi niyang may karanasan ito na hindi maganda sa grupong paparating. “Shhh. Sandali lang. Mukhang ma nagsisiga rito sa lugar na ito. Tingnan ninyo. Mukhang ilang oras pa simula ng pinatay ang apoy na ito.” Rinig niyang turan ng isa sa mga lalaki. Sa kanyang palagay ay ito ang lider ng grupo. Agad naman siyang napatingin kay Nitch nang mas pisilin pa nito ang kanyang kamay habang habang nakatitig sa lalaking may abot sa balikat ang buhok. “Baka ay umalis na sila, Rick. Sabi mo nga, ilang oras na ’yan. Malayo na ang mararating ng sino man kung naka gayak na.” sabi ng babaeng may panlalaking tabas na buhok. “Naaamoy ko. Pamilyar ang amoy na ito.” “Haha! Tama ka, Liva. Uhm . . . Nitchi!” Humalakhak ito dahilan upang humalukipkip sa kanya si Nitchi. Upang panatagin ito ay hinawakan niya ang palad nito sabay pisil niyon. “Mukhang magtatagpo kayong muli, boss.” “Yes. At hindi na ako makapaghintay pa.” Nagtagal pa ang grupo nito ng halos sampung minuto bago nagpasyang umalis. Nang masigurado na niyang wala na ang mga ito ay mabilis niyang tinanggal ang tali sa katawan niya at mahigpit itong niyakap. “Narito lang ako kung gusto mo’ng pag-usapan.” Yumakap naman ito sa kanya at unti-unting tumigil sa pag-iyak. Hindi niya alam kung bakit sila pinagtagpo nito. Basta panatag ang kalooban niya simula ng dumating ito. “Hindi katulad ninyo na malakas sa tuwing kabilugan ng buwan—nanghihina ako. Mistula kinukuha ng bilog na buwan ang aking hiram na lakas. Maaaring dahil din ’yon sa aking sumpa. Noong unang linggo na humiwalay ako sa aking pack ay naengkwentro ko ang grupo nina Rick. Bilog na bilog ang buwan no’n at mahina naman ako. Binugbog nila ako at muntik na niyang makuha ang aking puri. Gamit ang natitira kong lakas ay nagpatianod ako sa ilog. Tumalon ako roon na walang katiyakan kung mabubuhay ako o hindi. Subalit mukhang mahal pa rin ako ng Moon Goddess kahit na isinumpa ako. Hinayaan niya pa rin akong mabuhay.” Masigla itong ngumiti sabay pahid sa mga luhang pumapatak sa kumikinang nitong mga mata. “Sa tingin ko nga ay kahit mga isinumpa tayo—mahal niya pa rin ang mga katulad nating kakaibang wolf.” “Kung hindi pa niya tayo mahal eh, hindi niya tayo binigyan ng nakababaliw na alindog at ganda.” “Sira!” “Sus! Lalo ka na! Ang ganda kaya ng katawan mo. Nakikita ko naman kahit malaki ’yang suot mo’ng damit.” Inayos niya ang kanyang kasuotan. Talagang malaki ito dahil basi sa kwento ni Nitch ay hinubad lang nito ang damit sa isang lalaking wolf na tinamaan ng isang silver Arrow. Kaya extra large ito kaya nagmumukha siyang pinatayong kurtina. Hindi na rin niya maisusuot ang luma niyang damit na may tatak na La Aspin dahil talagang gutay-gutay na iyon. ’Liban na lang kung balak niyang ipakita ang kanyang dalawang bundok at hiyas. “Hay nako! Pasensya ka na Dane huh. Nagiging OA talaga ako ’pag nakikita ko si Rick. Gusto kong gantiha siya subalit hindi ko kakayanin. Nagsanay na ako nang matindi. Ngunit naduduwag pa rin ako sa tuwing nakikita ko siya.” “Siguro nga ay may tamang panahon para makayanan natin na harapin ang ating kinatatakutan. Pero sa ngayon, subukan muna nating magpalakas.” Ngumiti ito at tumango sa kanya. “Ikaw naman ang magpahinga, Dane. Ako naman ang magbabantay.” “Sigurado ka ba?” “Kahit maganda ka, makikita pa ring kulang ka sa pahinga. Ang payat mo rin.” “Ito naman. Makapanglait.” Alam niyang malaki na ang ipinagbago niya simula nang malaman niyang nakagante ang kanyang luna sa kumuha sa Anak nito. Kahit alam niyang hindi maibabalik ng pagkamatay ng Changeling monster ang Anak nito ay mas mabuti pa rin nang wala na itong mabiktimang iba pa. Masakit mawalan ng mahal sa buhay. At higit kanino man ay alam niyang habang buhay na magluluksa ang sino mang nawalan. Lalo’t katulad niya ay naging mapait ang dahilan kung bakit nawala ang mga ito. Na kahit sabihin pang ayos na ay alam niya ang katotohanan. Ang katotohanan na sa tuwing nangunguli sa mahal sa buhay na lumisan na sa mundong ibabaw, hindi na ito mayayakap, makikita at mahahawakan pa. Hindi na sila babalik. At napakasakit niyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD