Nitche Avanor

2138 Words
Hindi alam ni Dane kung gaano na siya katagal nakatitig sa maingay na ilog. Malakas ang buhos ng ulan subalit hindi siya natitinag sa malaking bato kung saan siya nakaupo. Para siyang wala sa sarili at nakabuka ang bibig habang umiiyak. She was silently crying. Kahit nakanganga ay walang lumalabas na tinig dito. She was lost and beyond repair. Halos mag-iisang buwan na siyang ganito. Tumatakbo sa gubat at hindi alam kung saan patutungo. Her heart was aching and she was in despair. Pansin din niyang mukhang nawalan na siya ng komunikasyon sa kanyang wolf na si Hail. Because there is only one thing that could describe her now. She is utterly lost and was undeniably abandoned. Dahil alam nyang ang nilalang na katulad niya ay hindi tanggap ng karamihan. Madalas ay kinamumuhian at kinasusuklaman pa. Dahan-dahan siyang tumayo at pilit na sinusuportahan ang nanginginig na katawan. Gamit ang kanyang maputik na mga paa ay muli na naman siyang nagpumilit na tumakbo. It was like there was something or someone chasing her. Na kahit nanginginig dahil sa lamig ay pinilit niyang humakbang. Isa, dalawang hakbang pa at pabagsak siyang natumba sa putikan. Nakadapa siyang pumirme roon at hinayaan ang putik na ibabad ang namamanhid niyang katawan. “Baby Nix! Ang itinakda! Patawad Dey . . . Aaron. Hi-hindi ko sinasadya. Mahina ako. Napaka hina. Ni hindi ko siya kayang protektahan. Ano’ng klase akong kaibigan? Pinagkatiwalaan mo ako, Dey. Pero binigo kita! Hindi matutumbasan ng ano man ang ginawa mong pagkupkop sa ’kin. Pero . . . Ahhh!” Hindi na niya napigilan ang kanyang sarili. Sa gitna ng masukal na kagubatan habang malakas ang buhos ng ulan ay sumisigaw siya ng puno nang hinagpis. She was suffering from guilt. Labis niyang sinisi ang sarili sa pagkawala ng anak ng kaibigan niyang si Dey—ang kanyang Luna. Ang Luna na taos-pusong tinanggap siya kahit na ang tingin sa kanya ng iba ay natural nakriminal. And now, she's alone friendless, and packless. It was like she came back from where she was before. Walang tumatanggap dahil isang Rouge. Isang lobo na hindi mapagkakatiwalaan at madalas na nagta-traydor. Hindi niya alam kung saan siya nagkulang. She did everything for her to deserve Luna's trust. Ngunit sa huli ay nawala lahat ang iniingatan niya sa loob ng maraming taon. Muling gumuhit sa malungkot na kalangitan ang isang mabagsik na kidlat. Nabibingi siya subalit ’di niya sinubukang takpan sng kanyang tenga. “Pakiusap . . . Moon Goddess. Bigyan mo ako ng lakas upang makabalik sa aking pack. Gusto ko’ng humingi ng tawad kay Dey-Dey. Pero bakit ang duwag ko? Bakit ’di ko magawang humarap sa kanya?” Ilang beses na niyang sinusubukang bumalik. Ngunit dahil sa kanyang guilt ay nawala na lahat sa kanya maging ang proteksyon ng kanyang pack. At ang malala pa ay alam niya kung saan ang hangganan ng lupain ng kanyang Luna, ngunit hindi na niya maamoy ang mga ito. Mistula maging ’yon ay inalis na rin sa kanya. Sinubukan niya ang bumangon mula sa pagkakasalampak. Her shattered clothes were soaked with rain water subalit wala siyang pakialam. Noong mga nakaraang araw ay sinubukan niyang mag-transform. Subalit hindi niya maramdaman ang kanyang wolf. Kahit anong pilit niya ay ’di niya rin ito mahagilap. ‘Kasalanan mo ’to, Hail! Kung malakas ka lang sana! Kung mas nagpursige ka pa at hindi puro lalaki ang inaatupag mo. Eh ’di sana ay naging malakas at may pakinabang ka! Ano ba’ng silbi mo bilang aking wolf?’ Muli ay narinig niya sa kanyang isipan ang mga salitang ibinato niya rito. She was down, mad and depressed that she blamed Hail for everything bad that had happened to her. Alam niyang mali iyon, pero wala na siyang nagawa. Bagkos ay hinayaan niyang malugmok din ito. Tila mas lalo lamang siyang napahikbi dahil dito. When she was young, she always wanted to awaken her wolf so she could train up to her limit. At alam niyang hindi pa niya ’yon lubusang nagagawa. Idagdag pa niya ang kanyang ginawa kay Hail na talagang kahit kanyang sarili ay ’di niya magawang patawarin. “Kaya ko pa naman sigurong itama ang lahat . . .” Puno ng pagdadalawang isip