Nangungunot ang kanya noo habang unti-unting nararamdaman ang sumasakit niyang ulo. Para iyong mabibiyak kaya ay pinilit niyang muling mahimbing. Sa pangalawang pagkakataon nang naalimpungatan siya ay wala na ang sakit. Ngunit nakararamdam siya ng presensya sa paligid. Isang awra na lagi niyang ninanais na makasama. Ilang sandali pa may dumampi na parang hangin sa kanyang mga labi. “Zen . . . Zenon . . .” bulong niya at unti-unting binuksan ang mga mata niya. “Zen.” Malapad siyang ngumiti at mabilis na niyakap ang lalaking hindi niya kauri. “Dane, mahal ko. Sumama ka muna sa ’kin kahit saglit lang. May ipakikita lamang ako sa ’yo,” anito habang nakangiti. Wala siyang nababanaag na kahit anong pangamba sa maganda nitong mga mata. Kaya ay masaya siyang tumango na naging hudyat upang buhati

