Tulalang nakaupo si Dane sa kanilang kamang tutulugan. Hindi siya mapakali at panay pa rin ang paglalaro sa kanyang isipan ng mga sinabi ng pobreng may-ari ng tinutuluyan nila. Ni hindi siya halos makahinga sa tindi ng habag na kanyang nadarama. Hindi niya maiwasang isipin ang mga pinagdadaanan niya. But the woman was raped and being threatened until now. Nabali pa ang paa nito dahil sa pambababoy na iyon. Alam niyang kahit na makabawi pa ang katawan nito, ang sugat sa kaluluwa, puso at isipan ay hindi iyon mabubura. Alam din niyang tanging ang mga pamangkin na lang nito ang dahilan kung bakit ito nabubuhay pa. Isa sa kanyang dahilan kung bakit siya naglakbay ay upang punuin ng galak at pagtulong ang kanyang puso at memorya para sa mga batang nais niyang tulungan. Ngunit tila ngayon ay na

