Nakaupo ngayon si Zenon sa gitna ng napakalaking bulwagan. Kumikinang sa linis at tingkad ang kanyang kinauupuan, gayon din ang kapaligiran niya. Nakaharap siya ngayon sa lider ng nakatataas sa kanya dahil ipinatawag siya. Ngunit taliwas sa iniisip ng mga ito ay wala siyang nararamdaman ni kaunting kaba o pagkabahala man lang. Noon pa man ay may galit na sa kanya ang punong Diwata. Hindi matanggap ng mga ito na siya na Anak ng isang Diwatang makasalanan ay binibigyan ng halaga ng kanilang Ulap. Sa pagbaba ng isang maputing usok mula sa kalangitan ay sumilay sa kanya ang mukha ng matandang Diwata, kasunod naman nito ay ang apat na iba pa. Kahit na matanda na ang mga ito ay alam niyang sa edad lang ’yon. Sapagkat pamhabang-buhay ang tagla na ganda ng itsura ng mga ito—tulad niya. Mataman

