Para siyang tanga na nakatayo sa harapan ng isang jade changing machine. Vice-versa ito, jade to points and points to jade. Kahit gabundok ang dami ng kanyang mga jade ay lubha pa rin siyang nanghihinayang. May malaki siyang plano sa yamang meron siya. Kaya pagdating sa gastos ay talagang kuripot siya. Kahit noon pa man ay kuripot na siya. Ngunit lahat ng naipon niya ay kanyang iniwan sa mahal niyang pack. Wala siyang dinala kundi ang sarili lang niya. “Tsk. Ang mahal talaga. Nakakapikon . . .” bulong niya habang nakatingin sa laki ng jade na kailangan niyang ilabas para makuha ang points na kanyang gusto. Nagpupuyos pa ang kanyang damdamin matapos makita sa list of necessities ang presyo ng mga ito. “Pwede ba, kung ’di mo afford dito, umalis ka na lang muna sa pila. Like, hello! Ang hab

