“Dane! Ang ganda nitong nakuha nating silid. Ang bango pa! Uhm . . . Nangangamoy pera,” anas nito habang malapad na nakangiti.
Maging siya rin ay namangha. Maliban sa may mga wild white flower itong nakalagay sa mesa ay kumikinang din ang sahig nitong gawa sa mamahaling bato na jade.
“Nagbayad ka ng sampung pirasong asul na jade. Paanong hindi magiging ganito ka mamahalin?” Nakita niyang nagkamot ito ng ulo sabay bangon sa kama.
“Ahhh! Ganito rin noon eh! Ang sarap ng buhay ko tapos makalipas ang isang buwan ay wala na akong natuluyan. Kasi . . . Kasi napaka maluho ko . . .” bulong nito at pinapak ang namumulang mansanas na kasama sa silid na kanilang inuokupa.
“Hayaan mo na. Maghahanap din tayo ng mapagkakakitaan habang nag-eensayo.” Isa sa dahilan kung bakit mahal ang kanilang bayad ay dahil sa training ground na kalakip nito. Maliban sa malaking gusali kung saan sila nanunuluyan ay mayroon itong fifteen hectares sa likod na ginagamit na recreational space at training ground. Kargado rin ng mga state of the art equipments ang lugar, na katulad no’ng training ground ng kanyang pack noon.
“Dane, lalabas ako. Pupunta akong mixed club. Halika sama tayo. Maghanap tayo ng lalaki tutal pareho naman tayong habang buhay na walang mate. Ako kasi hangga't hindi nakakaabot ng eighteen ay lagapak sng love life.”
“Ha?” Wala siyang ibang salita na naisatinig. Hindi niya maintindihan ang nais nitong iparating.
“Ay, mali. Akala ko kasi ay born Rogue ka.” Tila mas lalo lang siyang naguluhan sa sinabi nito.
“Bakit pala kung born Rogue ang isang lobo.”
“Hindi kasi nabibigyan ng mate ang mga born Rouge. Kumbaga, parang curse sa dugo nila. Ang saklap ano? Kasing saklap ko. Hindi nga rogue, forever young naman.” Wala sa sariling binalot ng matinding lungkot ang kanyang puso. Para sa kanya at sa kanyang wolf. Ito pala ang dahilan kung bakit wala pa siyang nahahanap. Hindi pala dahilan ang trabaho at responsibilidad lang ang inaatupag niya. Kundi dahil hindi pala talaga sila magkakaroon ni Hail kahit kailan.
“Oh, bakit parang namumutla ka? ’Wag mong sab—” malungkot siyang ngumiti at pinahid ang luha bago pa man iyon pumatak.
“’Wag kang maniwala sa sinabi ko Dane. Minsan kasi pariwara itong bibig ko. Kamahal-mahal ka kaya! So hindi ako naniniwala na hindi ka makakahanap ng mate. Tsk! Malayo pa masyado. Twenty five ka lang. Malay mo, sa paglalakbay natin na ’to ay dito mo siya mahahanap.” Ngumiti siya sa sinabi nito. Oo nga at hindi siya naghahanap ng kapareha. Pero hindi naman ibig sabihin no’n ay ayaw niya. Kaya labis siyang nalungkot. Ngunit sa kabilang banda, naniniwala pa rin siyang may magmamahal sa kanya. Kung hindi man ma-i-a-apply sa kanya ang salitang ‘wolfmate’. Maaari namang soulmate na lang kagaya ng isang tao.
“Sige na. Baka abutin ka pa ng gabi. Simulan mo na ang paghahanap sa ’yo.”
“Nope. Halika na. Samahan mo na ako. Kasi . . . Alam mo ’yon. ’Yong kuwan . . .” Nagpaligoy-ligoy pa ito. Alam naman niya ang dahilan.
“Hindi ka papasukin sa club. Kasi mukha kang minor.” Bumusangot ito dahil natumbok niya ang problema nito.
“Oh, ano? Samahan mo na ako, please . . .”
“Okay na! Titingnan ko rin kung talagang hindi titibok itong mata at puso ko. Masubukan jo ’yang mateless na ’yan.” puno ng determinasyon niyang turan.
“That’s my girl!” bulalas nito sabay hagis sa kanya ng isang paper bag.
“Ano ’to?”
“Damit.”
