Ilang sandali pa ay nalasahan na niya ang sariling dugo. Maliban sa naglalandas sa kanyang labi ay ramdam din niya ang likidong gumagalaw sa likod ng kanyang ulo. ‘Hail! Ayos ka lang ba?’ tanong niya rito habang iniinda naman niya nang bahagya ang katatapos lang na impact. ‘Anong ginagawa mo? Ba ’t ka nawala sa konsentrasyon?’ himutok nito at dinilaan ang dugo sa labi. Iginalaw nito ang katawan dahilan ng pagtalsik palayo ng ilang mga laman na dumikit sa balahibo nito. ‘Pasensya na. May naisip lang ako . . . Hindi mo na ba nalalasahan ang dugo ng mga red fang?’ Ramdam niya kung paano ito napatigil sa kinatatayuan. ‘Sa tingin mo ay tama ang iniisip natin?’ ‘Baka may alam dito si Zen. Ang problema lang ay ’di ko alam kung saan ko siya hahagilapin.’ ‘’Yan kasi, nagpatusok ka ng wala ma