ang kanyang puso at isipan. Mistula nalunod iyon ng tubig ulan na nainom niya. “Hail. Nami-miss ko na ang kakulitan mo. Ang pagiging maingay mo. Hayaan mo. Babangon ako mula sa putikan na ’to at maghahanap ako ng maraming lalaki para sa ’yo. Lulunurin kita ng pandisal nila. ’Di ba gusto mo ’yon?” Hindi na niya inisip ang kanyang sinabi. Basta ang nais niya ay muling makuha ang atensyon nito at nagsimulang muli. Slowly, she moved her body. She walk sluggishly hanggang sa makarating siya sa isang malaking puno. Unti-unti siyang umupo sa may ugat niyon at mahigpit na niyakap ang sarili. Marahan niyang ipinikit ang kanyang mga mata habang pilit na winawaksi ang gutom na kanyang nararamdaman. Malakas na tumutunog ang kanyang tiyan, subalit wala naman siyang magagawa pa sa ngayon lalot marahas pa ang panahon. “Mama, Papa. Sana po ay bigyan niyo pa ako ng lakas upang bumangon. Promise po, hindi ko na iyon sasayangin pang muli.” KINABUKASAN ay nagising siya sa huni ng mga hayop sa paligid. Alam niyang dahil pagod na pagod ang kanyang katawan ay mahihirapan siyang pagalingin agad ang kanyang mga sugat. Suddenly she felt conscious nang makita niya kung gaano ka sira ang kanyang damit. Nakalabas ang parte ng kanyang bra at underwear na matagal ng hindi binibihisan. Magulo rin ang kanyang buhok at napaka dungis ng kanyang balat. Wala sa sariling inamoy niya ang kanyang damit. “Oho! Sh*t. Mukhang nasubrahan ako sa aking kabaliwan. Labis ko’ng napabayaan ang sarili ko.” Halos masuka na siya sa kanyang amoy. Ilang sandali pa ay muli na naman niyang naramdaman ang matinding gutom. Kumakalam ang kanyang sikmura at nauuhaw din siya nang husto. Dahil dito ay nagsimula siyang balikan ang ilog na nakita niya kagabi. Ngayon na tumila na ang ulan ay naiwan ang mga hamog at may mga naipon sa ibabaw ng dahon ng isang malaking halaman. Nagmamadali siyang inumin ang tubig mula sa dahon nang masiguro niyang malinis iyon. Marahan siyang tumingala at ninamnam ang ginhawang dulot nito sa nanunuyo niyang lalamunan. Napangiti siya dahil manamis-namis iyon na para bang timplado na. Sa isang sanga habang nakatingala ay nakakita siya ng maliliit na mga hayop. Napailing na lamang siya dahil naisip niyang may ihi ng mga ’yon ang tubig na kanyang nainom. Marahas niyang ginalaw ang kanyang ulo at iwnaksi kung ano man ang nakasusukang iniisip niya. Muli ay nagsimula siyang tahakin ang daan patungo sa ilog. Alam niyang malapit lamang siya roon dahil kanya pa’ng naririnig ang maingay nitong agos. Habang papalapit doon ay naghagilap muna siya ng maaari niyang gawing sandata upang makahuli ng isda. Dahil ubud nang linis ang ilog ay malalaki ang isdang naroon at malinaw naman niyang nakikita ang mga ito. Isa sa nagiging problema niya sa paghahanap ng pagkain ay ang estado niyang nagtatago. Dahil packless siya ay alam niyang magiging punterya siya ng mga malalakbay. Higit sa lahat ay nagiging tress passing na siya dahil malayo na siya sa lupain ng La Aspin. Alam niyang matinding sinusunod ang batas sa Slovocandia na bawal ang gumala-gala lalo’t isa pa siyang babaeng wolf. Hindi lang ang pack ng kanyang Luna ang nasa lugar. Mayroong iba pa’ng mga pack na nakatago lamang sa mga protection barrier. ’Liban sa mga wolf ay may iba pa’ng nilalang ang naninirahan sa Slovocandia. At ang mga ’yon ay namiminsala at kalaban ng mga werewolf na tulad niya. “Ang daming isda!” Masya siyang lumusong habang marahan na umuusad. Matagal na ring hindi na niya muling namalas ang ganitong uri na pamumuhay. Mistula nakalimutan na niya ito simula ng kinupkop siya ni Deseree. At ngayon ay muli siyang magbabalik sa ganitong buhay dahil na rin sa kasalanan niya. Masaya siyang nagtatampisaw sa ilog habang nanghuhuli ng kanyang makakain. Dahil mabagal ang kanyang kilos ay nahihirapan siyang makahuli agad kahit na isa man lang na isda. Kaya ang naging resulta ay mas marami pa ang ligo niya kaysa sa nahuli niyang makakain. Maliliit din ang mga ito na halos ay binalak niya lang din na ibalik sa ilog kun ’di lang siya gutom. Lingid sa kanyang kaalaman ay mayroong isang nilalang ang nagmamasid sa kanya. Sa pagkakawala ng