“Para saan?” Huminga ito nang malalim at pilit na ngumiti habang humaharap sa kanya.
“Dane, Anak ko. Hindi ka maaaring mag-club na ganyan ang suot.”
Ngumiti siya rito. “Pinaghandaan mo talaga ’to ah. Parang sure na sure kang sasama ako.” panunudyo niya rito.
“Naman! Saka may kalakip ’yang hood. Kaya maaari mo ng itabi ’yang malaki mong sumbrero. Ang madungis at pampamilya mong sombrero.”
“Ito naman. Kung makalait. Malaki rin ang naitulong nito sa ’kin. Lalo’t hindi ako sanay na tinitingnan ng kahit sino.
“Oo, nga. Dalawang araw na tayong magkasama ngunit hindi ko pa talaga nakita ang iyong buong mukha.”
“Wala namang espesyal sa mukha ko. Hintayin mo ako saglit. Bihis lang ako.” Nagmamadali siyang tumayo at tumakbo papuntang banyo.
“Tumatakas ka lang eh!” pahabol nito kaya napatawa na lang siya.
Makalipas ang halos limang minuto ay siya naman ang napabusangot habang lumalabas sa Cr.
“Nitch! Ano ba ’tong ipinasuot mo sa ’kin? Mukha naman akong babaeng bayaran nito . . .” bulong niya sabay takip sa sarili ng suot niyang riding hood. Isang pulang long sleeve na cropped top ang suot niya sa ibabaw at kumikinang naman sa itim na fitted high waist jeans. Saka pinarisan ng itim na riding hood.
“Ayyy! Kulang! Heto. Isuot mo para perfect!” Pumalakpak ito sabay abot sa kanya ng isang pares ng black boots.
“Para naman ako nitong bayaran na may i-a-assassinate, Nitch,” reklamo niya.
“Sushhh! Perfect ang suot mo. Kaya let's go!” Hinila siya nito palabas ng silid na para bang may hinahabol silang flight.
Nang makarating na sila sa lobby ay panay na ang tingin sa kanila ng mga dumaraan. Naiilang naman siya nang pumasok na sila sa elevator dahil nakararamdam siya ng mga titig. Habang si nitch naman ay proud na proud sa suot nitong itim na tube top at pulang jeans na katulad niya ay naka-boots din—knee boots nga lang.
“Sabi ko sa ’yo. Luluwa ang mga mata niyang ’pag gumayak na tayo . . .” bulong nito nang makalabas na sila sa elevator.
“Sa hagdanan na lang tayo dumaan mamaya. Ayaw ko talaga kung may nakatitig sa ’kin. Baka mag-transform ako bigla, kahit wala naman akong wolf,” anas niya at marahang huminga.
“Ano’ng walang wolf?”
“Ah, wala. Halika ka na. May pila pa ang papasok.”
“Kailangan daw ng token eh. Nakapagtanong na ako. Noon kasi ay bayad lang ang hinihingi nila. Ngayon ay token na. Doon na raw babayaran sa labasan bago lumabas ng nayon.” Hindi na siya nagsalita pa at tumango na lang. Napapansin niya kasi ang mga iba’t ibang uri ng nilalang. Ngunit ang nakaagaw ng atensyon niya ay ang lalaking napaka pormal ang suot. Mala bampira ang datingan nito. Hindi naman niya maamoy kung especial ba ito o isang purong tao.
“Nakaka-drool ’di ba? Ayaw kitang sapawan kaya ipauubaya ko na si Sir hunkable sa ’yo. Tawagin mo lang ako at pepektusan natin ’yang dalawang uhong na s**o na kasama niya.” Talagang nanlait pa ito kaya napailing na lang siya.
“Marami pa naman sigurong lalaki sa loob. ’Wag na ’yang taken,” aniya at mas itinakip pa ang hood sa mukha niya. Hindi naman ito sumagot pa, ngunit panay pa rin ang kalabit sa braso niya.
Nang sila na ay agad nitong ibinigay ang dalang token. Ngumiti naman ang bantay dito at parang nagpapa-cute pa.
‘Mukhang effective ang binili niyang may padding na bra at panty ah.’ Pinipigilan ni Dane na ’wag mapahagikgik sa iniisip niya.
”Mukang totoo ang dibdib at puwet ko no?”
“Sira! Ayusin mo ’yan at baka umabot sa tiyan ang dibdib mo. Teka, magsasayaw ka ba?” nag-aalalang tanong niya rito.
“Of course yes! Sayang naman itong suot at ganda ko kung hindi ’di ba? Saka paano ako papansinin kung nakaupo lang ako?”
“Basta, ’wag ka lang masyadong magwala. Baka maging apat ’yang puwet mo ’pag tumagilid ang padding.” Muli ay natatawa na naman siya habang iniisip ang magiging itsura nito.
“Yes, Mom. Kuha ko na,” wika nito sabay ayos sa suot nitong padded bra. At iniwan na siya sa table nito na mag-isa lang.
Matapos siya nitong orderan ng mga mixed fruit drinks at short ordered food ay para na itong kiti-kiti na kumaripas ng takbo sa dance floor.
“Hay naku, Nitch. Parang nakawala sa hawla naman ’tong isang ito . . .” Napapahagod na lang siya sa kanyang batok. Pakiramdam niya ay para siyang Ina na namo-mroblema sa teenager niyang Anak.
Matapos itong umalis ay nakaramdam siya na naiihi kaya ay nagpunta muna siya roon. Dahil mayroon namang mga arrow head ang wall ay hindi na siya nahirapang tumbukin ito. Naghahanap din siya ng saradong lugar dahil naiirita na siya sa malakas na musika at naghaharutang mga nilalang sa paligid niya.
“Aray!” Babalik na sana siya sa kanilang table ni Nitch nang makabangga siya ng isang pader. Kahit lunod sa ensayo ang katawan niya ay pumayat na siya ngayon at isang buwan ding natengga. Kaya ang naging resulta ay para siyang hangin na tumilapon sa dingding. Ngunit bago pa man siya lumagapak sa sahig ay nahawakan na nito ang braso niya sabay hila sa kanya palapit sa katawan nito.
“Careful, Mortal. Careful,” anito at mabilis siyang binitawan. Agad na tumatak sa isip niya ang malalim nitong boses at ang kakaiba nitong samyo. Para iyong bulaklak na rosas na kabubukas pa lang ng mga petals na may kasamang mamahaling scented oil. ‘Mate!’ Nakaramdam siya ng hilo kaya ay dali siyang bumalik sa kanilang table. Tulala siyang napayuko at pinakiramdaman ang sarili, dahil mukhang naramdaman niya ring parang nagkaroon sila ng koneksyon muli ni hail.
“Mind if I join you, gorgeous?” Hindi pa man nawawala ang bahagyang pagkirot ng kanyang sintido ay nadagdagan na ito agad ng isang daang porsyento.
“Ah, Sir. Hinihintay ko pa kasi ang Asawa ko. Pasensya na,” She said politely, ngunit ang totoo ay para na siyang sasabog sa inis. Lalo’t nakikita pa niya kung paano ito manyak na ngumiti at nababasa niya sa kilos nitong, iniisip na nagpapakipot lang siya. Ngunit dahil sa naamoy niya kaninang mabangong samyo ay nagkaroon siya ng kakaibang kapanatagan. Pero sasabog pa rin talaga siya ’pag ’di napigilan.
“Well, sana hindi ka amoy berhin kung may-asawa ka na talaga.” Kung makikita lang nito ang mukha niya ay alam niyang para na siyang hinog na hinog na kamatis sa sobrang pagpipigil. Nag-iinit na rin ang kanyang tenga dahil sa pag-activate ng temper neutralizer Peirce niya. Hindi niya mawari sapagkat dalawa na ang neutralizer niya ngunit nagngangalitvpa rin siya. Siguro ay dahil na rin naaalala niyang ginaganito rin ang kanyang Ina noon. Kaya nagsusuot ito ng riding hood palagi. Dahil din sa ganda ng Ina niya ay palaging napapasubo sa away ang Ama niya.
“Uhm! Excuse me. Can I talk to my wife?” Agad na napaangat ang kanyang tingin nang marinig niyang muli ang malalim na boses kanina. Tila mas yumanig pa ang mundo niya nang kanyang maamoy muli ang nakahahalina at nakalalasing na samyo nito.
“Heh! Kaya pala ay naamoy kita sa kanya, Zin. Well, congratulations, bro.”
“I-ikaw . . .”
“Yes, me.”