koneksyon nila ni Hail ay bahagya ring humina ang mga kakayahan niya bilang isang lobo. “Kailangan mo ba ng tulong?” Halos mabuwal siya sa kanyang kinatatayuan nang makarinig siya ng boses ng isang babae. Gamit ang nanginginig pa niyang mga kamay ay iniumang niya nang bahagya ang matalas na stick sa kanyang harapan. Alam na niyang mangyayari ito dahil nasa lupain siya ng ibang pack o mga nilalang. Subalit ang ’di niya inaasahan ay nangyari ito agad. “’Wag kang matakot. Isa lang naman akong bata,” wika nito sabay lusong sa mababaw na ilog. Agad naman siyang naalarma nang humugot ito ng punyal. Wala sa sariling mas humigpit ang kanyang kapit sa matulis na sanga. “’Wag na ’wag ka’ng lalapit sa ’kin. Kun ’di ay baka ikaw ang gawin ko’ng umagahan lalo’t gutom na gutom ako.” Pinatatag niya ang kanyang boses at nagkukunwari na malakas pa. Gayong ang totoo ay parang mamamatay na siya sa labis na gutom. “Ayos lang, Dane. Tutulungan lang kitang manghuli ng makakain mo. Mukhang gutom na gutom kana kasi talaga.” Mas lalo lamang siyang naalarma dahil kilala siya nito. “Ipinadala ka ba rito upang hulihin ako?” Galit na tanong niya rito. ”Haha! Hindi. Mag-isa lang ako. At basi sa nababasa ko sa iyo ay isa kang rogue. Parang tinadhana tayong magtagpo dalawa. Rogue rin ako eh.” Nangunot ang noo niya sabay titig dito. Hindi niya mapigilang humanga sa taglay nitong ganda. Mas nagmumukha itong doll kaisa tao dahil sa kinis ng mukha nito maging ang nakausling mga balat sa suot nitong balabal. “Ano’ng nilalang ka?” tanong niya rito nang bahagyang mawala ang kanyang atensyon at napunta sa maamo nitong mukha. “Hindi mo ba ako naaamoy?” “Ay, oo nga pala. Natutulog ang iyong wolf.” Sa sinabi nito ay tila mas lalo pa siyang napatulala. “Bakit mo alam ang pangalan ko? Maging ang nangyari sa aking wolf ay alam mo rin.” “Nababasa ko ang iniisip ng iba. Noong una ay ayaw ko itong gamitin. Subalit kalaunan ay nagawa ko rin.” “Nakikita mo ’rin ang wolf ko? Totoo bang tulog lang siya at hindi galit sa ’kin?” “Hindi naman talaga ako matalino at nakakakita ng future. My sense of humor lang. Kaya masasabi kong maliban sa pakiramdam ay ’di ko na kayang panghimasukan ang iyong loob. Yay! Ang laki ng nahuli ko!” Hinayaan na lamang niya ito dahil alam niyang malaki rin ang magiging pakinabang niya sa batang wolf. At isa pa ay wala siyang nararamdaman na panganib sa munting dalaga na umaalalay sa kanya sa kanya ngayon. “Ano nga pala ang pangalan mo?” tanong niya makalipas ang ilang s sandali. “Nitche, Nitche Avanor. Nitch for short. At ’wag kang magtataka sa hitsura ko. Isinumpa kasi akong maging bata habang buhay. Ang saklap ’di ba?” tanong nito na ikinailing niya. “Lahat naman tayo ay may kanya-kanyang sumpa,” sabi niya kahit nahihiwagaan siya rito. “Tama ka po. Kaya maging masaya na lang tayo sa kung ano ang ibinigay ni Moon Goddess sa ’tin.” For the first time after a month ay ngayon pa lang siya nakangiti nang totoo. Iyong ngiti na umabot sa mga mata niya. Pareho rin silang may mga pinagdadaanan ngunit ito ay nanatiling positibo. Kaya ay mas lumalakas ang kanyang loob. “May ginawa ka bang masama upang ituring ka’ng rogue ng iyong pack? Sa ano’ng pack ka ba nabibilang?” Literal na alam niyang nakikipag-usap siya sa isang kalaban. “Galing ako sa Dark side pack. At pinipilit nila akong hulaan ang mga nangyayari gayong hindi ko naman sinasadya ang aking mga nakikita. Random iyon at malabo pa kung kailan mangyayari.” Nang marinig niya ang Dark side pack ay agad siyang naalarma. Sapagkat kilala ang pack na ’yon na walang gagawing mabuti. “’Wag mo akong tingnan ng ganyan, Ate Dane. Wala akong gagawing masama. Gusto ko lang mamuhay nang payapa at malayo sa lahat ng komokontrol sa ’kin.” “Naiintindihan ko,” anas niya sabay kuha sa iniabot nitong isda. Kahit nagdadalawang isip pa siya rito ay minabuti na lang niyang magmasid nang patago sa bawat galaw nito. Naghanap sila agad ng medyo tagong lugar upang makapagluto na para makakain. Natitiyak niyang kung ’di pa magkakalaman ang kanyang tiyan ay bibigay na siya maging ang kanyang utak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD